Chapter 8

70 5 0
                                    

Soo Yeon's POV

Ayiiieee....may boyfriend na si besty!...

Hay nako tumigil ka nga diyan Soo Yeon...sabi ni Julia.

Eh anong balak niyo?...sasabihin niyo na ba sa iba na kayo na ni Mr. Superman?...

Ah...wala pa sa isip namin yan pero kahit dalawa na kami magfofocus muna kami sa studies namin...sagot naman niya.

Wow! Naman...yan ang besty ko, masipag mag-aral...

Pero alam mo Soo Yeon ,ang sarap pala sa feeling na may nagtapat sayo na mahal ka niya then yung feeling na masabihan ka ng matatamis na salita from him....nakangiting sabi ni Julia.

Aba siyempre noh...kaya nga pasalamat ka kasi si Tae Joon ang kauna-unahang boyfriend mo kaysa naman sa iba diyan noh...And besides, tama rin yung ginawa niyo na pinatagal ang pagiging magkaibigan bago sagutin ang isat isa, kasi kung hindi baka alam mo ng niloloko ka lang ni Tae Joon...sabi ko sa kanya.

Oo nga and hindi ko akalaing yung time na yun magtatapat na pala siya sa akin. Grabe talaga siya Soo Yeon, kung alam mo lang kung ano yung pinagsasabi niya sa akin kahapon...kilig na kuwento niya.

Hay...oo na besty!, huwag ka ng magpainggit puwede?...nagtatampong sabi ko.

Haha...ikaw naman besty di ka mabiro...pero totoo nga ang sweet niya talaga kahapon...sabi niya.

Hay...tama na nga itong kilig moment niyo ni Tae Joon, baka mamaya makawiwi ka diyan sa kilig mo...

Hoy besty, kahit ganito ako, never pa akong nakawiwi sa salawal ko noh...natatawang sabi ni Julia.

Julia's POV

Oh tara na besty, baka malate pa tayo sa school.

Sabay kaming pumasok ni Soo Yeon sa school at sakto namang nakita namin si Sora.

Napahinto kami sa paglalakad at napatingin kay Sora.

So, hindi mo naman sinunod yung mga sinabi ko sayo st*pid girl....sabi ni Sora.

Hoy babae!, friend ka lang ni Tae Joon pero kung maka-asta ka parang ikaw ang girlfriend ni Tae Joon ah...sabi naman ni Soo Yeon.

Soo Yeon!,...mahinang sabi ko kay Soo Yeon at tinakpan yung bibig niya.

Don't worry Julia, hindi naman kita sisiraan eh. I just want you to know na ngayong girlfriend ka na ni Tae Joon puwede na tayong maging friends...sabi ni Sora.

Jeongmallo?! (Really?!)....nakangiting sabi ko.

Yup, so hindi na natin kailangang mag-away Julia...nakangiting sabi ni Sora.

Mag-away?...eh ikaw lang naman ang nakikipag-away kay Julia ah...sabi naman ni Soo Yeon.

Ah...hehe...pagpasensyahan mo na tong madaldal na kaibigan ko....nakangiting sabi ko habang nakahawak sa braso ni Soo Yeon.

I don't care, alam ko namang ganyan talaga ang friend mo...natatawang sabi ni Sora.

Umalis na siya at naglakad na rin kami papunta sa classroom.

Ikaw talaga Soo Yeon kung ano-anong pinagsasabi mo kay Sora...sabi ko sa kanya.

Eh bakit?...malay mo plastic yung babaeng yun...sagot naman niya.

Hay...malay natin gusto niya talagang makipagkaibigan sa akin noh...sabi ko naman.

Nag-ring na yung bell at nagsimula na ang klase namin.

It's Just a Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon