CHAPTER TWENTY FOUR

213 14 19
                                        

AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

Stupid is definitely one perfect word to describe a guy named Aiden Lastimosa right now.

Hindi ko alam kung ilang minuto, segundo, o oras na ba ang nakalipas simula ng makita ko ang resulta ng pregnancy test. Pagtingin ko sa blinds ng kwarto ni Dallas ay napansin ko papalubog na ang araw.

Nawalan narin ako ng gana na kumain at pati narin ang gumawa ng mga supposedly kailangan kong tapusin ngayong araw. I don't know what to do, god I can't even think for myself. Gusto kong bisitahin si Lola pero baka naman atakihin pa ito sa puso kapag nalaman niya na ang nag-iisang apo nya ay buntis na.

"This wasn't supposed to happen" ang paulit-ulit na mantra na sinasabi ko ngayon sa sarili ko. Pero ano pa nga ba. We're medical students, I am a medical student, and in fact alam ko dapat na when an individual undergoes sexual intercourse with another individual without any contraception, baby talaga ang kakalabasan.

Ilang beses na namin yan inaral, diniscuss, hell nag-duty na nga kami sa ward na yan.

Bakit ko i-eexpect na walang mabubuo eh kung tutuosin ilang beses namin ginawa iyan ni Dallas and without thinking kung tama and safe pa ba ang ginagawa namin.

Fuck.

And even last night I asked him to come inside me while having sex. Tapos ngayon kukwestyunin ko ang sarili ko kung bakit ako buntis? Tanga lang? Bobo lang?

The main question right now, would Dallas be happy ahout it? I mean, this was all an act nahaluan lang ng additional benefits na sex. We were not in love, although pwede naman ang co-parenting pero— does he want a child anyway? hindi ko nadin talaga alam.

Huminga ako ng malalim and I tried to muster up enough courage na tumayo. Kanina pa ako nakaupo sa sahig ng banyo at medyo masakit narin ang likod ko.

Binalot ko muna ng tissue ang stick saka dumaan saglit sa kwarto ko para itago ko muna sa drawers ko. Ayoko itapon sa basurahan at baka maisipan ni Dallas isang araw na maghalungkat ng basurahan at bumulantang yan sakanya. Worst way na malaman pa niya ang asawa nya sa papel ay nagdadalang tao na pala.

Inhale and exhale. Inhale and exhale. Iyan lang ang tangi kong nagawa habang pilit na inaayos nalang ang kwarto ni Dallas, pinalitan ko narin ang balot ng kama nito kasi amoy na amoy ang sex na nagpapaalala lang ng ginawa namin kagabi at kung bakit nasa ganitong posisyon ako ngayon.

Habang nilulunod ko ang sarili ko sa mga gawain, desidido ako na dahil nalaman ko ang pagbubuntis ko ng mas maaga, kahit papaano ay aalagaan ko na ang kalusugan ko. Bumaba ako sa kusina at tinignan ko ang pantry kung may ulam pa ba na pwede kong maluto kasi hindi man lang ako kumain ni-isang subo ng pagkain ngayong araw.

Mag-gagabi narin at paniguradong pauwi na si Dallas, matutuwa pa ito kung uuwi ito galing trabaho na may masarap at mainit na ulam.

I'll try to talk to him at the right time. Pero iniisip ko nalang na sana ibigay na niya ang divorce papers at hindi ko na gagambalahin pa ang buhay niya. Kaya ko naman sigurong mamuhay ng mag-isa kasama ang magiging anak namin. Pwede naman ako tumigil muna saglit sa pag-aaral at kumuha muna ng trabaho.

Ayoko lang naman kasi maiparanas sa anak ko ang hindi katanggap-tanggap na trato kung malaman man ng daddy nito na buntis ako at ayaw niya sa batang dinadala ko. Kaya mas mabuti nalang na maglaho kami sa mata ni Dallas kung sakaling mangyari man ang kinatatakutan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon