Jei
Versus Barcade, BGC
"Alam mo dude, subukan pa ulit ng Archie na yun na mag angas sa court, di lang yun aabutin sakin non!"
"Dude, easy ka lang. Mag arcade na lang ulit tayo, napapadami na tayo ng inom oh."
"No! Ayoko na mag laro. Inom na lang tayo." pinigilan ko si Aaron bago pa siya tuluyang makatayo.
"Hayaan mo na yun dude. Siguro naman natauhan na yun si Archie, di na mag aangas yun. We will beat them dude! Cheers!"
Sabay namin inubos ng diretso ni Aaron yung isang bote ng beer. This is what I need now.
"Boss! One bucket pa!" tawag ko sa barista.
"Dude? Sobra sobra na yung nainom natin, tama na yan. Uuwi pa tayo."
"Ano ka ba naman, Aaron! Samantalahin na natin tong pahinga na binigay ni coach, bakbakan na naman sa training this weekend."
"Pero nakakadami ka na, uuwi pa tayo."
"Ano ka ba, I got you bro! Akong bahala. Ihahatid pa kita sa inyo."
"Lasing ka na, Jei. Tama na yan."
"Last na bucket na, bro. Last na, I promise."
"Sige na nga, last na ha. Ako malalagot nito kina doc na naman pag nalamang ako kasama mo."
"Don't worry, akong bahala kay mommy."
----------
D
"Jerri?" I went to Jerri's room. She's on her bed, busy with her laptop.
"Yes, dada?"
"Di ba nag chat sayo ang kuya Jei mo? Anong oras na, wala pa din siya, kanina ko pa tinatawagan."
"Uhhmmm, hindi po, dada eh. But, I'll call him po."
"Thank you, anak." Bumalik na ako sa kwarto namin ni Jema.
Jema is pulling the graveyard shift tonight She received an emergency call kanina, mass casualties, and everyone was called to take the graveyard shift until I don't know.
Anong oras na almost 1 am na pero wala pa din si Jeijei, kanina ko pa siya tinatawagan hanggang sa ma-out of reach na lang yung phone niya pero wala pa din.
Nagsisimula na kong mag alala, tapos wala pa si Jema. I even tried calling Aaron, pero pati siya hindi sumasagot.
Where are you, Jeijei? Please...
----------
J
"Doc, male patient,19 years old,unconscious, head trauma and right leg open fractures."
What happened? Bakit di na nagsasalita si Jia? Okay pa siya kanina ah, ang dami ng nadala ditong mga patient.
"Doc? What bay, doc?" Tanong ulit ng paramedic kay Jia.
Lumapit na ako kay Jia.
"Jia, hey? What's wrong?" nakatulala siya dun sa patient sa harap niya. Sinundan ko ang tingin niya.
Halos, manlamig ang buong katawan ko! At halos matumba ako.
"Bay 4!" sigaw ni Jia.
"Jema! Jema!"
"No! Wait! Bitiwan mo ko, Jia!"
"You can't, Jema! You can't, dito ka lang."
Tapos tumakbo na siya sa bay 4.
Hindi ako makagalaw! Wala akong magawa! Bakit?!
Nakatingin lang ako kung saan nagkakagulo sila Jia at yung mga nurse.
Hindi ko na alam ang nangyayari.
"Dooooc!"
And then, everything went black.
----------
🙋
Hi 🙂
It's been a long while.
Just a short update.
BINABASA MO ANG
If It's Love
FanfictionIf it's love And we decide that it's forever No one else could do it better... So, what now? Now that they finally have the family they dreamt of.