CHAPTER SIXTEEN

108 16 7
                                        

— before this chapter starts, hoping all of you to take time and read my long ass author's note at the bottom of this chapter. enjoy. —

AIDEN LASTISMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

And finally, the most awaited day has arrived. Kasalukuyang nasa closet room kami ngayon dahil nireready na ako para sa susuutin ko at pati narin ang light touch of makeup ngayon na ginagawa saakin ng hinire na makeup artist ng mother ni Dallas. Simple lang ang ginawa nila kaya naman pinagbihis narin ako kaagad sa mamahaling suit na naka-ready ngayon malapit sa tabi ko. Sa totoo lang medyo kabado talaga ako ngayon, first time ko na ikakasal at isa pa, napakaraming tao na ang naghihintay sa labas. Ramdam ko na ang panlalamig at pamamawis ng aking kamay.

Paano kung mamental block ako sa wedding vows ko? Wala pamandin akong dala-dalang kodigo incase na malimutan ko. Hahanap na sana ako ng maliit na piraso ng papel pero naalala ko din na binigay naman pala namin sa officiant ng kasal ang vows namin. Kaya mas lalo akong napakamot ng ulo, bumalik ako sa wisyo ng marinig kong magsalita sa likod ko ang nanay ni Dallas.

"Aiden, anak. Are you okay na? The suit really fits you well, hindi naman ba masyado mabigat ang foundation na nilagay saiyo?" Napalingon ako sa nanay ni Dallas na kasa-kasama ko ngayon. Nakita ko rin naman sa gilid si Lola na nakangiti habang pinagmamasdan ako kaya naman hindi ko rin mapigilan ang galak na nararamdaman ko. Kahit papaano makita man lang niya na lumakad sa aisle ang kanyang Aiden.

Nawala na sa isipan ko ang kaba na nararamdaman ko at huminga nalang muna ng maluwag. Kaya mo to, Aiden. Sa ilang buwan naman na pagpapanggap mo dito ka pa kakabahan, hindi kita pinalaking ganyan.

"Yes po, fit na fit lang din po ang suit and hindi naman po ganoon ka-heavy ang foundation." Ngiti kong saad dito, naramdaman ko naman ang pagyakap ng nanay ni Dallas sa akin kaya naman wala din akong nagawa kundi ang yakapin ito pabalik. Amoy na amoy ang mamahalin na pabango nito na unti-unting bumabalot sa sistema ko.

"I'm so proud of you Aiden. I know na this is quite a big step sa life mo especially magkakaroon ka na ng asawa ngayon pero isa lang ang masasabi ko. Mahirap, pero sana kayanin niyong dalawa at maging masaya kayo as a family." Tinignan ako nito at saka hinaplos ng saglit ang aking mukha. Inayos nito ang suit na suot-suot ko at pinagpag ang ilang residue ng foundation na dumikit.

"Ingatan niyo ang isa't-isa apo. Maging maunawain sa isa't-isa, mahirap pero kakayanin. Huwag magpadalos-dalos sa magiging desisyon at sana wag mo ring kalimutan na maging masaya." Nilapitan din ako ni Lola at saka pinisil ang aking pisngi na ikina-ungot ko.

"Tara na't lumakad na sa altar."

━━━━━━━━━━━━━━━━━

Hindi pa ako nakakadalo sa mga kasalan o kaya naman sa ibang event na maraming tao. Sobrang tutok lang ako sa pag-aaral at nawalan na minsan ng oras sa mga ganyang okasyon dahil narin sa part-time jobs na pinagttrabahuan ko. Well, not a lot of people actually knew me kaya naman hindi din ako masyadong na-iinvite sa mga magagarbong events tulad nito. Kaya itong araw na ito, narealize ko kung gaano nga pala kadami ang dadalo lalo na kung ang mapapangasawa mo ay isa sa pinaka-influential na tao hindi lamang sa hospital, kundi pati narin ang pamilya nito sa iba't-ibang lugar sa mundo.

Pagbukas ng napakalaking pintuan nito, akala mo'y papasok ka sa isang kaharian at doon maghihintay ang prince charming mo sa dulo. Kung sa tingin mo ang mga fairy tales ay gawa-gawa lamang at hindi naman talaga nangyayari sa totoong buhay, pero bakit itong mga oras na ito ay parang yun ang nararamdaman ko?

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon