CHAPTER EIGHT

152 16 18
                                    

AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

"Okay, so sabay tayong papasok ngayon sa University para magtaka and mag-usap usap ang mga students kung bakit tayo sabay na pumasok sa Uni kasi bakit naman magsasabay ang isang Dr. Dallas Montreal ng isang mere student papasok sa school. Syempre that will make a big commotion as well as malaking usap-usapan sa school. Okay, that's great. And then, pagkatapos ng class ko you're going to pick me up sa cafeteria na makikita rin ng mga students and by evening we're going to have dinner lang. Ayan ang plan today?" Alam kong irita na si Dallas since evident na evident na 'to with the scowl on his face. Hindi ko naman kasalanan na pinaulit-ulit ko 'to na parang sirang plaka dahil una sa lahat, isa yan sa mga way ko para lang maibsan ang kaba na bumabalot sa sistema ko ngayon.

Hindi ko ba kasi alam sa lalaking ito and his never-ending surprising lines nalang na binibitawan unexpectedly and hindi ako informed kaya naman sobrang hirap ngayon i-process ng utak ko lahat ng gagawin namin mamaya. Para tuloy kaming nagkaroon ng surprise recitation o kaya naman impromptu reporting sa lagay na ito. Kalmahan mo lang Aiden, kaya mo iyan. Mukhang practice mo narin ito kung magkakaroon ka man ng minamahal sa mga susunod na taon pagkatapos ng deal niyo ni Dallas. Atleast kapag mangyari man yun, hindi ka na mapapahiya na wala kang experience sa dating. Dallas and his Dating Lessons 101.

Matatawa na sana ako sa mga kung ano-ano nanamang pumapasok sa utak ko pero hindi ko nalang iyon pinansin at mahinang tinampal ang sarili ko para hindi mawala ang focus ko. Masyado yata akong nag-iisip ng nag-iisip lately, nakakasama na siya sa sarili ko minsan. Paki-remind nga ako minsan na kumalma lang at magde-stress, kasi dahil sa kinalalagyan ko ngayon I really need some rest muna sa mga nangyayari lately. Dahil kung hindi, ayoko naman na matuluyan kaagad ako ng nasa murang edad palang. Madami pa akong plano sa buhay ko.

Noong pinaliwanag niya kung ano ang gagawin namin today ay parang wala lang sakanya. Ni hindi man lang nga yata siya kinakabahan or what, may pakiramdam pa ba talaga 'tong taong to? Minsan gusto ko nalang siya sundot-sundutin nalang, mamaya kasi machine pala talaga itong si Dallas and scam talaga yung akala naming tao talaga siya. Pero masyado naman akong feeling close kung gagawin ko iyon, social distancing muna kaming dalawa. Hindi pa naman kami ganun ka-close at syempre, respeto narin sa personal space ng bawat isa. Always ask for consent.

"We're going to be late, I will head first in the showers. Thank you for the breakfast, by the way. It's very delicious, I really appreciate it," Hindi ko nalang ito pinansin ng tumayo na ito para ilagay ang kanyang pinagkainan sa lababo. Umakyat narin ito kaagad at ng marinig ko na ang pagsarado ng pintuan sa showers ay hindi ko na naiwasang takpan ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko. Napasigaw nalang ako ng malakas na minuffle naman ng palad ko ang ingay na sana ay lalabas.

Hindi ko kaya 'to. Hindi ko talaga kaya 'to. Ang sabi ng isang parte ng utak ko, pero syempre may kabilang part pa yung utak ko na nagsasabing dapat kayanin mo to, Aiden. Ginusto mo yan, panindigan mo. Ano ka? Duwag, aatras nalang ng hindi lumalaban? Hindi ka ganyan pinalaki ni Lola, aba. Mahiya ka naman.

Yan ang paulit-ulit na tinatatak ko sa utak ko ngayon para lang maibsan ang kaba na nararamdaman ko. Self-motivation nalang talaga at ang pagkapa sa sarili ko. Nandito na ako, hindi na pwedeng umatras pa. Desisyon mo yan kaya kailangan mo panindigan, nakakahiya naman kay Dallas na kayang-kayang gawin ito pero ako, hindi? Syempre kakayanin ko rin ito. In-accept mo na yung deal kaya it's your time to go with the flow. Siguro naman hindi ka hahayaan mag-isa ni Dallas and he will guide you through it. Since siya na nga ang nagsabi na magkkeep-upan kayo sa isa't-isa. Tama, yan lang ang isipin mo. Nangako siya na nanjan lang siya sa side mo in this deal kaya wala naman sigurong masama na mag-hold on sakanya kahit kaunti lang naman diba?

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon