YABANGman

103 4 0
                                    

Julia's POV

Pareho kaming na gulat sa isat isa, dahil muli kaming nagkita.

Or maybe ako lang ang nagulat dahil alam ko namang gusto niya talaga akong makita tulad ng sinabi niya.

Hmm.... ano bang binabalak niyang gawin sa akin?...maghihiganti ba siya dahil lang tinapakan ko ang paa niya nung party? Or baka naman hanggang ngayon ay sinusundan niya pa rin ako?...

Sino siya? Stalker ko?....

Aigoo, inakala ko pa namang si James Reid or Lee Min Ho yung makikita ko ngayon yun pala isang mokung na ubod ng yabang.

Patay ako rito, kala ko pa naman maganda na ang day ko, kaso bigla namang sumulpot itong lalaking ito.

Tama nga si Soo Yeon na pasulpot sulpot lang itong lalaking ito at akala mo kung si Superman dahil sa sobrang kapogian, pero  mas bagay naman siyang tawaging YABANGman kahit na guwapo siya, kasi ubod naman talaga siya ng yabang at bigla na lang susulpot kung saan-saan, Una sa party ng tita ko, ngayon naman dito sa school.

Ano nang gagawin ko?...hindi naman ata tamang tumakbo ako ulit katulad ng ginawa ko sa kanya nung party.....bulong ko sa sarili ko habang pareho kaming nakatayo.

Excuse me miss Seo and Mr. Park?...kanina pa nakaupo ang mga classmate niyo kaya naman maupo na rin kayo at magsisimula na ang klase natin ngayon...sabi ng teacher.

Ah...sorry po ma'am,....sagot ko naman.

Mr. Park maupo ka na lang sa tabi ni Julia Seo....sunod na sabi ng teacher namin.

Siyempre nagulat ako dun kaya nagreklamo ako agad.

Pero kahit na anong reklamo ko sa teacher namin ay wala na akong magagawa dahil yung upuan sa tabi ko ay para naman talaga sa new student.

Hmm....masuwerte  ka Yabangman kasi ako ang nakatabi mo, huh!,tingnan na lang natin kung makaconsentrate ka pa.

After few hours...

Park Tae Joon's POV

Pagkatapos ng klase ay tumayo ako at pumunta sa harapan ni Ms. Seo...

So, ikaw pala si Julia Seo tama ba?...pangiting tanong ko sa kanya habang nagliligpit siya ng gamit.

Oo bakit?...mataray na sagot niya.

Well, if you remember the time that you met me on your aunt's party....do you still remember what I told you that time?...

Of course Mr. YABANGman ay este Mr. Tae Joon!...hinding hindi ko yun makakalimutan, at ngayong nagkita na ulit tayo, anong gusto mong mangyari ha?..Gaganti ka ba sa akin dahil inapakan ko yang paa mo nung time na nagkita tayo or talgang hanggang dito ay sinusundan mo pa rin ako?....sabi ni Julia na may halong pagkataray.

Alam mo Julia, hindi ka lang pala matalino noh...madaldal ka rin pala hindi tulad ng inaasahan ko at buti naman alam mo na gusto kitang gantihan dahil sa ginawa mo sa akin noon.

Ow! really?...I didn't expect that...Kasi ang alam ko ang mga lalaking pumapatol sa babae ay tinatawag na bakla!...sabi niya.

Alam mo miss, hindi ko talaga alam kung bakit ang init init ng ulo mo sa akin. First nung nagkita tayo sa party, then ngayon naman dito sa school?...pagtatakang tanong ko sa kanya.

Gusto mong malaman kung bakit ako naiinis sayo?...kasi nga Mr. Tae Joon,  nung sumulpot ka sa party ng tita ko ay parang sinira mo na rin yung araw ko, kasi nga yung time na yun ay yung time na hihiling ako sa shooting star, pero bigla kang dumating at sinira ang wish ko.....paliwanag ni Julia.

Bakit?...ano bang hiniling mo sa shooting star at sinasabi mong sinira ko yung wish mong yun?...

Na sana mahanap mo na yung taong magpapasaya sayo ganun ba?...well, baka ako na yun? Kasi malay mo yung time na humiling ka ay yung time rin na dumating ako sa buhay mo?

Huh!...excuse me!...kung matutupad man ang wish ko ay sana hindi ikaw yun!...dahil hindi ko tipo ang mga taong katulad mo na ubod ng yabang!...pasigaw na sabi niya.

Pagkatapos ng sinabi niyang yun ay umalis na siya at lumabas sa classroom, habang ako naman ay pinag-iisipan kung anong igaganti ko sa kanya.

It's Just a Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon