CHAPTER SEVENTEEN

141 14 14
                                        

AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

After the wedding ceremony, dumeretso na agad kami ni Dallas and the guests as well sa wedding reception. Sobrang magarbo ng venue which fits a huge amount of guests. Dito rin nakita ang iba't-ibang colors and motifs na plinano namin ni Dallas during the procedure, and hindi talaga maipagkakaila na sobrang galing ng wedding planner plus the team (which is why they are deemed best) on how they made this reception fit our taste.

There are a lot of people ngayon sa venue which made me anxious especially hindi ko halos kilala ang mga taong nandito ngayon. Actually kanina pa talagang simula ng kasal. Hindi naman ako masyadong nanonood ng mga TV at ibang palabas kaya naman when some guests makes their way to greet me, ngiti at tango lang talaga ang naibibigay ko sakanila. Sa buong oras ko na nandito, sina Quinn, Lola and even Aoi nalang ang mga taong nakakasalamuha ko. Pati nga yata ang mga anak ni Aoi na-feel na parang nagiging loner ako dito sa isang side and for a minute decided to accompany me and then went on to their activities.

Lumingon ako sa kaliwang bahaging parte ng venue and nakita ko on how Dallas' parents are pre-occupied right now sa mga ibang guests plus the different heads and dean ng mga kalapit na hospitals pati narin ang partner hospitals nitong mga ito.

Nasa dulong part naman ng venue si Dallas na mukhang nakikipag-mingle sa mga katrabaho and fellow doctors nito. Na minsan pa nga ay naririnig ang mga malalalim na tawanan ng mga kasamahan nito at pati narin ang pasulyap-sulyap na ngiti na ibinibigay nito sa mga kasamahan niya. Yup, hindi naman siguro obvious na para akong loner here right now.

Kung hindi lang talaga ito fake wedding and relationship, mababatukan ko talaga itong si Dallas dahil iniwan niya ang asawa niya mag-isa knowing na sobrang introverted lang nito and hindi forte ang pakikipag-usap sa kung kani-kanino.

Pinanood ko nalang ang mga taong naisip sumayaw sa tugtog ng orchestra ngayon. Medyo nakakainggit lang, nasa dance floor na ngayon ang ibang mga kapatid ni Dallas. Si Cato na isinasayaw si Chance na minsan pa ay panakaw-nakaw na humahalik dito which earns him a stomp on the foot o kaya naman ay hampas sa braso by Chance. Ang mga mumunting anak naman ni Kuya Adam na sinasayaw pa ang kanilang papa.

And then there's Quinn, ang kaibigan ko. Yes. Na isinasayaw naman ngayon ni Kuya Brett, which made me quirk an eyebrow. Kelan pa naging mag-close ang dalawang iyon at naisipang magsayawan? Mukhang kailangan ko narin yatang i-interrogate itong kaibigan ko at mukhang nakalimutan narin magkwento.

I felt myself release a long and heavy sigh at napagulantang naman ako ng maramdaman ko na may tumabi sa akin. Sinilip ko saglit kung sino ito pero isa rin siya sa mga hindi ko kilalang guests here sa venue kaya naman medyo inayos ko ang sarili ko at sandaliang tumikhim. Nakakahiya naman kung makita nila na wala man lang proper etiquette ang asawa ng isang Montreal.

"Bored?" Napalingon ako ng magsalita ito. Hindi siya nakatingin sa akin, kundi nakatitig lang sa mga taong nagsasayawan ngayon sa dance floor. Nang maramdaman nito na hindi ako sumagot at nakatitig lang sakanya, doon niya pinaling ang tingin sa akin at binigyan ako ng ngiti.

Medyo napatungo naman ako ng titigan ako nito. He's the first one na kumausap sa akin ngayong gabi, kaya naman medyo nahihiya ako on how to approach and to make a light conversation. Hindi ko naman siya kilala in the first place, and kapag naisipan ko naman mag-start ng conversation just to make time goes by mamaya isipin naman na masyado akong feeling close.

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon