CHAPTER FIVE

159 18 0
                                        

AIDEN LASTIMOSA━━━━━━━━━━━━━━━━━

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

Monday ngayon at maaga ang unang klase ko ngayon sa University, kaya alas singko palang ay gising na gising na ako kahit na alam ko sa sarili ko na hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa mga pangyayari na naganap kahapon. Pinag-iisipan ko parin kung tama ba talaga ang desisyon at ginawa ko, patuloy na binabagabag ako nito pero bigla nalang sasagi saakin ang mukha ng Lola ko kaya pinipilit ko na isipin na tama ang ginawa pati narin ang desisyon ko at para iyon sakanya.

Kaya ko naman makisama siguro kay Dallas ng isang taon lang naman. Kaya naman siguro naming itrato ang isa't-isa na strangers kapag kami lang dalawa ganun, na may favor lang sa isa't-isa. Kung kailangan umakto, aakto. Minsan nga napaisip nalang ako, sana hindi nalang ako naging doktor. Mag-artista nalang kaya ako, practice narin ito if ever maflourish pa namin yung talento ko sa pag-aakto, diba? Saka, dahil narin sa gagawin naming pagkukunyaring dalawa.

Ang malaking problema lang talaga kasi na na-realize ko after all the conversation we had yesterday ay magiging mag-asawa pala kaming dalawa. Oh diba? Pumayag-payag sa deal na yan pero hindi din naman narealize kung ano ba yung pinasok niya? Aiden talaga. Asawa, Magpapakasal kami, hahalikan namin yung isa't-isa? Gagawin ba namin "iyon"? Or pinakaworst, mamaya manghingi ng "bunga" ang pamilya niya sakin na nagpatayo ng balahibo ko. Alam ko naman na kaya kong magdala ng supling pero hindi ko pa yata iyan kaya, saka, hindi naman namin gusto ang isa't-isa. Ayoko naman gawin "iyon" sa taong hindi ko mahal. At ayoko naman na ang kalakhan na pamilya ng anak ko ay isang pagkukunwari lamang at ang kinikilala niyang mga magulang niya at pinaglapit lang naman talaga dahil lang sa isang kasunduan na yan.

Napatingin nalang ako sa orasan ko at narealize ko nalang na 30 minutes na pala akong nagmumuni-muni at dapat naglalakad na ako papuntang University ngayon. Kaya naman pinaspasan ko na ang pagkilos at naligo na kaagad. Pagkagising ko kasi, natulala lang ako sa ceiling habang iniisip ko ang mga nangyari kahapon. Sobrang bilis talaga ng oras pag nag-iisip ka, pansin ko lang.

Pagkalabas ko ng banyo narinig ko na ang pagring ng doorbell kaya naman tinapis ko muna ng maayos ang twalya ko bago kitain ang taong iyon, mamaya kung sino pala at mapagkamalan pa akong bastos sa itsura ko ngayon. Pagkabukas ko ng pinto bumalandra kaagad saakin si Quinn na wala man lang sinabi at basta-basta nalang pumasok sa unit ko. Hindi pa talaga naisipang magtanggal ng sapatos niya, eto talagang kaibigan ko ang sarap talaga batukan paminsan-minsan.

Nang makita ko si Quinn ay napasapo rin ako sa noo ko dahil napagtanto ko rin kung paano ko sasabihin sakanya lahat ng nangyari kahapon. Na pumunta si Dallas sa unit ko, na inalok niya ako ng kasal, na sasama na ako sakanya ng isang taon. Hindi ko alam kung maiintindihan ba nitong kaibigan ko or magtatatalak lang ito na parang nanay na manok, kapag wala kasi si Lola ito ang tumatayong tagatalak ng buhay ko dahil minsan ay laging tama ang mga sinasabi at payo niya. Kaya napagisipan ko na sa susunod nalang ito sasabihin sa kanya, basta, sa tamang panahon.

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon