Chapter 12

24 2 0
                                    

Julia's POV

Nang nakalabas na ako sa hospital ay hinatid ako ni Tae Joon sa bahay namin.

Tae Joon thank you talaga ha-nakangiting sabi ko habang nakatayo kami malapit sa pintuan ng bahay namin.

It's okay. Boyfriend mo ako kaya dapat lang na mag-alala ako sa'yo-sabi niya.

Don't worry, babawi ako sa'yo-nakangiting sabi ko.

Babawi?...kailangan pa ba yun?

Oo noh. Kasi lagi ka na lang nagwo-worry because of me and lagi kang nan diyan kapag kailangan kita kaya babawi na lang ako sa'yo-sabi ko.

Hindi na kailangan Julia. Kasi masaya na ako kapag nakikita kitang masaya at nakangiti-nakangiting sabi niya at hinawakan niya ako sa pisngi ko.

Even Tae Joon, I want you to become happier-sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko.

What do you mean? Eh masayang-masaya naman ako sa tuwing kasama kita.

Oo nga. Pero paano kung mawala ako sa'yo? Baka hanap-hanapin mo ako at baka mas masaktan ka pa kapag nawala na ako-sabi ko.

Stop saying that Julia. Hindi ka naman mawawala eh. At bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na hindi naman mangyayari?

Ah...wala. I'm just trying to say na baka pagnagkahiwalay tayo ay-nahintong sabi ko at niyakap agad ako ni Tae Joon.

Hindi ka mawawala sa tabi ko kasi wala ka namang sakit diba? Stress lang yan kaya huwag kang mag-alala kasi mawawala din yan. And besides, hinding-hindi tayo magkakahiwalay Julia. I promised-sabi ni Tae Joon habang yakap ako.

Okay...basta promised natin sa isa't isa na magiging tayo FOREVER kahit na ano pang mangyari-sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko na napigilang lumuha.

Oo Julia, we're always FOREVER & EVER-sabi ni Tae Joon.

Pagkatapos ay umalis na siya at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Julia pwede ba tayong mag-usap?-sabi ni tita habang paakyat ako sa hagdan.

Amm....sige po tita-sabi ko at bumaba ulit ako.

Julia ayoko ng itago sa'yo ito. Julia you have a brain tumor-sabi ni tita.

Bre-bre-brain tumor??? Tita naman...ano po bang sinasabi nyo?

Julia stage 3, at kapag hindi pa ito naagapan ay posibleng...posible kang-nahintong sabi ni tita.

Posible pong mamatay?...yun po ba ang gusto niyong sabihin tita?-sabi ko at tumulo na ang luha ko.

Julia don't worry, stage 3 lang naman yan at pwede ka pang ma-operahan.

Tita stage 3?...eh tita baka hindi ko na kayanin. Kasi pagsakit pa nga lang ng ulo ko ay hinang-hina na ako...paano na lang kung inoperahan na ako?-sabi ko at patuloy pa rin ang pagluha ko.

Julia magpakatatag ka lang. I know malalagpasan mo rin ito-naiiyak na sabi ni tita.

Umakyat agad ako sa kwarto ko at hindi ko na pinakinggan pa si tita.

Bakit ganun?

Akala ko simpleng pagsakit lang ng ulo yung sakit ko.

Then malalaman ko na may brain tumor na pala ako?

Bakit ako pa?

Bakit ako pa ang kailangang maghirap ng ganito?

Nung una ang saya-saya ko kasi nasa tabi ko na yung mga mahal ko sa buhay.

Tapos ngayon, ako pala ang mawawala sa kanila.

Yung ngiting ibinigay sa akin ni Tae Joon, yung ngiting yun ay ipinakita niya sa akin para lang sumaya ako kahit na sa simpleng paraan.

Tapos yung pangako namin sa isa't isa na walang iwanan, ako pa pala ang sisira nun.

Akala ko masaya na ako eh.

Yun pala may isa pang pagsubok na kailangan kong labanan.

Una namatay ang papa ko sa isang aksidente.

Tapos ang nanay ko iniwan lang ako at sumama pa siya sa ibang lalaki.

Tapos ngayon iiwan ko si Tae Joon.

Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang iwan ang mga taong nagmahal sa akin ng totoo.

Kung sa simpleng pagngiti ko lang ay napapasaya ko na sila, paano na lang kung wala na ako?

Paano si Soo Yeon?

Si tita at si Sang Neul?

At higit sa lahat, ano nang mangyayari kung yung taong muling nagpasaya at nagpangiti sa akin ay masaktan dahil sa pagkawala ko?

Ayokong maging malungkot si Tae Joon.

Ayokong iwan siya.

Natatakot ako na baka pag-inoperahan na ako ay hindi ko na kinaya at baka hindi na ako magising.

Gusto ko pang makasama yung taong muling nagpangiti sa akin.

Yung taong minahal ako ng totoo.

Yung taong ipinaramdam sa akin na pwede pa akong ngumiti kahit sa simpleng paraan niya sa kabila ng malungkot na nangyari sa buhay ko.

Yung taong laging nasa tabi ko kapag kailangan ko.

Tapos ako naman ang mawawala.

Sana, sana mali lahat ng mga sinasabi ko.

Na sana hindi pa ako kunin ni Lord.

At sana kapag na operahan na ako ay sana magising pa ako at pagmulat ko ng mga mata ko ay ang unang gusto kong makita ay yung taong nagpangiti sa akin ng totoo.

At kapag nangyari yun, ako naman ang magpapangiti sa taong mahal ko.

Gusto ko pang bumawi sa kabila ng maraming magagandang bagay na ginawa niya para sa akin.

Pero kung hindi na talaga mangyayari yun, bahala na lang ang panginoon sa akin.


It's Just a Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon