AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━
After makuha muna ng waiter ang bawat order ng pamilya, doon na nagsimula ang nakabibinging katahimikan. Kanina pa kami tinititigan ng mga kapatid nito, lalo na ako. Kaya naman hindi ko mapigilang uminom muna ng nakahandang tubig sa harapan namin dahil feeling ko talaga napapaos yung lalamunan ko sa sobrang kaba. Kitang-kita ko kung paano manginig ang aking kamay habang inaabot ang baso kaya naman napahawak ako sa kamay ko para lang maiwasan na mabitawan ito. Mahirap na, nasa fine-dining restaurant pamandin kami at nakakahiya kapag nakabasag ako dito, mamaya mamahaling baso pa pala ito at wala akong pambayad pamalit.
"Thank you so much for attending this long awaited family dinner. Due to my mom's eagerness na ipakilala ang taong mahal ko. This is Aiden Lastismosa, he's a medical student in our University and also my boyfriend as well. We've been dating for how many months already, and we're currently living together as well. Alam ko naman, na gusto niyo ng straight to the point regarding this topic. And please, give Aiden a break with the too much questions." Nagulat ako ng mag-initiate ng magpakilala si Dallas sa relasyon naming dalawa. I was expecting na hihintayin niya muna ang mga magulang niya na magtanong o mag-open na ng topic about dito. Nakita ko naman ang mga ngiti na sinukli ng kanyang pamilya sa aming dalawa.
"It's really nice to meet you, Aiden. Thank you for keeping up with my brother. I know na he's one of the guys you can't get along within an instant, minsan kasi ine-embody na niya yung mga first impression sakanya ng mga tao sa Hospital na minsan natatago na ang totoong Dallas na kilala namin, but I'm glad that you gave him so much patience. Kudos to you on that." Nahihiya akong tumingin habang cinocompliment ako ng Kuya Adam nito. Kung si Dallas ay kilala sa pagiging poker faced, maging ang nakatatandang kuya rin nito. I heard nga na silang dalawa ang mag-close sa magkakapatid kaya naman hindi talaga mailalayo ang ugali at ang mannerism nilang dalawa. But, Kuya Adam is on another level. Ibang level yung pagkaintimidate ko dito.
All of the Montreal Brothers are clearly, may itsura, may pera, matalino, in short, nasa kanila na ang lahat. No wonder na marami talaga ang nagkakandarapa sa mga ito at napaka-swerte lang ng mga nagugustuhan nila out of all the fish in the sea. Clearly, being in this family circle is really intimidating pagdating saakin na isang, nobody. Yung biglang naging Cinderella lang ang buhay na isang araw pagkagising niya isang prinsipe na ang hinahanap-hanap siya. Kaya sa magiging future official na asawa talaga ni Dallas, I am wishing you goodluck.
"Hello! I am Aoi, Adam's husband as well. You can ask me anything mapa-school problems man yan, love problems, or even just the random things. We're on the same page as well. Wag kang matakot sa mga magkakapatid na ito, lalo na kay Adam. I know he's a bit intimidating due to his face and his stoic demeanor pero he's a nice guy. You can approach him anytime na may kailangan ka lalo na't nasa iisang hospital lang kayo. Wag lang jan kay Brett pati kay Cato dahil puro kabalastugan lang ang masasabi niyan saiyo. Buti nga nagustuhan ni Chance iyang si Cato, knowing na mag-childhood bestfriends pa ang dalawa." Nakita ko naman kung paano napakamot ng ulo si Cato sa sinaad ng asawa ni Kuya Adam at kung paano ako ngitian ni Kuya Brett. Siya lang talaga ang walang kasamang date ngayon.
While yung kasama naman ni Cato na "Chance" kung tama ang pagkakarinig ko, ay nahihiyang tumingin saakin at nagbigay ng matipid na ngiti.
"Huwag kang maniwala jan sa asawa ni Kuya Adam, medyo lang naman yung pagiging basagulero ko pero may good side naman ako, diba babe? This is my fiance, by the way. His name is Chance, and he's shy. Wow, rhyming. Pwede na talaga akong maging poetist. Galing ko talaga babe no?" Napatawa nalang ako sa playful na ugali ng bunsong kapatid nila. Pati ba naman sa joke napaka-corny bumanat. Napatungo nalang ang fiance ni Cato at naaninagan ko pa ang kamay nito na nakapatong sa table pati na ang kumikislap na singsing nito na nakasuot sa kanyang palasingsingan.
BINABASA MO ANG
Warm Cups, Warm Hearts
RomanceMontreal Doctors Series #1 : Dallas Montreal Aiden, a part-time barista and a medical student, clearly has only one goal in life. Become a Pediatric Surgeon and enhance his skills in the States. But those plans took quite a turn when Dallas, a resi...
