22

2K 50 47
                                    

J

"Arnold Sebastian Francisco..."

Ha? Napatingin ako kay Deanna. Bigla kasi siyang nagsalita habang nakatingin kay Jei jei.

Weekend, kaya magkakasabay ulit kaming nag didinner, lalo at nandito ang panganay namin.

"What, dada?" Jei asked.

"Hindi ba pamilyar sayo yung pangalan ni sir Arnold? Parang kilala ka kasi niya eh."

"Right, dada! Baka naman may atraso ka don kuya ha." si Jerri naman ang nagsalita.

Ano bang meron sa tatlong to.

"What's with the three of you? Anong meron? May dapat ba kong malaman?"

Si Deanna napatingin lang sakin. So, walang may balak magsalita?

"Walang may balak magkwento sa inyo?"

"Jei jei..." tawag ulit ni Deanna.

"Kuya ano? Baka naman sinapak mo yung anak non ah." jusko anong meron?

Si Jei jei halatang ang lalim ng iniisip eh.

"Francisco???" mahinang sabi ni Jei.

"Ano kuya? Alalahanin mo?"

"Hmm ang kilala ko lang na Francisco si Archie." sabi ni Jei jei.

Biglang kinuha ni Jerri yung phone niya sa ibabaw ng table.

"I'm gonna check it." Jerri said.

"Ah love, how's your day pala and Dani?" nawala na ata yung atensyon niya kay Jei jei.

"We're okay naman. Namili din pala ako kanina, sinama ko na si Dani."

"It explains the dinner. Thank you, love."

"Oh my god!!!"

Nakakagulat naman tong si Jerri.

"What?" sabay tingin ni Jei jei sa phone ng kapatid niya.

"Shoot! Dad niya yun???"

"Teka ano ng meron?" tanong ni Deanna sa dalawa.

"Naku dada! Anak lang naman ng client niyo yung sinapak ni kuya don sa game nila non. Grabe ka kuya, ang gwapo gwapo nito sinapak mo lang."

"Kadiri naman yang taste mo! Gwapo na sayo yan?"

"Mamaya na yan, nag didinner tayo." saway ko sa kanila.

Si Deanna na lang ang tatanungin ko mamaya. Pag mga ganitong bagay kay Jei jei, mas hinahayaan ko ng siya ang umayos.

"Kaya pala ganon si sir Arnold kanina sayo. Nag apologize ka na ba don sa Archie, Jei jei?"

"Dada, alam mo game lang yun. Lumilipas naman yung ganon, okay na kami."

"Mabuti naman."

"Huhuhu ang cute naman ni Archie pala, kaso dugong berde. Pero ang cute pa din, keri lang haha."

"Hoy ikaw ah!" sabay batok ni Jei jei sa kapatid niya.

"Ouch, kuya! Mommy oh!"

"Jei jei, stop it." sabay pa kami ni Deanna.

"Eh kasi naman ehhhh..."

"Tama na, tapusin niyo na yang pagkain niyo." sabi ni Deanna.

Magulo pero masaya yung buong dinner namin lalo na pag kumpleto kami, puro kwentuhan, asaran nila Jei jei at Jerri, yung hirap pakainin ng bunso namin at syempre di nawawala yung mga pangaral at paalala namin sa kanila.

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon