3

2.7K 108 20
                                    

J

"Love, bakit ang dami naman atang food? Sila Jia lang naman dadating di ba?"

Hmmm, I decided to surprise Deanna na lang about Adi. Sure ako matutuwa siya pag nakita si Adi. Ang tagal nilang di nagkita. Kasama din sana si Kim kaso out of town pala siya ngayon.

"Yes, love. Gusto mo na ba kumain?" sagot ko habang inaayos sa mesa yung mga niluto kong pagkain.

"Later na lang, love. Pagdating nila sabay sabay na tayo."

Well, kaming tatlo lang ang nandito sa bahay, si Jerri umattend sa birthday party ng kaklase niya, si Jei jei naman pagkatapos ng mahabang pag uusap, pinayagan ko na din magtryout sa basketball.

Humanda lang talaga sakin si Deanna pag nadamay yung grades ng anak niya sa basketball na yan, siya talaga yung nag convince sakin para payagan ko si Jei jei.

Buti na lang may bunso pa kaming nakakasama dito sa bahay. MWF nagpupunta dito sa bahay yung teacher ni Dani, homeschooling pa kasi ang gusto ni Deanna sa bunso namin, 4 years old pa lang naman si Dani.

"Shower ka na, love. Maya maya dadating na sila."

"Okay, love. Where's Dani pala?"

"I checked her kanina tulog pa. Gisingin mo na, love para pagdating nila Jia wala ng tantrums yung anak mo, kasama pa naman ni Jia si Jeremy."

Pahirapan naman kasi gisingin si Dani, lagi na lang umiiyak pag ginigising. Buti na lang weekend nandito si Deanna, siya lang naman nakakapagpatigil agad kay Dani pag umiiyak.

"Okay, love. Ako ng bahala." umakyat na si Deanna sa taas. Good luck talaga sa kanya.

Jia texted me, siya lang daw at si Jeremy. Di daw pwede si Miguel, may duty. Nag text din si Adi, kasama daw niya yung anak niya, wala daw pasok. I remembered nabanggit nga niya sakin yung anak niya. Mukhang magkakasabay pa ng dating si Jia at Adi.

Nagmadali na ko sa pag aayos ng mga pagkain, tinawag ko na din si nanay para siya yung mag ayos ng mesa, need ko ng maligo muna.

Pag pasok ko sa kwarto, dumiretso ako sa bathroom, nandun pa pala si Deanna. Pero bihis na siya.

"What's wrong?"

"Ah, nah, love. Just a cut, pero okay na." that explains the blood on the sink.

"Patingin nga, ano bang nangyari?" tinignan ko yung kamay niya, ang lalim naman ng cut niya sa palad, dumudugo pa.

"Just a cut, eh ang lalim niyan. Ano bang ginawa mo?"

"Wala love, di ko ata nasara ng maayos yung razor. Kinapa ko kanina sa cabinet nahiwa ako."

"Lika na.. Gamutin na natin yan dadating na sila." hinila ko na siya palabas at pinaupo sa kama.

"Anong gagawin mo, love?"

"Here..." nilabas ko yung first aid kit.

"No, Jema! Don't tell me..."

"I'll tell you. Ang lalim niyan ano ka ba, Deanna. Lika na, wag ka ng maarte. Ako lang to, wala ka bang tiwala sakin?"

Takot na takot lang si Deanna, eh ginagawa ko na to noon pa. Dito ko nga lang sa bahay tinatahi yung mga sugat nila Jei jei non.

"Meron naman pero need pa ba yan? Lagyan mo na lang ng band aid kaya?"

"Baliw ka, di yan kaya ng band aid. Nasa palad mo ohhh, open na open. Wag ka ng makulit."

Pumikit na lang siya, parang bata. Saglit ko lang inasikaso yung kamay niya and she's good to go.

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon