Chapter 4

98 4 0
                                    

Tae Joon's POV

Habang nakaupo kami sa damuhan ay nakatulog si Julia sa tabi ko sa may kanang balikat ko.

Anong oras na pero hindi pa siya nagigising.

Anong gagawin ko?....

Ayoko namang gisingin siya sa mahimbing niyang tulog...sabi ko at agad na ngumiti habang nakatingin sa kanya.

Hinawakan ko siya sa likod at sa paanan niya.

Binuhat ko siya at dahan-dahan kong nilagay ang ulo niya sa may chest ko at hinawakan ang kamay niya at inilagay ito sa may tiyan niya para maging komportable siya habang binubuhat ko.

Pinasok ko siya sa kotse ko sa may harapan.

Pumasok na rin ako at tiningnan siya.

Nakaharap ang ulo niya sa may bintana habang natutulog.

Nilagay ko ang seatbelt sa kanya para masligtas.

Nag-drive na ako para ihatid siya sa bahay nila.

Habang nagdra-drive ako ay bigla na lang may naramdaman akong sumandal sa balikat ko.

Pagtingin ko ay si Julia pala yun. Nakasandal ang ulo niya sa akin habang natutulog siya.

Kanina lang kasi nasa may bintana ang ulo niya pero hindi ko namalayang napunta ang ulo niya sa balikat ko.

Kaya ang ginawa ko ay inihinto ang kotse sa tabi at tinanggal ang seatbelt ko.

Hinawakan ko ang ulo niya at dahan-dahang inilagay sa may bintana.

Mukhang hindi siya komportable kaya nilagyan ko siya ng unan para makatulog siya ng maayos.

Paglagay ko ng unan sa ulo niya ay bigla na lang siya nagising.

Pagmulat ng mga mata niya ay sakto namang nakatitig ako sa mukha niya.(Eye to eye contact)

Nagulat ako kaya bigla kong tinanggal ang kamay ko na hawak-hawak ang unan sa ulo niya.

Ah!....pagkauntog na sabi niya sa may bintana ng kotse dahil binitawan ko agad yung hawak kong unan.

Ay sorry....sabi ko naman.

Ano bang ginagawa mo?...tanong ni julia.

Ilalagay ko sana yung unan sa ulo mo para makatulog ka ng mahimbing...paliwanag ko.

Eh bakit mo binitawan yung unan?, nauntog tuloy ako....pacute na sabi niya.

Baka kasi iba yung isipin mo...sabi ko.

Huh?...what do you mean?...tanong niya.

I mean, baka kasi isipin mong may ginagawa ako sayo?...paliwanag ko.

Bat ko naman iisipin yun noh?...sabi niya.

Ah...pasensiya na talaga, matulog ka na lang ulit....sabi ko at agad akong humarap sa may bintana.

Hay...gabi na pala....sabi niya.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako....sunod na sabi niya habang nakatingin sa kabilang bintana.

Ang bigat mo nga eh...sabi ko.

Ang bigat?...Ako?...tanong niya at tumingin sa akin ng may pagtataka.

Haha...oo ang bigat-bigat mo...sabi ko at tumingin din sa kanya.

Bakit naman ako mabigat?...tanong niya.

It's Just a Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon