CHAPTER SEVEN

168 17 6
                                        

AIDEN LASTISMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

"My dad had an assumption about me, that I'm currently dating someone because he actually stated some facts on why he thought so. He said that I'm always on the phone, I have someone I'm texting but the truth is that was only Jace, my friend, he's in the Cardio field. He told me that he is not going to appoint me as Chief of Resident kapag hindi ko maipakilala sakanila ang taong dinedate ko. I don't want to include Jace with this problem since he is already dating someone else. And kapag dinawit ko pa siya dito, this might cause some ruckus and ayoko naman na masira ang pagkakaibigan namin dahil dun. Yes, call me selfish pero I will not waste the 5 years of my hardwork para lang bawiin nila ang posisyon na clearly goal ko na from the very start of my career. Kaya ka ngayon nandito." Napatanga naman ako ng inexplain niya yung "side" niya sa deal na gagawin nga namin ngayon. Ayaw ko man sabihin pero napakatanga lang nung excuse na gagawa siya ng contract dating and marriage para lang sa posisyon na iyon and para lang masabi sa tatay niya ito. Pero naisip ko rin naman na kung ako iyon, ay baka maisipan ko ring gawin ito. Kaya hindi nalang din ako nagsalita pa.

Pero naisip ko din na in short, parehas lang kaming tanga. I don't want to judge Dallas' decision regarding that matter din naman since wala naman ako sa sitwasyon niya and hindi ko din naman naexperience yung hirap at pagod na nilaan niya sa pagiging successful na resident surgeon. Pero kung sakali man na mangyari yun saakin, ay baka maisip ko din ang decision na ginagawa niya ngayon with regards to the fake dating or marriage or whatever you may call it. Kaya naman kahit papaano ay binobroaden ko talaga yung understanding ko sa situation niya. Kasi kung tutuusin, kayo rin naman sasabihan akong tanga with my decision na pumayag sa deal na ito para lang mapagamot ang lola ko. Oo na, parehas na kaming tanga ditong dalawa. Pero wala narin naman kaming magagawa eh. Kailangan nalang namin panindigan yung desisyon na ginawa naming dalawa.

Napalunok naman ako at napatitig sakanya, nakita ko siyang nakataas ang kilay at inaantay ang isasagot ko kaya naman tumikhim muna ako saka ako nagsalita. Sobrang naiintimidate parin ako sakanya hanggang ngayon, kaya medyo "fidgety" pa ako gumalaw lalo na tuwing tinitignan niya o kaya'y kinakausap. Mamaya kasi may gawin akong katangahan na hindi ko malilimutan at magpalamon na ako sa lupa ngayon. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin sakanya ngayon, kaya naman kung ano nalang pumasok sa utak ko ay yun nalang ang ilalabas ko sa bunganga ko.

"Okay. Pero, hindi mo man lang ba naisip na sabihin sa Dad mo na friend mo lang yun sa hospital? Or you're not ready to settle down at all muna?" Mabilis itong napatingin saakin at nakakunot ang noo kaya naman medyo napaatras ako sa kinauupuan ko ngayon dahil mukhang may nasabi nga yata talaga akong hindi maganda. Please lang, I don't want to get into Dallas' bad side kaya naman kailangan ko talagang pag-isipan muna lahat ng sasabihin ko.

"Thought that a thousand of times, explained to Dad as well pero he doesn't buy that excuse at all. Knowing na Jace and I graduated at the same Medical School and we became actual close friends na sobrang dalang because of my reputation. He always goes to the "I'm your Dad and I know that my son is hiding something from me" gut feeling kaya hindi niya ako tinitigilan. Simula yata noong na-witness nila ang panganganak ng asawa ni Kuya Adam ay masyado silang natuwa seeing their children have families of their own. Kaya naman ngayon, naka-lineup na ako sa susunod sa yapak ng Kuya ko." Napatango naman ako sa sinabi nito, siguro ganoon na nga iyon. Tutal, sino ba naman ang magulang na hindi matutuwa na makita na magkaroon na ng sariling pamilya ang anak nila. Saka mahirap din mag-explain lalo na't sobrang tiwala yung magulang mo sa instincts and gut feeling nila.

Naisip ko din na nakakaawa lang din pala itong si Dallas. He needs to live up to the expectations of the people surrounding him as well as his parents, na minsan sila na ang nagdidikta sa buhay nito. Kaya naman naisip ko ngayon na intindihin nalang ang sitwasyon niya at ibigay ang buong atensyon ko sa mga sinasabi niya ngayon saakin. Wala siguro siyang solid foundation na ganito na napagkkwentuhan and nasanay nalang siga na i-bottle up inside lahat ng problems and raging thoughts niya. Kaya siguro nagiging evideng yun sa pagiging distant niya sa tao as well as sa pagiging pribado nito sa buhay niya.

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon