12

2.2K 103 5
                                    

Jei

"Wong.." tawag sakin ni coach pag pasok ko ng gym.

"Yes, coach.." umupo ako sa tabi ni coach. Maaga pa wala pa yung teammates ko.

"Gusto mo bang maglaro next season?"

"Opo, coach! Gustung gusto ko po."

"Nakita ko naman ang performance mo sa mga trainings natin at laro. Magaling ka at gusto ko yung leadership mo sa loob ng court."

"Gusto ko po talagang maglaro coach, araw araw di po ako pumapalya sa pagpapractice kahit wala tayong training."

"I know. Lagi kitang nakikita dito. So, payag ka bang maging main shooting guard ko next season?"

"Main shooting guard po? Seryoso ba yan coach?"

"Oo, seryoso ako. Gagraduate na si Torres, ikaw lang ang nakikita kong pwedeng pumalit sa kanya."

"Pero may mas senior pa sakin coach."

"Walang senior senior sakin kung di naman marunong sumunod. Payag ka na ba, Wong?"

"Syempre naman coach! Payag na payag."

"That's good to hear. Pero kakayanin mo kaya ang training natin? Alam mo naman na pag nasa team A na mas intense ang trainings, mas madaming oras ang kailangan."

"Kakayanin ko po coach." umakbay sakin si coach.

"Ang ibig kong sabihin yung course mo baka mahirapan ka. Mahirap pag sabayin ang basketball at yung course mo. Alam mo namang may maintaining grades din tayo."

"Gusto niyo pong mag shift ako ng course?"

"Para di ka sana mahirapan pag sabayin. Suggestion lang naman yun."

"Pag iisipan ko po muna coach."

"Sige, balikan mo ko pag may desisyon ka na."

"Okay po coach."

What should I do?

Pangarap ko talagang makapaglaro ng basketball, yung sa big crowd. Eto na yung chance ko tapos ako pa ang balak ni coach maging main shooting guard.

Pahirapan na naman ng pagpapaalam to kay mommy, si dada walang problema alam ko namang maiintindihan niya ko.

----------

D

"Dada..."

"Oh, Jei jei? Gabi na ah bakit di ka pa natutulog?"

"May gusto akong sabihin dada. Nasaan pala si mommy?"

"Nandun pa sa kwarto ni Dani, pinapatulog kapatid mo. Tinotopak na naman eh."

"Dada, magpapaalam sana ako eh."

"Mukhang seryoso yan ah, dun tayo sa office ko." lumabas kami ng kwarto at pumasok sa maliit na office ko. Sa may couch lang kami umupo ni Jei jei.

"Sige simulan mo anak. Ano ba yung sasabihin mo?"

"Inoffer po sakin ng coach namin yung position na shooting guard next season. Makakapaglaro na ko dada next season."

"Wow anak! Congrats! Ang galing mo. Grab the chance, Jei."

"About that dada, balak ko po sanang mag shift ng course next semester."

"Ha? Shift ng course? Bakit naman?"

"Para po mas madaling i-adjust yung schedule ng klase ko sa training namin. Ang hirap kasi dada ng course ko, di ko kakayanin pag sabayin."

"Teka, Jei jei. Di ako pwede mag decide ng ako lang. Kailangan makausap mo din ang mommy mo tungkol dyan."

"Dada please kausapin mo naman si mommy, papayagin mo siya."

Mahihirapan ako nito. Pahirapan na nga non papayagin si Jema sa paglalaro ng basketball ni Jei jei. Tapos ngayon magshishift pa ng course si Jei jei dahil sa basketball.

"Kakausapin ko ang mommy mo pero dapat kasama ka. Ipaliwanag mo ng mabuti sa kanya."

"Okay po dada."

"Seryosong tanong, Jei jei. Ano ba talagang gusto mo, di ko kasi alam bakit yan ang course mo, tapos ngayon gustung gusto mo talagang magbasketball."

"Gusto ko pong mag basketball dada. Gusto kong maging magaling na player, makapaglaro sa malaking crowd. Gusto kong maging proud kayo sakin, dun kasi ako magaling dada eh."

"Maganda naman yung grades mo at proud kami dun."

"Hindi po pala yun ang gusto ko dada. Kinuha ko lang po yun dahil gusto kong matuwa sakin si mommy. Pero lalo lang siyang naging mahigpit sakin."

"Okay naiintindihan ko naman pero ano ba talaga ang gusto mo bukod sa basketball na yan?"

"Wala na po dada. Gusto ko lang po talagang mag basketball."

Seryoso ba tong anak ko? Basketball lang? Wala naman problema sakin. Ang gusto ko lang naman makapagtapos siya sa kahit anong course. Di naman big deal sakin kung anong course niya, mahalaga masaya siya sa ginagawa niya.

"Hindi pwedeng yun lang ang gusto mong gawin, Jei jei."

"Magshift na lang ako ng business course dada."

"Sigurado ka na ba?"

"Opo. Saka next semester pa naman po ako magshishift."

"Kausapin mo agad ang mommy mo, wag mo ng papatagalin pa."

"I will dada. Thank you po."

Pagkatapos namin mag usap lumabas na si Jei jei, naiwan akong mag isa. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Jema to.

Sigurado akong hihingi siya ng valid reason bago siya pumayag sa gustong mangyari ni Jei jei. At alam kong hindi siya papayag na basketball lang ang dahilan.

Haaaaay.. Sumasakit ang ulo ko..

----------

🙋

What do you think? 🤔

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon