"Being your Superman"

46 5 2
                                    

Julia's POV

~7:30 AM~

Pagpasok ko sa school, dumiretso muna ako sa library para kumuha ng librong mababasa ko.

Wala kasi yung first subject teacher namin ngayon kaya magbabasa na lang muna ako.

Naghanap na ako ng librong mababasa ko.

Kinuha ko yung librong chemistry at naghanap ng mauupuan ko.

Habang nagbabasa ako, napalingon ako sa kanan ko.

Nakita kong nagbabasa din si Tae Joon sa may pinakadulong upuan.

Napangiti ako habang tinitingnan siya.

Hmm....nagbabasa din pala si Mr. Yabangman.

Haha...ngayon ko lang nalaman na mahilig din siyang magbasa.

Hmm....baka naman ngayon lang, hihi.

Habang tinitingnan siya, bigla na lang siyang napalingon at agad kong binalik yung tingin ko sa pagbabasa.

Hooo!...nakita niya ba akong nakatingin sa kanya?...

Hala!, baka kung ano-ano na naman ang isipin niya.

Hay, ano bang ginagawa ko't pinagmamasdan siyang magbasa?...

Maya-maya lumapit siya sa akin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko, habang hawak ang librong binabasa niya.

Omo!, katabi ko siya ngayon at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Anong gagawin ko ngayon?...

Kinakabahan na naman ako eh...

Hhoooo....kaya ko to!.

Tumingin na ako sa kanya at sinubukan kong magsalita.

Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong inunahang magsalita.

Alam kong masyado na akong guwapo....sabi niya habang nakatingin sa librong binabasa niya.

Ano?...pataas na sabi ko.

Ngumiti siya at tumingin sa akin.

Alam mo Julia, matutunaw ako kapag tinititigan mo ako ng matagal. Isa pa, ganun na ba ako ka-attractive para titigan mo?....sabi niya sabay kindat.

Huh!, ang yabang talaga ng mokung na to.

Hoy! Mr. Yabangman, hindi ako nakatitig sayo noh...palusot na sabi ko.

Talaga?...eh halos tumulo ang laway mo sa kakatitig sa akin eh..sabi naman niya.

Tumigil ka nga!...sabi ko sabay batok sa ulo niya.

Nagbasa na lang ako at hindi na siya pinansin.

Hoo...ang bilis ng tibok ng puso ko.

Huh!, hindi ko kasi mapigilang mapatingin sa kanya.

Pano ba naman kasi, masyado siyang attractive.

Hindi siya katulad ng ibang lalaki na mayabang na, tapos wala pang puso.

Pero kahit na mayabang si Tae Joon mabait naman siya.

Pagkatapos kong magbasa, dumiretso muna ako sa CR para maghugas ng kamay.

Napatingin ako sa malaking salamin namin sa CR at pagtingin ko sa salamin ay nakakita ako ng isang mala-prinsesang babae na nakatayo at tinitingnan ang sarili niya.

Hehe...ako lang naman yun eh.

But don't worry, hindi naman ako ambisyosa noh.

Diyosa lang....haha.

It's Just a Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon