CHAPTER THREE

179 18 3
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━━DALLAS MONTREAL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

━━━━━━━━━━━━━━━━━
DALLAS MONTREAL

"When are you planning to settle down?" This was one of the most annoying questions my Dad kept on asking me since I turned 30 this year. I know naman na I'm in the right age na in settling down pero, wala pa naman talaga yan sa plano ko. I just want to finish my residency year and also start my attending year before settling down. I already planned out what I'll be doing for my future years and I don't remember adding spouse to my list. And hindi ko pa na-memeet yung taong gusto ko talaga makasama habang buhay, well, na-meet ko na. Pero hindi ako ang gusto niyang makasama habang-buhay. Love is just, unfair.

"Oh god, when is this going to stop? Every single family dinner yan nalang lagi ang dinidikdik niyong tanong saakin? When are you going to marry this, when are you going to marry that, don't you get tired on asking the same question over and over again?" I never meant to release my frustration sa Dad ko pero wala talaga eh, nakakairita lang yung pagpupumilit nila na magpakasal na ako. Hindi naman sa ayaw kong magpakasal, I'm just not ready for it. I want to get married when I know I am already confident enough to someone's husband or a part of their life. I don't want to just get married out of whim.

I know this is about the "apo" and "gusto niya akong makita na nakasuot ng tuxedo sa kasal ko" pati narin yung "marriage vows ko" terms ni Lolo na gustong bigyang buhay ng Dad ko. He even convinced my Mom na pilitin na ako magpakasal na eh. Sometimes Mom arranges me on some blind dates, mga kapwa ko surgeon sa mismong Hospital namin at pati narin sa ibang Hospital, mapa-babae man yan o mapa-lalaki. Kaya sobrang awkward lalo na tuwing nakakasalubong ko sila sa Hospital knowing na we had a blind date for just a couple of hours because I tend to leave first or set an excuse as always.

"Fine, you really left me no choice ijo. I will not appoint you Chief of Resident hanggang wala kang maipakilala saamin na magiging asawa mo. Kailangan mo na ng kasama sa buhay Dallas, hindi ka ba nabubulok sa penthouse mong to? You're always alone. Hindi nga namin alam kung may pakiramdam ka pa ba or what eh? We know you are dating someone, you're always on the phone. Kung hindi may ka-call, may ka-text ka. And I'm really confused kung bakit ayaw mo siyang ipakilala saamin. Maging nga ang Lolo mo gusto na siyang makilala eh. Kasi eto na yung pinakahihintay niya na pagpapakasal mo. We just want you to be happy, son. Please don't take that as a punishment." Napahilamos ako sa mukha ko ng marinig yan galing kay Dad. I know na he's observing me lalo na sa mga galaw ko. The one I've been texting lang naman is my friend and also co-surgeon sa Hospital, si Jace. Lalo na kapag may mga cases na kailangan naming pag-usapan. We often do the same cases mostly since may alam rin naman ako sa cardio field kaya lagi kami nagkakasama niyan.

"God Dad, you're seriously going to do that? Pati ba naman ang posisyon ng Chief of Resident? 6 years of my hardwork, and you're just going to throw that away for just a simple marriage? You're being unfair right now." I lashed out to my Dad. Pati ba naman yung posisyon na matagal ko ng pinagpaguran sa ilang taon ko na residency dito ipagkakait niya pa dahil lang sa pag-sesettle down na yan. That's just plain bullshit. Ilang taon ako nagpakahirap para lang ma-attain ko ang posisyon at skills a meron ako ngayon tapos mababalewala lang dahil jan? No.

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon