AIDEN LASTISMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━"Caramel Macchiato for James? again, Caramel Macchiato for James?" Agad ko naman nakita ang customer na si "James" na papalapit sa counter para sa kanyang order. Kinindatan pa nga ako nito habang kumukuha ng tissue sa dispenser malapit sa counter namin. Nginitian ko nalang siya para naman hindi ako maging bastos at inirapan nalang ito pagtalikod niya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita na siya na pala ang huling customer ko sa araw na ito, tapos na kasi ang shift ko today at 30 minutes nalang ay kailangan ko na kaagad dumeretso sa University.
Inayos ko muna ang mga cups pati narin ang mga lalagyan na ginamit ko kanina lang para gawin ang mga orders. 4 na taon narin pala akong nagttrabaho rito simula ng matanggap ako sa pinapasukan ko ngayong University sa tapat lang mismo nito. Since tapat nga lang to ng University, karamihan mga estudyante ang mga nagsisipuntahan dito at sobrang puno ng cafe lalo na tuwing hapon. Mostly hapon pa lagi ang shift ko kaya pagod talaga pag-uwi.
Pero buti na lang at hapon ang klase ko ngayon kaya umaga ang shift ko at hindi mabubugbog ang katawan ko para magpaikot-ikot sa hapon. Practical at Examination season nanaman kaya panigurado madami nanaman ang tatambay na estudyante sa cafe namin. Yung iba nag-aaral, yung iba naman jan nakikipag-usap lang sa "study buddy" kuno. Dumeretso na ako sa worker's lounge namin at nagtanggal na ng apron at para makapaghugas narin ako ng kamay.
"Aiden, dala ko na pala yung libro na hihiramin mo para sa Anatomy exam natin. Nandun siya sa bag ko sa may locker room, kunin mo nalang ha. Malinis mga pages nun, pwede ka nalang maghighlight doon para alam ko mga dapat aaralin kasi hindi ako nakinig," Nagulat naman ako ng makita ko si Quinn, kaibigan ko since elementary at hanggang ngayong University students na kami. Hindi na yata kami napaghiwalay niyan, halos lagi na kami magkasama na akala mo kambal.
"Salamat talaga Quinn, pasensya ka na at nanghiram nanaman ako sayo. Sadyang medyo mahal lang yung libro na kailangan aralin dun." Lumapit si Quinn sakin at inakbayan ako habang naghuhugas ako ng kamay. Eto nanaman siya sa kadramahan niya, dapat nag-artista nalang talaga to eh, bagay na bagay sa kanya.
"Alam mo Aiden, parang di ka na nasanay. Magkaibigan tayo, syempre sa hirap at sa ginhawa nandito lang ako palagi sa'yo. Ikamusta mo nga pala ako kay Inang ha." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Bibisitahin ko nga rin pala ang Lola ko ngayon sa hospital na halos konektado lang sa University na pinapasukan ko. Iisa lang kasi ang may-ari ng University pati narin ng Hospital na pinapasukan ko. May mga iba't-ibang branches din sila ng Hospital, hindi lang dito, kundi pati narin sa ibang bansa. Halos yung isang buong hektarya ng lupa jan sila din ang nagmamay-ari, kaya alam niyo na siguro kung gaano sila kayaman. Family of doctors kaya halos sila-sila rin ang nagpapatakbo niyan.
Naisipan ko rin dumaan ng prutas pati ng bulaklak para sa pagbisita ko sa Lola ko mamaya. Sa totoo lang, wala na kasi akong magulang. Namatay sila noong bata pa ako, kaya simula't-sapul ang Lola ko na talaga ang nag-alaga sakin hanggang sa paglaki. Pero nagkaroon naman ito ng matinding sakit kaya ngayon nasa hospital siya. Naging mahina na ang puso niya at naka-line up ngayon sa heart transplant surgery. Problema nga lang ay medyo may kamahalan ang surgery na iyon kaya nagpart-time talaga ako para lang kahit papaano may pambayad sa hospital bills ni Lola, pati narin sa surgery na kailangan gawin sakanya. Noong una ay hindi pumayag si Lola dahil nga nakita niya kung gaano kakomplikado ang surgery na gagawin sakanya, kaya hindi ko na hahayaan ngayon na maghintay pa kami sa wala kaya nagiipon talaga ako ng pera ngayon.
BINABASA MO ANG
Warm Cups, Warm Hearts
RomanceMontreal Doctors Series #1 : Dallas Montreal Aiden, a part-time barista and a medical student, clearly has only one goal in life. Become a Pediatric Surgeon and enhance his skills in the States. But those plans took quite a turn when Dallas, a resi...