Chapter 10

58 4 0
                                    

Soo Yeon's POV

Kinabukasan nakauwi na ako sa bahay namin.

Nag-enjoy ako kahapon sa bahay nila Julia and alam ko namang nag-enjoy din siya.

Pagpasok ko sa kuwarto ko nilapag ko na yung mga dala kong gamit.

Habang inaayos ko yung mga gamit ko naalala ko yung kinuha kong notebook kay Julia.

Hindi pa naman ako nagpaalam sa kanya na kinuha ko yung notebook niya...

Baka magtampo yun sa akin...

Ibabalik ko na kasi sana yung notebook na yun kaya lang may nabasa akong kakaiba.

Hindi ko alam kung bakit may ganito si Julia.

Binuksan ko yung notebook at binasa ko ulit.

Pagbasa ko halos mapaiyak ako sa mga sinulat niya.

Ano ba kasi eto?...

Diary niya ba to?...

Kahit ako na bestfriend niya hindi niya sinasabihan ng mga secrets niya?

Akala ko pa naman walang secrets sa isa't isa.

Pero okay lang kasi mukhang personal ang mga sinulat niya dito.

May mga nakasulat din dito na masasayang memories niya.

Meron ding mga pictures na nakalagay sa bawat sulat niya.

Aba, may picture din sila ni Tae Joon na magkasama sa garden.

Hmmm...baka eto yung time na pumunta si Tae Joon sa house nila.

Hay....Julia talaga, marami ka palang secrets na hindi sinasabi sa akin ha....

Bakit kailangan mo pang itago eh puwede naman kitang tulungan sa mga pinagdadaanan mo?.

Kaya nga tayo magkaibigan kasi ang magkaibigan laging nagtutulungan kahit mabigat na problema pa yan.

Hmm...is she really okay?

Baka nag-o-okay lang siya pero ang totoo hindi naman pala siya okay.

Hindi ako mapakali sa kaiisip kay Julia kung okay ba talaga siya o hindi.

Halos lahat kasi ng mga sinulat niya sa notebook na to puro malungkot na memories niya.

Pero ang pinakamasaklap na nakasulat dito ay yung iniwan siya ng mom niya then namatay pa sa car accident yung dad niya.

What a challenge of God...

Halatang nahihirapan si Julia sa buhay niya ngayon lalo na't hindi pa sila okay ng mom niya.

What if humiling siya ulit sa shooting star?..

Wala namang mawawala kung susubukan niya ulit eh...

Dati naman nung humiling siya sa shooting star natupad naman yung wish niya kasi dumating sa buhay niya si Tae Joon.

Masaya siya kapag kasama si Tae Joon kasi si Tae Joon lang ang nakakapagpasaya sa kanya ng totoo.

Kung baga, parang ako lang ang assistant ni Tae Joon na kapag wala si Tae Joon ako naman ang magpapasaya sa bestfriend ko.

Konti lang kasi ang kaibigan ni Julia.

Natatakot kasi siyang magkaroon ng maraming kaibigan kasi baka daw bandang huli iiwan din siya at baka magkahiwalay-hiwalay pa.

Pero ako?, hinding-hindi ako aalis sa tabi ng bestfriend ko.

Kasi kapag nag-isa na lang siya, welcome ang bahay namin para sa kanya.

Hooo....pagkatapos kong basahin lahat ng nakasulat sa notebook niya, eh halos mamaga na yung mata ko sa kakaiyak.

Hindi ko akalaing may pinagdadaanan ang bestfriend ko.

Bihira lang kasi kami magsabihan ng secrets, pero hindi secrets about sa life niya o kung ano man ang pinagdadaanan niya.

Napaisip tuloy ako kung pupuntahan ko ba siya ngayon sa bahay nila para kausapin siya or itutuloy ko pang basahin lahat ng nakasulat dito?

Hindi ko na kasi kery eh...

Sobrang nata-touch ako sa buhay ng bestfriend ko.

She's so braved kasi halos lahat ng problems sa buhay niya kaya niyang ngitian.

Ganyan si Julia, ngingitian lang ang lahat ng problema sa buhay.

Ayaw niya kasing kaawaan siya ng ibang tao at ayaw niya ring ipakita sa ibang tao na puno ng lungkot ang buhay niya.

Kasi pagnalaman nila, siguradong magsasawa sila sa pakikipagkaibigan kay Julia kasi parang sinasabi nila na plastic siya.

F.Y.I hindi plastic si Julia, ayaw niya lang malungkot ang mga taong nakapaligid sa kanya kaya ayaw niyang sabihin lahat ng bad memories niya or sabihin na lang nating ayaw niyang sabihin ang tunay niyang nararamdaman kaya pinapakita na lang niya sa ibang tao na masaya siya at lagi siyang okay.

Bad man or good, Julia is still my bestfriend and I will always here at her side to comfort her.

I will never leave her.

Ako ata ang number 1 bestfriend niya.(*^﹏^*).

Number 1 bestfriend na laging magpapasaya sa kanya at laging tutulong sa mga problema niya.

Mapagkakatiwalaan kaya ako...

Ako yung tipong pag may umaway sa betfriend ko sasapakin at sasapakin ko yun...

And besides, pagnasaktan siya ng sobra eh baka hindi ko na mapigilan yung sarili ko.

Haha...ayoko lang makitang umiiyak ang bestfriend ko at inaapi-api ng kung sino-sino lang.

Kung meron siyang Superman(Tae Joon)...ako naman ang Wonderwoman niya.

Haha...or puwede ring assistant ni Superman.

It's Just a Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon