Do make sure to read the Author's Note at the end of this chapter.
AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━Natapos narin ang dalawang araw ng exams namin, sa dalawang araw na yun iniwasan ko rin ng iniwasan si Dallas. Nagbigay ako ng kung ano-anong excuse para lang hindi siya makasama sa loob ng isang kwarto ng mahigit isang minuto. Minsan pa nga ay nagpapanggap ako na tulog lalo na kapag nandito sa penthouse at tuwing madaling araw ako nagrereview o kapag alam kong tulog na siya sa kwarto niya. Tuwing nakikita ko kasi siya hindi ko malimutan ang kahihiyan na ginagawa ko noong unang gabi na nag-aral ako sa sala at nakatulugan ang mga notes ko.
Dahil dun, medyo awkward parin ako sakanya, minsan nga ay inaagahan ko pa ang paggising para lang hindi ito makasalubong ng umaga at inaalala ko nalang na paghandaan nalang din siya ng pagkain para hindi naman ako magmukhang bastos, well actually, bastos na kasi parang wala akong respeto sakanya ngayong iniiwasan ko siya.
Pero, tanungin ko lang kayo. Masisisi niyo ba ako na ganito ang inaakto ko ngauon sakanya? Kasi, una naman sa lahat hindi ko naman sinasadyang makatulog habang nagrereview, ang sabi ko kasi power nap lang, alam niyo naman ang power nap diba? At ayun na nga, hindi ko naman din inexpect na bubuhatin niya pala ako para lang ilagay sa kama. Actually, ang kapal nga ng mukha ko para iwasan siya gayon na siya na nga ang tumulong saakin para makatulog ako ng maayos. Pero, ewan ko ba. Hindi ko alam, talaga.
Sobrang, nakakalito lang kung bakit niya kailangan gawin ang bagay na yun knowing na hindi naman namin kailangan umakto na "couple" dahil kami lang namang dalawa ang nasa penthouse na iyon. Pwede naman niya akong hayaan nalang doon, or kaya naman parang wala lang siyang nakita at umakyat nalang sa kwarto niya. Ok, you know what Aiden? You're just being dramatic. Ikaw na nga ang tinulungan, ikaw pa yung kuda ng kuda jan. Pero kahit na ganito ang iniisip ko ngayon, dapat ko parin siya na pasalamatan.
Kasi kung tutuusin, wala na kaming pakealam sa isa't-isa lalo na kapag kaming dalawa nalang since nagkukunwari lang kami. Ewan ko ba, parang ako yata kasi yung hindi ready sa mala scripted acts namin netong si Dallas. Parang siya, sobrang bihasang-bihasa na siyang gawin to o kaya naman nasa ugali niya lang talaga. Kasi kung oo? grabe yung confidence na nananalaytay sa dugo niya. Samantalang ako, ayan parang timang na nagiging tuod lalo na kapag may ginagawa siyang hindi ko inaasahan.
Hindi lang talaga siya sa salita straightforward, pati rin sa kung paano siya umakto sa kapwa niya.
Tinigil ko na lahat ng mga salitang bumabagabag saakin habang nakahiga ngayon sa kama at naisip na wala pala kaming pasok ng 2 araw matapos ang exam namin, habang parolyo-rolyo sa kama ko ay napag-isipan ko nalang din magbigay ng kahit token of appreciation. Sa lahat ng pagtulong niya saakin diba? Nalaman ko kasing may seminar ang mga surgeons sa Hospital sa araw na na walang pasok kami, kaya naman, alam kong malelate ito sa paguwi.
Hindi naman sa medyo bored, well actually, medyo bored din kasi ako dito sa penthouse although malaki ito at may different entertainment rooms, hindi kasi ako sanay na gamitin ang mga gamit na nandito. Medyo na-iignorante pa nga ako minsan lalo na sa mamahalin na gamit niya na nakabalandra lang kung saan-saan dito. Mamaya kasi may mabasag akong mamahaling pigurin na galing pa pala noong panahon ni Rizal, ay baka umahon siya sa hukay niya at pagalitan ako. Kaya naman, kapag nandito lang ako mag-isa sa penthouse, ay nakapirmi lang ako sa isang tabi o kaya naman I kept myself busy by reading some of his books.
Napagdesisyunan ko nalang na maagang gumising para ipagluto ito ng almusal, lunch, pati narin ang mga mini snacks nito para kainin sa seminar. Alam ko naman na ayaw niya ng cafeteria food, at baka hindi nanaman ito kumain. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ito napayat kahit hindi kumakain eh, malaki pa nga ang katawan nito. Sabagay, suki sa mini gym niya rito sa penthouse kapag wala siyang ginagawa.

BINABASA MO ANG
Warm Cups, Warm Hearts
RomanceMontreal Doctors Series #1 : Dallas Montreal Aiden, a part-time barista and a medical student, clearly has only one goal in life. Become a Pediatric Surgeon and enhance his skills in the States. But those plans took quite a turn when Dallas, a resi...