Jei
"Wong, ano ba?! Di ba sabi ko ipasa mo? Ang layo na ng score oh!"
"Coach, ayaw nilang ibigay sakin pag nasa pwesto ako."
"Wag mong agawan ng position teammates mo! Di lang scoring to, Wong! Ramos palitan mo to!"
Fuck!
"Coach! Papasok ako."
"Dyan ka lang!"
----------
J
"Mommy, bakit wala na sa court si kuya? Siya pa naman pinunta ko dito kahit may gala kami ng mga friends ko."
Hindi ko din alam. Tinapik ko si Deanna. Hindi ko alam ang isasagot. This is Jei's 7th game na pinanuod namin as family.
Pansin ko lagi nga siyang nilalabas sa court in the middle of the game. Sabi lang ni Deanna ganon daw talaga.
"Jerri, come here. Ganon talaga sa basketball, papalit palit lang ng players. Maybe your kuya needs some rest." kalmadong paliwanag niya.
"I think, kuya is not a team player. Bakit naman yung ibang teammates niya babad sa court." Ohhh? Saan galing to? Kailan pa naging basketball analyst ang anak ko.
"Shhhh, Jerri. Just watch, tignan mo si Dani ang behave, nanunuod lang."
"Wala namang paki si Dani, dada. Baby pa yan eh. Sabi ng mga classmates ko ang dumi daw maglaro ng kuya ko. Inaasar nila ako dahil sa kanya. Ako ba si kuya?"
"Stop it, Jerri ha! Kuya mo yun. Manuod ka na lang." parang di na maganda tong pupuntahan ng pag uusap ni Deanna at Jerri.
Kaya pala after ng 3rd game na pinanuod namin parang ayaw na sumama ni Jerri samin.
"Dada naman! Sana hindi na ko sumama dito."
"Ayaw mong suportahan kuya mo? Mas gusto mong mag mall kasama yang mga kaibigan mo? Dito na nga lang natin nakakasama kuya mo."
"It's not my fault dada. Si kuya naman pumili ng basketball over us, kaya di natin siya madalas kasama."
"Hold, Dani muna, Love." ibinigay sakin ni Deanna si Dani, kalong kalong niya kasi."
"Love, mamaya na yan. Sa bahay na lang please." dapat family bonding to bakit nauwi sa ganito.
"Jerri, umayos ka sa salita mo. Kuya mo yun. Mag uusap tayo sa bahay. Manuod ka na dyan."
Pinasok ulit si Jei jei sa court. Tahimik na lang sila Deanna at Jerri. Buti pa tong si Dani behave lang, hindi siya umiiyak ngayon. Sanay na sa maraming tao.
Dito kami nakaupo sa patron, sa likod lang ng mga players. Buti nga sanay na si Dani, dati iyak pa siya ng iyak. Pati mga teammates ni Jei jei natutuwa sa kapatid niya, nagchecheer na din kasi.
"See, dada. Nakita mo yun? Ang dumi talaga mag laro ni kuya. Tapos di niya pinapasa yung bola kahit open naman yung teammate niya."
Tinignan lang siya ni Deanna. Salubong na din ang kilay nito ni Deanna. Parang di na siya nag eenjoy sa game.
Maya maya... Nagkagulo na sa court.
"What's happening, love?" medyo napatayo ako. Si Jei jei yun eh.
"Stay there, love." hila sakin paupo ni Deanna.
"Do something, Deanna."
"Nasa game pa sila. Dyan ka lang."
"Pero..."
"It's kuya's fault. Tinulak niya yung nagbabantay sa kanya." oh, god, Jerri.
Pag lakad pabalik ni Jei jei sa sideline dumudugo na yung gilid ng mata niya.
BINABASA MO ANG
If It's Love
FanfictionIf it's love And we decide that it's forever No one else could do it better... So, what now? Now that they finally have the family they dreamt of.