Class Hour

103 5 0
                                    

Julia's POV

Okay class, meet your new classmate, Mr. Park please introduce your self.....sabi ng teacher namin habang nakaheads down ako.

Hi!...my name is Park Tae Joon, nice meeting you!....sabay bow ng ulo katulad ng karaniwang ginagawa ng mga korean kapag sila'y bumabati.

Iaangat ko na sana ang ulo ko ng biglang naghiyawan ang mga babae lalong lalo na ang bestfriend kong si Soo Yeon.

Inangat ko na ang ulo ko at nagtataka ako kung bakit sila naghihiyawan?...siguro guwapo yung lalaki, kaya naman sa sobrang guwapo nung lalaki ay halos lahat na ata ng classmate kong babae ay nasa harapan at mukhang iniinterview pa yung new student. Gaano ba siya kaguwapo?...tanong ko sa sarili ko, kaya naman tumayo na ako para makita siya at pagtayo ko ay hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil nakaharang silang lahat.

Ano to may artista lang?...

I'm excited na rin para makilala ang new student pero sa sobrang excited ko ay bigla na lang pumasok sa isip ko na baka si James Reid nga yung lalaking yun or kung hindi man, sana si Lee Min Ho na lang.

Buti na lang nagsalita na ang teacher namin na maupo na kaming lahat pero bago ako umupo ay nakita ko na rin ang mukha ng new student. Hindi ko inakalang ang new student na nasa harap ko ngayon na pareho kaming nakatayo ay yung bwiset at mayabang na lalaking nakita ko sa party ng tita ko nung isang araw.

Kaya naman habang nakatayo ako at nasa harapan ko mismo yung bwiset na lalaking ito ay hindi parin ako makapaniwala na muli kaming ulit nagkita.

It's Just a Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon