CHAPTER NINE

162 17 11
                                        

AIDEN LASTISMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

"Pakikwento na nga ang details kung ano yung nakita ko pati narin ang mga estudyante kanina lang sa hallway." Hindi pa kami nakakapasok ni Quinn sa cafe ay ito na kaagad ang ginigiit niya sakin. Pininandidilatan ko lang ito ng mata hoping na magets niya kung ano ang gusto kong iparating pero sadyang mahina lang talaga ang comprehension nito kaya hindi parin ito tumigil sa kakakulit saakin.

Nginitian ko nalang ang manager ng shop na pinagttrabauhan namin ng makita kami na pumasok ni Quinn. Hindi nga siya pinansin ni Quinn dahil sa napaka-focus niya saakin baka kasi anytime i-drop ko na ang bomba at masabugan siya sa mukha. Pumasok na kami sa staff lounge at nagsimula ng magpalit ng uniporme namin sa trabaho.

Buti nalang at medyo kaunti palang ang mga taong nandito kasi medyo maagang natapos ang klase namin ni Quinn kaya kinontact ko kaagad ang manager namin na papasok na kaming dalawa para maaga nalang din kami makakauwi. Exam season din naman kaya naiintindihan niya rin ang sitwasyon namin.

"Ano na ba Aiden, kanina pa ako nangungulit dito. Ikwento mo na, ay hindi. Unahin pala muna natin yung pag-alis mo ng apartment ng walang paalam." Ang lakas pa niyang pumamewang sa harapan ko ngayon kaya naman natawa ako habang nakataas parin ang kilay niya saakin.

"Fine, kaya lang naman ako umalis sa apartment because Dallas asked me to move in with him." Kung kanina lang ay nakataas ang kilay nito saakin ngayon naman nakanganga na itong nakaharap saakin. Kaya tumawa nalang ako at tumalikod sakanya para magpunas ng mga counters. Muling lumapit ito saakin para magtanong pa ng detalye.

"Ano? Aiden, ang bilis naman. Naging kayo na, tapos naglive-in kaagad kayo? Mamaya may mangyari kaagad niyan ha." Tinampal ko naman ito sa mukha dahil sa huling sinabi niya. Nagulat naman ito sa ginawa ko at akmang hinawakan ang mukha. Kahit kailan talaga wala ng matinong lumalabas sa bibig nito. Hindi ko talaga alam bakit kami naging close na dalawa. Sobrang magkaibang-magkaiba ang ugali namin.

"Sa totoo lang Quinn, medyo nahirapan din ako kung paano ko ba ito sasabihin sa'yo." Pinatong ko muna ang basahan sa counter na kanina lang ay pinupunasan ko. "Kung iniisip mo na nagkaroon kami ng ugnayan dati pa kaya kami ngayon nag-dedate ay mali ang akala mo. Magkaibigan tayo, kung nag-memeet na kami dati pa, syempre mahahalata o masasabi ko na sa'yo kaagad iyon. Pero ang problema kasi, sa totoo lang, hindi namin mahal ang isa't-isa. It's just an act."  Mas lalo naman lumaki ang pagkanganga niya kaya wala na akong nagawa kundi ituloy ang sinasabi ko.

"It's a contract dating and marriage. Magsasama kaming dalawa ng isa't kalahating taon, pumayag ako dahil sa operasyon ni Lola. At para rin sa posisyon niya na Chief of Resident. Kung titignan mo, maganda ang offer diba? Kahit hindi ganoon kadali, siguro kaya ko naman iyon tiisin ng isang taon lang. Quits lang kami, diba?"

Nakita ko naman ang pagkataka ni Quinn sa sinabi ko. Nag-itsurang nag-iisip ito kaya naman binigyan ko muna siya ng ilang minuto para maintindihan at maproseso lahat ng sinabi ko sakanya ngayon. Pero I doubt, mas mabilis pang maintindihan ni Quinn ang chika kesa sa mga kailangan tandaan na lessons namin.

"So, ganito. Dallas asked you, na magkaroon kayo ng contract dating and marriage and nagdecide kayo maglive together for the sake of the contract at mas lalo pang makita yung realness nito. Tama ba?" Tumango naman ako ng paulit-ulit sa sinabi niya. Tinignan ko ang itsura niyo at bakas sa mukha niya ang pag-iisip, ngayon ko lang ulit nakita ang itsurang ganito ni Quinn kasi ang pinakahuling nakita ko ito ay noong namimili siya ng kurso noong magcocollege na kami.

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon