J
"Jei jei, bakit hindi mo sinabi na magtatryout ka sa basketball?"
We're on our way to Makati. Excited for our unplanned family date again, sayang lang di namin kasama si Dani, out of the way na kung dadaan pa kami sa bahay.
Namiss ko din yung mga unplanned dates naming apat, medyo dumalang na kasi ngayon dahil nga college na si Jei jei, pareho kaming nasa Manila.
"I told dada, mommy."
"When? Bakit di nasabi sakin ni dada mo?"
"I told dada last week pa ata mommy. Wala na, di na ko nakapagtryout, myy." aba at last week pa pala, bakit di nasabi sakin ni Deanna to.
"Walang basketball, mag aral kang mabuti akala mo ba madali yang course mo. Saka bakit ba oras ng klase maingay ka?"
Hay naku, sumasakit ang ulo ko sa batang to. Buti na lang hindi pa traffic, wala pa ko sa mood mainis.
"Mommy, may nasabi lang na nakakatawa si Aaron kaya natawa kami, di naman namin sinasadya."
"Aaron? Yun ba yung lagi mong kasama?"
"Opo, si Aaron po yun."
"Umayos ka, Jei ah. Mamaya kung ano anong pinaggagawa niyo ni Aaron. Saka ano yung chick chick na sinabi niya kanina ha?"
"Wala po yun." wala daw, ang linaw ng rinig ko kanina.
"Anong wala? Sino yung hinahanap niyo sa klase ko ha?"
"Wala po talaga, mommy." ayaw pa sabihin, alam na alam ko na yung mga ganyang style naku!
"Isa, Jei jei. Sino nga?"
-----------
D
"Dada, ice cream tayo..."
"Naku baby, di ka pa ba nabusog? Ang dami mo ng nakain na pizza ohhh, tapos nag chicken ka pa."
Grabe, parang di ko na nga kaya maglakad sa dami ng nakain kong pizza, pakainin ba naman ako ng pakainin ni Jerri ng pizza.
"Gusto ko ng dessert dada."
"Okay sige baby. Antay lang natin sila mommy mo malapit na daw sila."
"Pupunta sila dada? Yehey!"
"Oo malapit na sila ng kuya mo."
"Yes! Yes! Ice cream tayo dada ah."
"Opo baby, sige behave ka muna dyan. Mag pizza ka muna." ayun at nilantakan ulit yung pizza.
Ang lakas naman kumain nito ni Jerri, parang di nabubusog kaya siguro ang bilis nito tumangkad. Nakita ko na sila Jema na palapit samin. Napagalitan ba to si Jei jei? Bakit nakasimangot? Humalik agad sa pisngi ko si Jema pag lapit samin.
"Hi, love. Kain muna kayo madami pang pizza." umupo si Jema sa tabi ko at si Jei jei naman sa tabi ni Jerri sa tapat namin.
"Love here, kain ka muna. May gusto ka ba? Oorder ako."
"Okay na tong pizza, love."
"Dada ako gusto ko din ng chicken dito. Ubos na ni Jerri yung chicken eh."
"Okay, okay.. Sige order ka na, here, Jei jei." abot ko ng wallet ko sa kanya.
"Yahooo!"
"Dada, ako ice cream.."
"Sama ka na sa kuya mo, Jerri. Order na kayo ng gusto niyo. Ikaw, love? Ano gusto mo?" ah putek! Ngumiti lang ng nakakaloko sakin si Jema.
"Sige na, order na kayo." agad umalis si Jei jei at Jerri.
"Love, don't smile like that here. Wala pa tayo sa bahay, baka di ako makapagpigil sige ka."
"I miss you na kasi love. Nakakapagod sa school." yumakap siya sa braso ko.
"Gusto mo ba uwi na tayo? Gusto pa manuod ni Jerri ng movie eh."
"Okay lang, pagbigyan na natin sila. Pero love, teka, may tanong pala ako."
"What is it, love?"
"Nagpaalam daw sayo si Jei jei tungkol dun sa tryout niya sa basketball, last week pa daw, di mo ata nasabi sakin, love?"
Uh-ohhh.. Oo nga di ko sinabi kay Jema, pano naman kasi alam ko namang di siya papayag, eh gustung gusto ni Jei jei mag tryout kaya pinayagan ko na. Okay nga yun, may iba siyang activity sa school kesa puro aral. Ayoko namang pigilan si Jei jei sa mga gusto niya, di naman masamang mag basketball, nagpromise naman siya na mag aaral mabuti.
"Ah, ano, love.." pano ba to???
"Deanna... Wong..." lagot na talaga ako.
"Love, payagan mo na si Jei jei, basketball lang naman yun." lambing ko sa kanya. Pero parang wala namang epekto, nakataas pa din yung kilay niya.
"Anong lang? Ipapaalala ko lang sayo na di madali yung course na kinuha ng anak mo. Siguro naman naaalala mo yung mga pinagdaanan ko non, di ba?"
"I know, love. Pero nagpromise naman si Jei jei na mag aaral siyang mabuti. Hayaan na muna natin siya, once na maapektuhan yung pag aaral niya ako mismo magpapatigil sa kanya."
"Aba, Deanna. Aantayin mo pang mapabayaan niya ang pag aaral niya. It's a NO! Kausapin mo ang anak natin mamaya pag uwi, sabihin mo walang basketball, ayoko! Malinaw ba yun ha, Deanna?"
Wala ng mas lilinaw pa sa madiin na 'NO' ni Jema, pag sinabi niyang hindi, hindi talaga.
Paano ba to? Pumayag na ko tapos babawiin ko kay Jei jei. Bahala na nga mamaya pag uwi sa bahay.
----------
🙋
First chapter. How's that?
I got a question..
Whose side are you on about Jei's basketball tryout? D or J's?
BINABASA MO ANG
If It's Love
FanfictionIf it's love And we decide that it's forever No one else could do it better... So, what now? Now that they finally have the family they dreamt of.