Pag-uwi ko sa bahay ay inilagay ko agad ang mga pinamili ko sa kusina.
Sakto namang dumating si tita at tinawag ako.
Julia!...bakit ngayon ka lang?...
Ah, eh, masyado po kasing marami yung pinabili niyo sa akin kaya natagalan po ako.
So, nagrereklamo ka?...
Hindi naman po tita.
Oh! Sige na, tulungan mo na ako dito sa kusina.
Agad akong nagmadali at tumulong sa kusina kasi malapit ng dumating ang mga bisita.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin kaming magluto.
Pagkatapos naming magluto ay tinawag niya ulit ako at kinausap.
Julia...magbihis ka na.
Magbihis?...bakit po?
Hindi ba anniversary namin ngayon?...kaya magbihis kana kasi nakakahiya naman sa mga bisita ko kung nakaganyan ka lang, naintindihan mo?
Ah...opo tita.
Umakyat na ako sa kuwarto para magbihis.
Hmm....ano kayang susuotin ko?
Should I wear gown?
Hehe...para namang ako yung may anniversary.
Ah! Mas okay siguro kung magsusuot ako ng simpleng damit.
Pagkabihis ko ay bumaba ako para pumunta sa labas ng bahay.
Wah.....ang daming tao at hindi ko ito inasahan.
Pumunta ako sa garden para magpahangin ng konti. Buti na lang walang tao rito.
Humiga ako sa malambot na damuhan tulad ng ginagawa nila sa pelikula.
Wow....ang ganda naman dito.
Mag-isa lang ako at walang makapag-iistorbo sa akin.
Sabi nila kapag gabi ay tumingin ka lang sa kalangitan at tingnan ang mga bituwing nagkikislapan.
At kapag may nakita kang shooting star ay humiling ka lang at matutupad ito.
Hmm...wala namang masama kung susubukan ko.
Sakto namang nakakita ako ng shooting star at dali-dali kong ipinikit ang mga mata ko.
Sana...mahanap ko na yung taong makapagpapasaya sa akin at hindi ako iiwan kahit kailan.
Pagdilat ng mga mata ko ay may isang lalaking nakatayo malapit sa uluhan ko at tila tinitingnan ako.
Ikaw na ba ang pinadala sa akin ni Lord?....
What?!...-sabi nung lalaki.
Agad akong tumayo at pagtayo ko ay nagbanggaan ang noo namin.
Aray!...-sabi namin at pareho kaming natumba.
Sino ka ba?...tanong ko sa kanya habang nakaupo sa may damuhan.
Agad akong tumayo at tinanong siya ulit.
Hoy! Anong ginagawa mo dito sa garden ng tita ko?...
Eh ano naman ngayon kung nandito ako ha!....sabi niya habang nakaupo.
Wala akong maisagot sa kanya kaya humakbang ako paatras at sabay takbo.
Hoy! Miss!...
Bigla siyang tumakbo para habulin ako at kahit mabilis na ang takbo ko ay naabutan niya pa rin ako.
Tumakbo siya papunta sa harapan ko at hinarangan ako gamit ang dalawang kamay niya.
Ano bang ginagawa mo?....sabi ko.
Sabihin mo nga sa akin...anong ginagawa mo rito at sino ka ba?
Ano namang pakialam mo Mr.?....
Malay ko ba kung may binabalak kang masama-sabi niya na may halong pagtataka.
Ah...talaga?...para sabihin ko sayo, wala akong ginagawang masama at nandito ako kasi dito ako nakatira!.
At baka naman ikaw ang may binabalak na masama sa akin habang nakahiga ako sa damuhan?....sunod na sabi ko sa kanya.
What?...why would I do that?...bakit mukha ba akong manyak?
Hindi nga eh....ang gwapo gwapo mo nga, kaso nga lang ubod ka naman ng yabang!.-sigaw ko sa kanya.
Ah...ganun?...alam mo miss maganda ka nga, pero napakasungit at napakataray mo naman.
Sabay lapit niya sa mukha ko at paglapit niya sa mukha ko ay tinapakan ko agad ang kanang paa niya.
Ah!....Hoy Miss!...bumalik ka rito!...
Buti nga sa'yo!...
Hoy miss! Hindi pa tayo tapos!...
Bahala ka sa buhay mo! Mr. Yabang!...
Humanda ka pagnagkita tayo ulit!...
Hinding hindi na tayo magkikita at huwag na huwag mong iisipin na magkikita pa uli tayo! at isa pa hindi na yun mangyayari!....-sigaw ko sa kanya at umalis na ako kaagad.
Ah talaga?...sisiguraduhin kong magkikita pa tayo, Ms. Sungit!...-bulong niya sa sarili niya pagkatapos kong umalis.
BINABASA MO ANG
It's Just a Simple Smile
Dla nastolatkówHello everyone!, Some of this chapter is very related to my life but not at all. Just read It's Just a Simple Smile until the end of it and don't forget to vote every chapter you will read ツ. Thank You!