CHAPTER FOUR

191 18 7
                                    

AIDEN LASTISMOSA━━━━━━━━━━━━━━━━━

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AIDEN LASTISMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

Una sa lahat. Sunday ngayon at obvious naman na wala kaming pasok ngayong araw. Pero hindi ko talaga alam kung bakit may nagriring ng doorbell ng kwarto ko ng alas-otso ng umaga. Sobrang pagod na pagod ang katawan ko kagabi dahil kami ang nagclose ni Quinn ng shop ng 11 ng gabi. Kung si Quinn lang din talaga itong nasa labas ng kwarto ko ay mababato ko talaga to ng tsinelas.

Hindi nagpatinag ang tao sa labas ng aking apartment kaya medyo kinabahan rin ako kung sino ang nasa labas. Tinignan ko muna ang kalendaryo ko na nasa tabi ng study table ko kung kelan ang susunod na bayad ng renta, nakita ko naman na sa susunod na dalawang linggo pa naman ito kaya mas lalo akong nagtaka kung sino ang bibisita saakin ng ganitong oras ng umaga.

"Sandali lang," Ang sabi ko na hindi man lang tinignan ang itsura ko sa salamin, maging ayusin ang buhok ko kung may mga nakataas ba kung saan-saan na parte nito. Nataranta pa nga ako na buksan ang pintuan ng apartment dahil kanina pa niya binabarena yung doorbell. The least I can do is to fix my entryway papasok ng apartment dahil nagkalat na ang mga sapatos pati narin ang mga tsinelas ko, which is clearly, napaka-unpleasant sa mata.

Binuksan ko narin ang pintuan ng apartment ko at bumungad saakin ang isang matangkad na lalaki na natatakpan ang mukha ng dala niyang boquet ng bulaklak. Hindi ko alam kung naligaw lang ba itong lalaking 'to at inakala yata na dito natutulog ang girlfriend, o boyfriend neto. Pero isa lang din ang masasabi ko, swerte naman niya, tulips pa talaga ang dala. Magsasalita na sana ako ng binaba ng lalaki ang hawak hawak niyang boquet na natatakpan ang mukha niya, kaya naman mas lalo akong nagulat ng makita ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon ng umagang-umaga.

Okay, so bakit naman siya nandito? hindi naman ako nainformed na tagadito yata ang nililigawan ng lalaking ito.

"Dr. Dallas, ano pong ginagawa niyo rito?" Takang tanong ko sakanya? Baka naman kasi namali lang pala siya ng kwarto. May hawak-hawak pa nga itong bulaklak at obvious naman na hindi naman ito para saakin kaya hindi ko alam kung bakit siya nasa harapan ng kwarto ko ngayon. Baka maituro ko sakanya ang apartment number kung naligaw lang siya ng floor o kaya ng building.

Narinig ko muna ang paghinga niya ng malalim, ang pagshift ng mga paa niya sa kinatatayuan niya at ang matalim na tingin na pinukaw niya saakin. Nagtaka naman ako kung bakit hindi siya mapakali sa kinalalagyan niya, kaya naman magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako.

"Aiden Lastimosa, Please Marry me." Hinilot-hilot ko ang sentido ko ng marinig ang mga katagang ito mula sakanya. Ewan ko, siguro sobrang pagod lang ako kagabi kaya kung ano-ano na napapanaginipan ko at naririnig ko. Isasawang bahala ko na sana to pero naisip ko na bakit hindi pa ako nahuhulog sa kama? Siguro naman panaginip lang 'to diba? Kung bakit nasa harapan ko ngayon si Dr. Dallas Montreal na may hawak hawak ng boquet ng tulips at nagppropose ngayon saakin on the spot.

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon