Jerri
"Guys, let's have merienda na. Saan tayo kakain?"
"Hmmm, Greenbelt! Let's go!"
"Yanna, Greenbelt na naman."
Hay ano ba naman to, kakain na lang di pa makapag decide tong mga kaibigan ko.
"You know what, tara na. Dun na tayo maghanap kung saan kakain." tumayo na agad ako at inayos yung mga gamit ko.
Di pa tatayo tong mga to pag walang nauna sa amin. Sumasakit na din ang ulo ko kakaaral ng geomertry na to!
"Hey, Jerri! Excited? Naaral mo na bang mabuti yang geom? May quiz tayo bukas tandaan mo."
"Yeah, yeah, Yanna. Let's go na."
Sumunod din naman sila sakin palabas ng school. Sumakay na lang kami ng grab papuntang mall dun na lang ako magpapasundo kay dada.
And as usual, napunta na naman kami dito sa 8 cuts burgers. Well, masarap naman kasi talaga dito.
"Hey, Jerri... Di ba kuya mo yun?" napalingon agad ako sa tinuro ni Nika.
Si kuya Jei nga yun... Uh?
Teka... Kasama niya si...
Arielle?
Yes, si Arielle nga. Di ako pwedeng magkamali.
"Uy, tara, Jerri! Puntahan natin kuya mo hihihi papapicture lang kami ni Yanna!"
"Oo nga, Jerri. Please... Tara!"
Ano ba naman tong mga to. Si kuya lang yan.
"Ano kinikilig ba kayo? Si kuya lang yan! Kung alam niyo lang, baka maturn off pa kayo sa ugali nyan!"
"Ihhhh, Jerri naman eh. Sige naaaaa..." pilit sakin nila Yanna at Nika. Hinihila hila pa ko.
Jusko naman! Anong nakakakilig kay kuya? Ewwww!
----------
Jei
"Hi, coach. Good evening po..."
"Wong, late ka na naman!"
"Coach, 10 minutes lang akong late."
"10 minutes ka pa, sa tagal nyan madami ng nagawa teammates mo."
"Sorry na coach. Promise, coach di na mauulit."
"Narinig ko na yan, Wong. Sige na, sumama ka na dun sa court. Mag warm up na kayo."
"Ah saka nga pala, Wong!" pigil sakin ni coach.
"Nandito kanina yung mama mo, hinahanap ka."
"Ah ganon po ba, sige po tatawagan ko na lang po siya mamaya."
"Tawagan mo na kaya ngayon?"
"After training na lang po coach."
"Call her, Wong. Para kasing di siya okay. At least, check on her."
Ha? What happened to mommy?
"Why coach? Anong nangyari sa mom ko?"
"Ang tagal mo kasi. Nahilo ata yung mama mo sa pag hihintay sayo dito kanina. Kanina ka pa niya inaantay."
"Po?"
"Wong naman, parang di ka na nasanay. Di ba lagi naman nandito yung mama mo pag training natin. Tapos ngayon ka lang dumating."
"Sorry coach. I'll call her muna sa labas."
"Go! Tapos bumalik ka agad."
"Yes, coach! Thank you!"
----------
D
"Hey, love. Are you okay?"
Dumating na si Jema from work. And she's pale. Kinuha ko agad yung mga dala niya at pinaupo siya sa couch.
"'l'll get water for you. Wait, love."
Nilingon ko pa siya bago pumuntang kitchen. Nakasandal ang ulo niya at nakapikit. Para siyang pagod na pagod.
"Nandyan na si mommy, dada?" Jerri asked.
"Ah, yes. Puntahan mo muna dun."
"Yey!" she ran to her mom.
Pag balik ko sa living room, Jerri is checking her mom.
"Mommy, are you okay?"
"Yes anak, napagod lang ako sa byahe." sagot ni Jema.
"Love, here. Inom ka muna."
"Mommy, punta kaya tayo sa hospital. Namumutla ka eh."
"I'm okay." matamlay na sagot niya.
"Sige na, Jerri. Ako ng bahala sa mommy mo."
"But, dada..."
"Sige na, matulog ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas."
"Okay po. Good night, mommy. Good night dada."
Tapos umakyat na siya sa room niya. Tumabi ako kay Jema.
"Love, okay ka lang ba? What happened?"
"Napagod lang talaga ako. Sobrang traffic din pauwi."
"Di ba maaga naman ang out mo? Bakit gabi ka na nakauwi?"
"Pinuntahan ko lang yung anak natin, eh kaso anong oras na wala pa. Nakalimutan ata niya na magkikita kami kanina."
"Love, wag ka na masyadong magpagabi. Saka hayaan mo na si Jei jei dun. Malaki na yun, di mo na siya kailangang icheck lagi."
"Pero nag aalala pa din ako, saka may usapan nga kami."
"Yung bata talaga na yun..."
"Deanna, wag mo ng tatawagan para pagalitan, okay? Baka busy lang talaga siya."
"Okay, Jema, okay. Bakit kasi di mo na bitawan yung pagpapart time dun. Dalasan mo dito sa bahay."
Napabuntong hininga lang siya.
"Madalas kang hanapin ni Jerri at Dani. Lalo na si Dani, lumalaki na siya Jema. She needs you."
"Nandito ka naman, Deanna. And besides, walang tumitinging magulang kay Jei jei don. Kaya nga lagi ko siyang pinupuntahan."
"Okay lang siya dun, Jema. Mas kailangan ka nila Jerri at Dani dito."
"Love, sa ibang araw na lang natin pag usapan to oh. Di talaga maganda ang pakiramdam ko."
"Of course, love. Lika na, dun na tayo sa kwarto. Kumain ka na ba?"
"Yes, love. Okay na ako."
Lalo akong nag aalala kay Jema. Pati sarili niya napapabayaan na niya.
BINABASA MO ANG
If It's Love
FanfictionIf it's love And we decide that it's forever No one else could do it better... So, what now? Now that they finally have the family they dreamt of.