CHAPTER SIX

162 16 2
                                        

AIDEN LASTISMOSA ━━━━━━━━━━━━━━━━━

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AIDEN LASTISMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

"Maupo ka nalang muna saglit doon sa kama ko habang magiimpake lang ako ng gamit ko. Medyo madami-dami kasi ang mga gamit ko baka mainip ka kaya feel free to entertain yourself muna." Kagaya nga ng sinabi niya, aantayin niya rin daw ako mag-impake kaya eto kami ngayon sinadya muna saglit ang apartment ko para lang makapag-impake ako ng mga gamit ko. Naalala ko rin pala na puntahan mamaya ang landlord ko sa baba para ipakansela na ang kontrata naming dalawa ngayong taon.

Naisip ko rin na magsilid ng liham para kay Quinn mamaya sa apartment niya. Mas naisip ko kasi na mas formal kung liham mismo ang ibibigay ko sakanya kesa naman na i-text lang siya na akala mo ay makikipaghiwalay gamit lang ang text message. Paniguradong magugulat iyon kung malalaman niya na hindi na pala ako nakatira sa kabilang kwarto. Medyo nalulungkot nga ako na hindi ko masabi ngayon ang sitwasyon ko kay Quinn, ang bigat bigat rin kaya yung ikaw lang yung naghahandle ng sarili mong problema at wala kang mapagsabihan nito. Pero ayoko naman din kasi na maging pabigat kay Quinn lalo na't may sarili din itong buhay at hindi naman niya obligasyon na alagaan ako. Dapat din niyang unahin ang sarili niya at pati narin ang kaligayahan niya bago ang ibang tao. Minsan nga naiisip ko parang ako lang yung nagiging dahilan kung bakit hindi magawa ni Quinn ang mga gusto niyang gawin sa buhay dahil todo bantay at magkasama kaming dalawa sa lahat ng oras.

Kaya naisip ko rin na kapag nagtanong na siya saakin kung ano ba ang nangyayari, ay sasabihin ko narin kaagad kung anong sitwasyon ang pinasok ko.  Well, in the first place naman talaga dapat sinabi ko na ito sakanya dahil kaming dalawa lang ang magkasandal sa isa't-isa ngayon pero ayoko nga na dahil nanaman sa sitwasyon na ito ay maging dulot nanaman ako ng problema niya at maging pabigat pa dito. Kaibigan ko si Quinn ngunit ayoko naman gamitin ang pagkakaibigan na iyon para lang i-asa lahat sakanya ang problema at dagok ko sa buhay. Kailangan ko rin matutong magdesisyon para sa sarili ko at tumayo sa sarili kong paa, dahil una sa lahat magkakaroon din ng sariling buhay yan si Quinn at hindi naman kami magiging magkasama habang buhay. Saka kahit naman sabihin ko na ang pangyayari sakanya, alam ko naman na pagsasabihan lang ako nun pero in the end wala rin siyang magagawa kundi suportahan ako.

Kinuha ko na ang mga bag at luggage ko malapit sa aparador ng kwarto at nagsimula na akong mag-impake ng mga gamit ko. Buti nga at hindi ganoon karami ang mga damit ko since hindi naman ako mahilig mag-shopping. At hindi naman nababago ang katawan ko kaya kasya pa ang mga damit kong nabili ko na 2 taon na ang nakalipas. Ang pinakamadami lang talaga sa gamit ko ay mga libro pati narin ang iba't-ibang pictures na inipon ko bilang memorya. Ang isa kasi sa mga hilig kong gawin ang pagpprint ng mga pictures at nilalagay talaga ito sa isang photo album, alam ko kasi na hindi na ganun ka-uso ngayon ang mga photo book pero mas maganda parin na may panghahawakan ka na hindi talaga mawawala. Mas mabilis sana ako mag-impake ngayon kung wala lang itong lalaking ito sa loob ng kwarto ko, medyo nakakailang kasi yung kada galaw mo ay inoobserbahan niya o kaya'y tinitignan niya.

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon