AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━"Dallas Montreal, I have a reservation here for two." Habang kinakausap ni Dallas ang waitress sa front desk ay iginala ko ang mata ko sa interior ng restaurant na pinuntahan namin. Makikita mo dito ang touch ng Japanese culture pati narin ang iba't-ibang designs ng bulaklak na nakapalibot dito. May mga iba't-ibang figurines and even mamahalin na antique items na halata mong binili pa talaga sa Japan para lang mapabuhay talaga nila ang Japanese na tema ng restaurant na ito. Sobrang mangha ako sa maganda nitong aura at ambiance pagkapasok palang. Yung tipong ayaw mo ng umalis dahil sobrang sarap sa pakiramdam na nandito ka.
Mukhang makakatulog yata ako sa bango ng air humidifier pero I'll try my best not to, nakakahiya.
"Right this way, Sir." Sinundan ko naman ng lakad si Dallas habang nakahawak parin ang kamay namin. Medyo nasasanay narin ako sa ganitong phase namin tuwing lumalabas ng University. Nakahawak ang kamay hanggang sa makauwi kami, hindi rin naman ako magrereklamo dahil sobrang fit na fit ang kamay ko sa kamay niya at nasanay nalang din ako.
Dinirekta kami ng waiter malapit sa glass wall ng restaurant kaya naman natuwa ako ng makaupo ako. Mahilig talaga akong umupo sa mga malapit sa bintana, o kaya sa glass wall kapag nasa restaurant. Gusto ko lang talaga makita kung anong nangyayari sa labas ko, pati narin ang kilos ng mga tao sa labas. Medyo tumapat pala kami sa may aircon, kaya naman nagpasalamat ako na nakasuot parin saakin ang coat ni Dallas para di ako lamigin.
Ang hirap pa ngang idikit kung saan saan ng kamay ko dahil medyo mamahalin ang coat na ito pagtingin ko sa pocket niya, may nakasabit kasi doon na brand tag, kaya naman ng tinitigan ko iyon medyo lumuwa yung mata ko knowing na coat lang pero ganun na brand ang suot-suot nito. Pero ano na bang ieexpect, since alam ko naman na mayaman talaga itong si Dallas.
"Do you like it here?" Nagising nalang ako sa pagiisip ko at nilingon si Dallas ng magsimulang magsalita ito. Nakatitig lang ito saakin habang nakadantay ang siko niya sa lamesa. Naka-tupi narin ang sleeves ng polong puti nito kaya naman hindi ko maiwasang mapakagat ang labi sa itsura niya ngayon. Oo, alam ko naman talagang maganda ang genes niya. Kaya naman para hindi ako magmukhang awkward, nginitian ko na lamang ito at nagthumbs up pa ako sakanya.
Nasatisfy naman siya sa gesture na ginawa ko kaya naman tumango lang ito at hinayaan ng maglibot-libot ang mata ko sa loob ng naturang restaurant.
"Ang ganda, ang bango pa, and alam mo iyon? Yung masarap sa feeling na restaurant? Hindi ko alam kung paano ma-explain, pero salamat dahil dinala mo ako dito." Nginitian ko nalang siya at mukhang natuwa at nasatisfy din naman siya sa sinabi ko dahil sinuklian niya rin ng ngiti ang mga sinabi ko. Naghintay lang kami ng saglit ng may lumapit na saaming waiter para kuhain ang mga orders namin. Medyo hindi ko nga din alam kung ano ang kakainin sa menu, nakatikim naman na ako ng Japanese food.
Nissin cup ramen, tsaka tempura na nabibili minsan sa tapat ng University if ever may nagtitinda doon saglit. Since, mura lang naman iyon at mabubusog ka pa. Kaya naman, ng makita ko ang menu medyo ini-eye ko si Dallas upang tulungan niya ako. Nasense naman niya ang galaw ng mata ko kaya naman inexplain niya saakin ang ingredients ng bawat putahe na pagpipilian ko.
Nagdecide nalang ako sa gyudon pati narin sa gyoza na sinabi niyang masarap raw at mukhang magugustuhan ko rin naman.
Binigyan muna kami ng tsaa para hindi kami mainip maghintay. Muntikan pa nga akong mapahiya dahil agad akong humigop sa tsaa na hindi ko pala namalayang napakainit pala nito. Napaso pa ang dila ko kaya naman tinago ko nalang ang katangahan ko kay Dallas. Mamaya pagtawanan pa ako, pasensya na, ignorante lang.
BINABASA MO ANG
Warm Cups, Warm Hearts
RomantikMontreal Doctors Series #1 : Dallas Montreal Aiden, a part-time barista and a medical student, clearly has only one goal in life. Become a Pediatric Surgeon and enhance his skills in the States. But those plans took quite a turn when Dallas, a resi...