CHAPTER EIGHTEEN

128 13 5
                                    

AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

Ang pagsasabi pala talaga ng "kalmahan mo lang sarili mo" is easier said than done. Kagaya nga ng sabi ni Taylor Swift sa music video niya sa "ME" je suis calm, oo kalmado naman talaga ako. Kalmadong tipong gusto ko ng sumigaw at gusto narin sumabog ng dibdib ko sa kung ano anong emosyon ang bumabalot sakanya ngayon. Mapapaaga yata ang pagkamatay ko dahil sa sakit sa puso dahil sa nangyayari ngayon. Hindi talaga kape ang dahilan ng pagpapalpitate ko ngayon, isang Dallas Montreal lang talaga.

"I've known that Dallas liked me since college days namin and hanggang sa nag-medical school kami. I actually don't know kung during sa college days ba talaga namin siya nagstart or way earlier than that. I really thought noong una na it's just a joke and baka na-confuse lang siya with the relationship we have. And bigla nalang isang araw, he confronted me with those words. Actually, hindi ko din alam ang sasabihin ko kasi we treated each other like brothers since lumaki kaming magkasama. And nagkaroon din ako ng isang magandang opportunity abroad, and hindi ko matanggihan yun. Kaya hindi ako sumama kay Dallas na umuwi sa Pilipinas and I stayed." Hindi ko alam kung anong sasabihin after ko marinig ang mga sinabi ni Iliyan.

Para akong nabingi at napukpok ang ulo ng ilang beses na constant ringing lang na bumabalot sa tenga at utak ko ngayon. Mukhang kailangan ko na yatang magpa-check up at baka binebrain damage na ako ng mga oras na ito. Una puso na ang dinali sa akin, ngayon utak ko naman. Masyado na yata akong nasisira sa sitwasyon na ito eh, pwede ko na po bang i-cancel ang deal na ito? Hindi naman ako na-informed na long term damage pala ang kapalit dito. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Selos? Inggit? Lungkot? Katangahan? Kaartehan? Lahat?

Dallas liked this person. Well, hindi ko nga alam kung hindi na ba niya ito gusto at past tense ba at need lagyan ng "ed" sa dulo. Kaya let's rephrase that. So, Dallas likes this person. Initially, siya ang taong mahal niya at gusto niyang pakasalan. If Iliyan accepted his proposal, then siya dapat ang nasa pwesto ko ngayon at hindi ako. Pero dahil Iliyan didn't accept his proposal, parang nag-crash and burn na lahat pati ang friendship nila. Sobrang daming scenarios ang nabuo sa isipan ko ng mga oras na iyon at hindi ko alam kung anong emosyon nalang ang umiiral sa puso at utak ko.

I even imagined what if pumayag si Iliyan, then hindi ko makikilala si Dallas ngayon. I would not be in this position right now, where in fact masaya sana ako while thinking about it pero parang may kung anong tumarak sa puso ko at kumuha ng hininga ko. Babalik ako sa dating buhay ko, nag-aaral, nagttrabaho at sinisikap na marating ang pangarap ko, while Dallas, will be married to Him. And I'll never be in the picture.

"I'm really happy now for him, na nakahanap na siya ng taong mamahalin niya for his life. And I hope na he will take good care of you kagaya ng pag-aalaga niya rin sa akin noong bata pa kami. You know Dallas, when he loves someone he really cares for them a lot. And hinding-hindi ka niya bibitawan." Bumalik naman ako sa realidad ng muling magsalita si Iliyan. Binigyan uli ako ito ng ngiti at dinampot na ang bag niya na nakalatag sa lababo.

"I hope you also take good care of him especially kapag cloudy days niya. Mas masungit pa talaga minsan yan sa babae, pero nonetheless alam mo naman siguro ang tunay na ugali niya despite sa rumors na mga naririnig minsan ng mga taong malapit sainyo. I'll see you again sometime, Aiden." Ang huling saad nito at naglakad na paalis.

━━━━━━━━━━━━━━━━━

I was really not myself after kong lumabas sa CR after the talk with Iliyan. Parang paulit-ulit na nagpplay sa ulo ko na parang sirang plaka lahat ng mga sinabi nito kani-kanina lang at kung paano mamuo sa imahinasyon ko kung si Iliyan at Dallas ang nasa pwesto na ito ngayon at hindi ako.

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon