AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━
R-18. Read at your own risk.
"Penny for your thoughts?"
Hindi ko namalayan na may tao na pala na nasa likod ko kung hindi pa ito nagsalita. Lumingon naman ako at napansin kong si Alec lang pa iyon.
Ngumiti ako at saka umusog ng kaunti sa bench na kinauupuan ko. He took the message and sat down beside me while looking at the University's school grounds.
Hindi ko alam kung bakit lately mas natitipuhan ko nalang tumambay na mag-isa rito. Siguro my mind felt at ease and parang nawala lahat ng problema na nagpapabigat ng pakiramdam ko habang lumilipas ang araw.
"Sunsets here are really nice. It's like getting front row tickets at a show." Muling saad nito na nagpalingon sa akin sa direksyon niya.
Pinagmasdan ko lang kung papaano rin tignan ni Alec ang sunset na inaabang-abangan ko rito.
"How's Dallas? Enjoying the newlywed life?" Binaling nito ang tingin sa akin at nagtama ang aming mga mata.
I was the first one to look away and took a deep breathe.
"Not good?"
"No, uh, we're fine."
"Doesn't convince me though." Inikot nito ang katawan niya at pumaharap sa akin.
"No Alec. Pagod lang siguro ako."
"It's not real, isn't it?" Ang saad nito na nagpabaling ng tingin ko sakanya.
"What do you mean?" Shit. Huwag mong sabihin.
"You and Dallas are not in love. Or should I say, you're in love with him, but he's not in love with you. I believe this is all an act." Napatayo ako at hinarap siya, hindi ko alam kung bakit yung peaceful na moment ko kanina ay bigla nalang naglaho at napalitan ng galit at lungkot.
Hindi pa ba sapat na pinamumukha na nga ng maraming tao at pati narin ng asawa ko na hindi niya ako gusto at wala talagang chance na magustuhan kahit kaunti man lang.
I was about to say a word pero hindi ko alam kung bakit napatigil nalang ako. Hindi ko alam ang sasabihin kasi totoo naman talaga. Ang hirap magdeny, minsan nakakapagod nalang din sabihin na "okay lang ako".
"Masakit." Ang tangi ko nalang na nasabi at sumalampak sa upuan at muling pinigilan ang mga luhang nagbabadya. Pang-ilang araw ko na itong umiiyak, ang sakit narin sa mata ha.
"It's okay."
Ang saad nito habang nakatingin sa langit.
"Why are you doing this?"
"Doing what?"
"Why are you being— kind?" He looked at me once again and smiled. Tumayo na ito at sinundan ko ng tingin. "I like you Aiden. If you need me, I'm one call away."
Hindi na ako nito pinagsalita at tuluyan nang umalis sa kinauupuan namin. Sinundan ko ito ng tingin at hindi ko alam kung paano ipoproseso ang kani-kanina lang na sinabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Warm Cups, Warm Hearts
RomanceMontreal Doctors Series #1 : Dallas Montreal Aiden, a part-time barista and a medical student, clearly has only one goal in life. Become a Pediatric Surgeon and enhance his skills in the States. But those plans took quite a turn when Dallas, a resi...
