Chapter 13 ✌FOREVER & EVER✌

33 3 0
                                    

Julia's POV

Paggising ko ay dumiretso agad ako sa CR para maligo.

Pagkatapos ay nagbihis na ako at nagsuklay ng buhok ko.

Oh, Julia may lakad ka ba ngayon?-tanong ni tita.

Opo tita...pero babalik din po ako. May kailangan lang po akong gawin ngayong araw na ito-nakangiting sabi ko.

Oh sige pero pagkatapos ay susunduin kita agad kasi kailangan nating pumunta sa hospital para malaman natin kung kailan nila isasagawa yung operasyon sa'yo -sabi ni tita.

Opo tita at sana po magtagumpay yung operasyon na gagawin nila sa akin-sabi ko at ngumiti ako bandang huli.

Nagpaalam na ako kay tita at hinatid na ako nung driver namin sa park.

Pagdating ko sa park ay hinihintay na ako nung mga batang kalaro ko dito sa park.

Kinausap ko kasi silang tulungan ako sa plano ko.

Okay, ready na ba kayo?-sabi ko.

Opo...-nakangiting sagot ng mga bata.

Maya-maya ay dumating na si Tae Joon.

Oh anong meron dito?-nakangiting sabi ni Tae Joon.

Basta...sumunod ka na lang sa akin-sabi ko at parang tutulo na naman yung luha ko pero pinipigilan ko lang.

Hinawakan ko sa kamay si Tae Joon at naglakad kami papunta sa may playground.

Pagdating namin sa may playground ay nakahanda na yung mga bata sa gagawin nila.

Okay mga bata, pwede na kayong humarap -sabi ko.

Pagharap nila ay may nakapintang "I Love U So Much Park Tae Joon" sa damit nila.

Pagkatapos ay lumapit ako sa mga bata.

Tae Joon, ito yung surpresa ko para sa'yo. Simple lang pero at least may meaning yan. Alam mo kung ano yun?...Eto oh!-sabi ko sabay turo sa puso ko.

Julia...ano bang ginagawa mo? -sabi ni Tae Joon.

Tae Joon gusto kong iparamdam sa'yo na mahal na mahal kita. Gusto ko ring malaman mo na ikaw ang dahilan ng pagngiti kong ito. Kung hindi dahil sa'yo malungkot pa rin sana ako hanggang ngayon. Gusto kong malaman mo na gustong-gusto kita. Masaya ako sa tuwing kasama ka at masaya rin ako kasi naging boyfriend kita. At sana, mapasaya kita kahit ngayong araw man lang na ito-napaluhang sabi ko.

Pagkatapos ay nagform ng heart yung mga bata at hinawakan ko sa kamay si Tae Joon at pumunta kami sa gitna kung saan nag form ng heart yung mga bata.

Tae Joon, lagi mo akong pinapasaya. Lagi kang nasa tabi ko sa oras na kailangan kita. At ngayon, oras na para ako naman ang magpasaya sa'yo-sabi ko.

Julia enough. Ano bang sinasabi mo? Julia naging masaya ako, naging masaya ako sa piling mo at kahit kailan, hinding-hindi ako magsasawang mahalin at pangitiin ka. At alam kong mahal mo ako dahil 'ramdam ko naman eh-sabi ni Tae Joon at hinawakan niya ako sa pisngi ko.

Tae Joon naalala mo ba yung time na nangako tayo sa isa't isa na pupunuin natin ng masasayang alaala itong park? At yung pangakong hinding-hindi tayo magkakahiwalay? Tae Joon I'm sorry kung hindi ko na maipapangako sa'yo yun ngayon. Hindi ko na kasi kaya.

What do you mean?...sumusuko ka na ba? Ayaw mo na ba Julia?

Tae Joon mahal kita pero ayoko namang maramdaman mo na masasaktan ka din bandang huli. Tae Joon I'm sorry. I will do this because I love you. Ayoko lang masaktan ka-napaluhang sabi ko.

It's Just a Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon