Julia's POV
Pagkatapos nun ay pareho kaming umupo ng magkalayo sa damuhan.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
Wala akong ginawa kundi titigan lang siya habang nakatingin siya sa ulap.
Palubog na ang araw at tamang-tama dahil para kaming nasa pelikula na naka-upo lang sa damuhan at tahimik na magkasama.
Tumingin ako sa ulap at sinabing:
Thank you ha,Tae Joon...
Sabay ngiti sa sarili ko habang nakatingin sa ulap.
Thank you?, para san naman?...tanong niya.
Tumingin uli ako sa kanya at tinitigan siya ng nakangiti.
Thank you kasi nandito ka. Alam mo kung wala ka, kanina pa ako nagmumukmok sa kakaiyak dito...sabi ko sa kanya ng nakangiti.
Bakit nga ba?...tanong niya at tumingin din siya sa akin ng nakangiti.
A-a-a..anong ibig mong sabihin?...pagtataka ko.
Hay...alam mo Julia, hindi ka dapat umiiyak na lang sa mga bagay na nakikita at nananakit sa'yo. Tulad ngayon, nakita mo ang nanay mo tapos nagpa-apekto ka na agad. Dapat marunong kang lumaban sa nararamdaman mo at para sa susunod hindi ka na umiyak ng ganyan...sabi niya.
Bakit nga ba Tae Joon?...nakangiting tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Yang mga ngiting nakikita ko sa mukha mo, alam kong hindi totoo yan Julia. Bakit ka ba ganyan?...lahat ng bagay dinadaan mo lang sa limot at ngiti. Hindi ka ba nasasaktan sa mga ginagawa mo?...tanong ni Tae Joon habang nakatingin sa akin.
Sa sinabi niyang yun ay tumingin ako sa harapan ko at sinabing:
Tama ka Tae Joon,...dahil ang mga ngiting to ay peke lang. Hindi naman talaga totoong masaya ako eh. Nagagawa ko lang ngumiti kahit na may pinagdadaanan ako kasi hindi ko kayang maging malungkot habang buhay. Oo nasasaktan din ako kasi tao din naman ako eh.
Pero simula ng mamatay si papa dahil sa car accident at iniwan ako ni mama at sumama sa ibang lalaki ay pakiramdam ko nag-iisa ako sa mundong to. Hindi ko rin naman gustong umiyak na lang lagi at magmukmok na lang, dahil mahirap ata yun....kuwento ko sa kanya.
Nagsimula ng lumuha ang mata ko at tuloy pa rin ang pagkuwento ko sa kanya.
Tumayo siya at lumapit sa akin.
Habang nakaupo ako sa damuhan ay nakatayo naman siya sa harapan ko at iniabot ang panyo na hawak niya.
Tumingin ako sa kanya pero wala akong balak hawakan at kunin ang panyo niya.
Umupo siya sa harapan ko at pinunasan ang luha ko ng dahan-dahan.
Hinawakan ko siya sa kamay at sinabing:
Ano bang ginagawa mo?...
Simula ngayon Julia hindi ka na iiyak. Hinding-hindi ka na papaiyakin nino-man....sabi niya ng nakatingin sa akin.
Bakit mo sinasabi ang mga bagay na to sa akin Tae Joon?....tanong ko naman.
Hindi ko rin alam Julia, basta hayaan mo na lang akong magpangiti sa'yo ng totoo....nakangiting sabi niya.
Eh pano ang paghihiganti mo sa akin?...diba pinahiya kita sa party noon?...tanong ko naman.
Haha...wala na yun, wala na sa isip kong gantihan ka. Basta ang gusto ko lang ay laging nasa tabi mo para hindi ka na umiyak diyan.....sabi niya at tumawa ulit.
Kaya ko namang hindi umiyak ng wala ka ah...sabi ko sabay pa-cute ng mukha.
Ah talaga?...nakangiting tanong niya.
Oo nga!...sabi ko.
Pero mas sisiguraduhin kong hindi ka na iiyak dahil nandito na si Superman mo....sabi niya.
Superman ka diyan?...baka Yabangman?...haha...biro lang...biro ko sa kanya.
Ah basta simula ngayon, ako na si Superman mo na susulpot bigla sa tabi mo at sisiguruhin kong lagi ka ng nakangiti....sabi niya.
Tumabi siya sa akin at inilagay niya ang ulo ko sa kanang balikat niya habang pareho kaming nakatingin sa ulap.
Nang mga sandaling iyon ay tahimik lang naming pinagmamasdan ang ulap at sa hindi inaasahang mangyari ay nakatulog pala ako sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
It's Just a Simple Smile
Teen FictionHello everyone!, Some of this chapter is very related to my life but not at all. Just read It's Just a Simple Smile until the end of it and don't forget to vote every chapter you will read ツ. Thank You!