Tae Joon's POV
Pagkatapos ng party kagabi ay halata namang nag-enjoy ang lahat, lalong-lalo na ako.
Because Julia is there.
Hindi ko alam kung bakit at pano ko nagustuhan si Julia.
Basta ang alam ko lang iba siya sa mga babaeng nakilala ko.
Oo madaldal siya, pero atleast hindi siya malandi.
Kahit nanggaling siya sa mahirap na pamilya tiniis niya ang hirap na naranasan niya makasama lang ng masaya ang parents niya.
Pero kahit na wala na ang papa niya ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asang babalikan at kukunin siya ng mama niya.
Mayaman ang kumupkop sa kanya pero hindi siya katulad ng iba na nagpapakasarap lang sa buhay mayaman.
Siya nga lang ang babaeng sineryoso ko sa lahat ng naging ex ko.
Simpleng babae lang kasi si Julia kaya ko siya nagustuhan.
Ayoko kasi ng babaeng maganda pero pangit naman ang ugali at ayoko rin ng babae na kahit mayaman, malandi naman.
Isa pa, hindi lang daldalera si Julia.
Napakataray pa at napakasungit na babae.
Haha...
Pero sabi ko nga, kahit na mataray at masungit pa siya, hindi naman siya malanding babae.
Kapag kasama ko siya napapangiti niya ako at napakasaya ko kapag kasama ko siya.
For me, she's the only one Ms. Sungit in my life and I will be her Mr. Yabangman, or maybe Superman in her life.
~7:30 AM~
Umagang-umaga pa lang iniisip ko na siya.
Pano ba naman kasi, sa mga oras na di ko siya kasama namimiss ko siya.
Ganito talaga ang in loved.
Sabi nila walang masama kung crush mo ang isang kaibigan mo kasi "paghanga" lang naman to.
Pero nakakainis din kasi kahit katabi mo na yung babaeng crush mo, hindi niya magawang tumingin sayo ng diretso.
Ewan ko ba kung bakit pero parang nahihiya lang siya or hindi niya talaga ako gusto.
Minsan kapag may kinakausap siyang ibang lalaki nagseselos ka na wala namang dahilan.
Ang alam ko ang lahat ng to ay selos lang.
Dito nagsisimula ang crush.
Una sa asaran lang...
Tapos unti-unti ka nang magseselos at mabilis ang tibok ng puso mo pagmalapit siya sayo.
Maya-maya may iba ka ng nararamdaman sa kanya.
Parang "More than Friends"....
Pero alam naman natin na kapag nagkagusto ka sa kaibigan mo hindi ka na niya papansinin.
Bakit kaya ganun?....
Lahat ng taong nagkakagusto sa kaibigan nila pag nalaman nila na yung kaibigan pala nila ay may gusto sayo then di ka na papansinin.
Yun naman ang masaklap...
Pero buti na lang si Julia hindi ganun.
Kasi kahit namang alam niya na gusto ko siya pinapansin niya pa rin ako.
Ibang-iba talaga siya.
Pero alam ko namang wala pa sa isip niya ang magkaboyfriend...
Pero paano kung dumating yung oras na magkagusto kami sa isat isa?...
BINABASA MO ANG
It's Just a Simple Smile
Novela JuvenilHello everyone!, Some of this chapter is very related to my life but not at all. Just read It's Just a Simple Smile until the end of it and don't forget to vote every chapter you will read ツ. Thank You!