D
"Dada, what are you doing here?"
"Sinusundo ka."
"How about, Jerri? Si mommy?"
"Si mommy mo na ang sumundo kay Jerri. May pupuntahan ka pa ba? O practice?"
"Wala naman po dada, tapos na po training namin kaninang umaga."
"Okay, tara. Labas tayo, saan mo ba gusto kumain anak?"
Kinausap ko si Jema kaninang umaga. I told her na ako muna ang susundo kay Jei jei at siya naman kay Jerri. Gusto kong makausap ng masinsinan si Jei jei tungkol sa mommy niya.
"Nagkakape ka ba anak? Alam mo may madalas kaming puntahan dito ng mommy mo dati eh."
"Hindi masyado dada pero sige dun na lang po tayo."
Nakakamiss din yung lagi naming pinupuntahan ni Jema na Starbucks dito sa uste. Pati yung mga kinakainan namin dati dito nakakamiss balikan.
Pag upo namin sa loob, ako na ang umorder. Hinayaan ko ng umupo si Jei jei. Medyo nagbago na dito sa loob pero ganon pa din ang atmosphere, nakakarelax. The good old days with Jema here, nostalgic.
"Here's our food, Jei.." tinanggal niya yung airpods niya at tumingin sakin.
"Katulad ka ng mommy mo.. Favorite spot niya yung window side."
"Pareho pala kami ni mommy."
"Same spot nga eh. Dito yung lagi niyang inuupuan pag pumupunta kami dati dito, nung nag aaral pa kami."
"Wow, dada. Talaga po? Eto rin yung gusto kong spot dito. Naiinis nga ako pag may nakaupo na dito eh."
Napangiti ako.. Kita ko pa sa mukha ni Jei yung reaction pag naiinis din si Jema non pag may nakaupo na dito sa favorite spot niya.
"Kamukha mo lang ako pero nakuha mo yung mga paborito ng mommy mo hehe."
"Ano po bang favorite drink ni mommy dito dada?"
"Ano ba yang order mo?"
"Eto dada? Seryoso?" nagulat din ako na yun ang pinaorder ni Jei jei sakin, pareho sila ni Jema.
"Yes, yan din ang gusto ng mommy mo with extra whipped cream hehe."
"Ang sarap kaya nito dada. Lalo pag maraming whipped cream!"
"Naku para ka talagang mommy mo non."
Ngumiti kami pareho. Tapos tumahimik na ulit si Jei jei. Iniinom na lang niya yung drink niya.
"Anak about your mom pala---"
"Dada, galit ba si mommy sakin?"
"No anak. Nalulungkot siya, nagtatampo."
"I miss her dada."
"Mas namimiss ka niya anak. Bakit ba ganon ka na sa mommy mo?"
"I realized mali yung ginagawa ko dada. Nappressure lang ako. Lahat ng nangyayari kasi ngayon sakin dada bago para sakin."
"I understand anak. Pero alam mo naman na mabuti lang ang gusto ng mommy mo sayo."
"I just want to be independent dada. Pero I realized pwede naman pala akong maging independent ng nandyan pa din si mommy. Alam ko disappointed si mommy sakin eh, naffeel ko dada."
"Bakit kasi di mo na kinakausap ang mommy mo?"
"Nahihiya ako dada."
"Talk to her. Hinihintay ka lang ng mommy mo, nagtatampo yun. Pero hindi siya galit sayo. Nag aalala nga siya kasi di ka na nagkukwento sa kanya."
BINABASA MO ANG
If It's Love
FanfictionIf it's love And we decide that it's forever No one else could do it better... So, what now? Now that they finally have the family they dreamt of.