CHAPTER FOURTEEN

125 13 2
                                        

AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

Isang nakabibinging katahimikan ang bumabalot ngayon saamin sa loob ng sasakyan. Pagkatapos kasi ng proposal nito, nagdiwang talaga ang pamilya na hanggang sa mag-sara na ang restaurant ay nandun parin kami na nagkakasiyahan. Nakakahiya pa nga at kinailangan pa kaming sabihan ng mga waiter at waitress doon na magsasara na ang restaurant dahil masyado kaming pre-occupied sa big celebration na naganap ngayon. Medyo nawala narin ang aking hiya na bumabalot sa sistema ko nun at nagsimula narin makipag-usap sa mga kapatid ni Dallas. Nakilala ko rin si Chance, ang fiance ni Cato. Isa pala itong intern din sa Hospital namin at in-line din sa Cardio Field ang gusto nito.

Nakalaro ko din ang dalawang kambal na anak nina Aoi at Kuya Adam. Sobrang lively ng dalawang batang iyon na halos mangawit ang paa ko kakakandong sakanilang dalawa. Medyo delicate pa kasing lapitan at paglaruin ng sobra-sobra  si Aoi dahil buntis din ito, nakadantay lang ito sa balikat ng kanyang asawa habang balot na balot ng mga braso ni Kuya Adam ang katawan nito. Medyo nakatulog pa nga dahil syempre "pregnancy hormones" nga kung tatawagin nila. Habang nasa harapan ko sila ay hindi ko maiwasang mainggit dahil gusto ko rin makaranas ng ganoong uri ng pagmamahal.

Pero kagaya nga ng sinabi ng asawa ni Kuya Adam. Love is a rollercoaster ride of emotions and memories. May times na feeling natin we're on top of the world on how the feeling of love can bring to us and minsan naman nandun tayo sa pinakababa wherein nararamdaman natin ang iba't-ibang pagsubok kalakip sa emotion na meron ang dalawang tao. It's up to you if you'll decide to enjoy the ride hanggang sa matapos ito.

Aoi said na yung path ng pagmamahalan nila noong una ni Dallas ay hindi ganoon kaganda. Which had made me surprised. Knowing that the two of them are one of the most known couples from the Montreal Brothers, and being one of the major inspirations. Well, in fact ang sabi pa nito na they didn't even know each other during that time. Ang sabi lang daw nito, it just happened. And hindi niya alam kung fate lang ba talaga ang nag-udyok sakanilang dalawa to make that happen.

While Aoi's sharing a glimpse of their relationship, that's when I realized that not all the time relationships are always perfect. As he quoted nga "It takes a lot of courage, dedication, love, trust and even communication to build up a solid wall of it. As the saying goes, "it takes two to tango".

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti ngayon sa selebrasyon na kanina lang ay naganap. Minsan din ay hindi ko maiwasang tignan-tignan ang nakasuot na singsing ngayon sa aking daliri. Ramdam ko ang bigat nito sa daliri ko making a sign that this really happened, and that the ring is actually there. You're not just hallucinatinh it, Aiden. Never kong na-imagine na kahit papaano ay maeexperience kong magsuot ng ganitong singsing at maramdaman ang sobrang pagmamahal dahil lang sa bagay na ito. Hinaplos-haplos ko ang singsing na kumikinang sa aking daliri at hindi ko maiwasan na matuwa habang tinitignan ito. Mukhang napansin naman ito ni Dallas kaya siya na ang naunang bumasag ng katahimikan na namumuo saaming dalawa.

"Are you okay? I'm sorry for the sudden change of plans and for the surprise proposal. I just thought that it's the right time to ask you for that question since all of the family members are there at para medyo surprised talaga ang magiging reaksyon mo, is the ring up to your liking as well?" May oras pa talaga siyang ngitian ako and everything na sobrang obvious na ang pagkainis ko sakanya ngayon. I feel myself pout at sinimulang laruin at ikot-ikutin ang singsing na nakasuot sa daliri ko ngayon. Mukhang magiging habit ko yata ito. Panalangin na wag ko lang sana ito mawala or mahulog sa daliri ko at hindi ko mapansin, wala pamandin akong pamalit at pambayad.

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon