Epilogue

47 4 0
                                    

May ilan na nagsasabing bakit ba puro na lang happy ang ending ng mga love story na sinusulat o ginagawa ng mga author?

Ang sagot ko naman ay dahil kapag hindi happy ang ending, hindi tayo magiging masaya.

Kaya nga happy ending kasi alam nating magiging happy tayo sa huli sa binasa nating story kasi naging happy ang love story ng mga characters sa ginawang story ng author.

Katulad ko, hindi sana happy ending ang gagawin ko pero naisip ko na kung sa kaling sa buhay ko mangyari ito, gusto kong maging happy ang ending nito katulad na lang sa pagsulat ko ng ending ng It's Just a Simple Smile ngayon.

Wala namang masama kung gawin nating happy or sad ang ending ng story na ginawa natin eh, basta ang mahalaga ay na intindihan at na-appreciate ng iba yung ginawa nating story para sa kanila.

Kaya nga tayo nagsusulat o gumagawa ng isang story kasi gusto nating ishare sa iba yung kung gaano ba talaga tayo kahusay sa paggawa ng mga stories.

Sana po ay may natutunan kayo sa ginawa kong story lalo na sa mga oras na nawalan ng pag-asa si Ms. Julia Seo na ngayon ay naging matatag dahil sa mga taong nasa tabi niya at nagmamahal para sa kanya.

Lagi po nating tandaan na sa lahat ng bagay ay walang imposible.

Huwag po tayong sumuko dahil sa mga akalang iniisip natin.

Kung kay Ms. Julia Seo na noon ay lagi siyang malungkot dahil sa mga problemang sunod-sunod na dumating sa buhay niya ay nagawa niya pa ring ngumiti para sa atin at para sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Naging inspirasyon niya rin si Mr. Park Tae Joon, ang lalaking nagpatibok ng puso niya at ang lalaking nagbigay ng pag-asa sa kanya.

Tandaan lang po natin na ang buhay ay sadyang mahirap.

Pero kahit na mahirap ang buhay ay huwag po nating kakalimutang ngumiti para sa iba.

Dahil ang ngiting iyon ang magbibigay ng lakas ng loob sa atin na bumangon sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa ating buhay.

Plastic man ang ngiting iyon, at least naipakita mo sa iba na kaya mong ngumiti kahit na alam nilang may pinagdadaanan ka sa buhay.

Sana po ay maging katulad kayo ni Julia Seo na naging matatag at ngayon ay kaya ng ngumiti ng totoo para sa iba.

At sa mga hindi naging happy ang ending, Go lang ng Go!...huwag po tayong susuko.

Sa mga nakabasa at nakatapos na ng story kong ito ay maraming-maraming salamat po.

Maraming salamat kasi hindi kayo nagsawang basahin ito hanggang wakas at maraming salamat po sa mga nagbabasa na patuloy sa pagvovote nito.

And for those who are not yet finish this story, please don't forget to vote and you can also leave a comment if you want to ask me something or if you want to say something about the story.

#IT'SJUSTASIMPLESMILE(IJASS)
#THANKUFORREADING!
#THANKUFORVOTING!
#HOPEULIKEITEVERYONE!

✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌

You can also read and vote my other stories. Hope you all guyz like it...gomawo!!!

It's Just a Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon