Chapter 14

23 3 0
                                    

Julia's POV

Makalipas ang isang linggo ay tuluyan ng dumilim yung paningin ko.

Sabi ng doctor ko ay epekto daw ito ng sakit ko kasama na ang madalas na pagsakit ng ulo ko.

Dahil sa sakit ko ay pati na ang paningin ko ay naapektuhan na.

Pero maari pa daw akong makakita ulit kung mao-operahan na nila ako ngayon.

Stage 4 na ang sakit ko at sabi ng doctor ay posibleng hindi ko na daw kayanin ang operasyon na isasagawa nila sa akin.

Pero sabi ko sa kanila ay titiisin ko ang lahat ng sakit na mararamdaman ko at kakayanin ko ang lahat nang ito.

Hindi ko alam kung bakit pero ang bilis lumala ng sakit ko.

Nung una nalaman kong stage 3 na yung sakit kong ito, tapos ngayon ay umabot na sa stage 4.

Hindi ako natatakot sa operasyon na gagawin nila sa akin.

Natatakot ako na baka hindi na ako magising.

Na baka hindi ko na makita si Tae Joon at baka hindi ko na masabi yung pangalan niya.

Ipapasok na sana nila ako sa operation room ng biglang dumating si Tae Joon.

Kahit hindi na ako nakakakita ay nakakarinig naman ako.

Narinig ko kasi yung boses ni Tae Joon na sinisigaw yung pangalan ko.

Pagkalapit niya sa akin ay agad niyang hinawakan yung kamay ko.

Tae Joon anong ginagawa mo dito?-naiiyak na sabi ko.

Julia alam ko na ang lahat. Sinabi sa akin ng tita mo yung kondisyon mo ngayon. Julia lumaban ka. Please Julia lumaban ka para sa akin. Alam kong nakipagbreak ka sa akin dahil iniisip mong ayaw mo akong masaktan. At iniisip mong mawawala ka na sa piling ko kaya nakipagbreak ka diba?...Julia mali lahat ng iniisip mo. Okay lang na masaktan ako basta makita lang kita na nakangiti at okay lang na masaktan ako basta mabubuhay ka. At hindi ka mawawala sa piling ko dahil alam kong gagaling ka. Tatagan mo lang ang loob mo Julia-sabi ni Tae Joon at naramdaman ko yung luha niya na tumulo sa kamay ko.

Bago pa ako ipasok sa operation room ay hinawakan ko muna ang mukha ni Tae Joon.

Tae Joon, pagkatapos ng operasyon gusto kong nakangiti ka pa rin para sa akin. Ayokong maging malungkot ka. Huwag mong isipin na kapag hindi na ako nagising ay tuluyan na akong mawawala sa'yo. Kung mawawala man ako sa'yo, yung pagmamahal ko naman sa'yo ay hinding-hindi mawawala. Lagi ka lang nan dito sa puso ko-sabi ko at inilagay ko yung kamay niya sa puso ko.

Tae Joon, nararamdaman mo ba yung tibok ng puso ko?...lagi yang tumitibok dahil sa'yo. Kasi mahal na mahal kita. Thank you for loving me. Thank you for being my superman. And thank you for everything. Thank you for making me smile everyday-sabi ko at may inilagay sa kamay ko si Tae Joon.

Hawakan mo yan habang inooperahan ka. Bigay yan sa akin nung daddy ko nung namatay siya dahil sa sakit. Diyan siya kumuha ng lakas para maging matatag. Kaya dapat maging matatag ka okay?...Habang hawak mo yang rosary na yan ay yan ang magsisilbing gabay mo Julia. Always remember that I love you so much. Lumaban ka okay? Para sa akin Julia. At para sa mga taong nagmamahal sa'yo-sabi ni Tae Joon at hinalikan niya ako sa noo ko.

Pagkatapos ay nabitawan ko na yung kamay ni Tae Joon at ipinasok na nila ako sa operation room.

Narinig ko yung pagsara ng pinto at narinig ko rin yung iyakan nila Tita at Soo Yeon sa labas.

Hinawakan ko nang mahigpit yung binigay na rosary sa akin ni Tae Joon.

At pagkatapos ay tinurukan na nila ako ng pangpatulog.

PARK TAE JOON-ang pangalang sinabi ko bago ako mawalan ng malay.

Ipinangako ko sa sarili ko na kahit na ano pang mangyari ay ang pangalan ni Tae Joon ang una at huli kong babanggitin.

Kaya naman....

Isang masayang ngiti na lang ang maibibigay ko sa kanila.

Ang ngiting itinuro sa akin nang taong minahal ako at pinasaya ako.

Dapat daw kasi ay matuto akong ngumiti kahit na simple lang.

Kasi sa daming problemang nangyari sa buhay ko ay mas maganda kung idaan ko na lang daw ang lahat ng yun sa isang ngiti.

Kasi kahit na ganun ay natuto pa rin akong ngumiti para sa kanila.

At ang ngiting ito ay ang nagsisilbing pagmamahal na naramdaman ko sa mga taong nagmahal din sa akin.

Ngayon, masasabi ko na na totoo at hindi kaplastikan ang ngiting ginagawa ko ngayon.

Kasi dati ngumingiti lang ako para ipakita sa iba na masaya ako kahit na alam ko naman sa sarili ko na may pinagdadaanan ako.

Pero ngayon, ngayon ko lang naramdaman na ang ngiting ito ay totoo na pala.

I just realize that I learned to smile in front of many people because of him.

PARK TAE JOON teach me how to become strong.

He teach me how to realize the simple things in my life.

So I will smile for him until the end of my life.

Iisipin ko na lang na hindi ako nahihirapan.

Dahil ang ngiting ito ay para sa kanya na nagturo sa akin kung paano ngumiti sa mga taong nagmamahal sa akin ng totoo.

Kaya naman...mag-ismile ako hanggang sa huling hininga ko.

Lalaban ako para sa kanya at para sa mga taong nasa tabi ko at nagmamahal sa akin.

Gaya nga nang sinabi ko, hindi ako natatakot sa operasyon na gagawin nila sa akin ngayon.

Natatakot ako na baka mawala sa akin si Tae Joon.

Na baka hindi ko na siya makita pa at baka hindi ko na siya mahawakan pa.

Yun ang kinatatakutan ko na ayaw kong mangyari ngayon.

Oo hindi ako natatakot mamatay dahil tanggap ko kung ito ba talaga ang plano ni Lord para sa akin.

Ang isa pang bagay na ayaw kong mangyari at kinatatakutan ko ay baka pagkatapos ng operasyon na ito ay baka tuluyan ko na silang iwan.

It's Just a Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon