16

2.3K 126 10
                                    

D

I saw Jei jei's car at the side of the road.

Nagpark agad ako sa tabi ng mapansin kong hindi lang to nakahinto sa gilid. Bumangga na to sa barrier.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Basta tumakbo agad ako patawid.

Kinatok ko ng kinatok agad ang sasakyan ng anak ko pero di niya to binubuksan.

Kinatok ko siya ng kinatok. Hindi pwede! Naaaninag ko na nakayuko siya sa manibela.

Hanggang sa ibaba niya ang salamin ng kotse sa side niya.

"Anak..."

Nag angat siya ng ulo.

And I saw him crying and bleeding at the same time.

It crushes my heart...

"Dadaaa..." yun lang ang nasabi niya habang umiiyak.

"Don't move anak, saan ang masakit?" natataranta ako but I need to be composed.

"Hindi ko po alam..."

Dahan dahan inalalayan ko siya pababa ng kotse, chineck ko siyang mabuti for injuries. Wala naman maliban sa kilay niyang dumudugo.

I rushed him to the nearest hospital.

Kinakausap ko siya pero di siya sumasagot puro tango lang.

Inasikaso naman agad kami ng mga doctor sa emergency.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa ganito, parang wala pa sa sarili si Jei jei.

Lumabas muna ako saglit habang inaasikaso siya ng mga doctor. Di ko siya kayang makita ng ganon. Para akong dinudurog.

Kahit ako na lang yung masaktan, wag lang yung mga anak ko.

I decided to call Jema.

----------

J

Halos paliparin ko ang kotse papunta sa ospital pagkatapos akong tawagan ni Deanna.

What did I do?!

Bakit kasi di ko man lang pakinggan si Jei jei.

Si Deanna ang sumalubong sakin pag tapat ko sa emergency, kinuha niya sakin ang kotse at tinuro kung nasaan si Jei jei. Siya na ang magpapark ng kotse ko.

Pumasok agad ako.

And there, I saw my son.

May doctor pa sa harap niya, at parang may inaayos sa ulo niya.

Pag alis ng doctor, halos maiyak ako sa itsura ng anak ko.

This is all my fault!

"Mommy..." he said in his weak voice.

My son....

"Good evening po, kayo po ang mom ng patient?" bati sakin ng babaeng doctor.

"Ah, yes, yes. How's my son?"

Inexplain niya sakin yung injury ni Jei jei. Minor lang naman lahat. Pero may stitches siya sa may kilay at mga pasa sa mukha.

Pag balik ko kay Jei jei, nakapikit na siya. Tinitignan ko lang siya habang nakatayo sa gilid ng bed niya.

Sa sobrang protective ko sa kanya nakalimutan kong malaki na pala siya at may sarili ng desisyon at gusto sa buhay niya.

Kailangan ko ng tanggapin sa sarili ko na hindi na baby si Jei jei, may mga bagay na gusto na niyang gawin mag isa.

Natatakot lang ako na baka magkamali siya at masaktan tapos mangyari sa kanya yung mga pinagdaanan ni Deanna.

Gayang gaya niya si Deanna kahit sa mga desisyon. Natatakot ako para sa anak ko.

"Mom..." pagkakita kong gising na siya, para akong maiiyak.

"Don't cry, mommy. I'm okay."

"I'm sorry anak.." di ko na napigilang umiyak.

"No, mommy. I'm sorry. It's my fault. Please don't cry, mommy... Please..."

Bumangon siya at niyakap ako...

Ako pa talaga yung umiyak, ako pa yung kinomfort ng anak ko, siya nga tong naaksidente.

Nang kumalma na ako, umupo ako sa upuan sa tabi ng bed niya.

"Pumapayag na ako sa kung anumang desisyon mo anak. Basta wag mong papabayaan ang pag aaral mo at lagi ka lang maging open sa amin ng dada mo."

His face instantly lit up.

Alam ko namang eto lang ang gusto ni Jei jei. Ang marinig to sakin.

Nandito naman kami ni Deanna para suportahan at gabayan siya.

"Thank you mommy. I promise, hindi ko po papabayaan ang pag aaral. Di man ako maging doctor, pero promise mommy magiging proud ka din po sakin one day."

Parang narinig ko lang si Deanna sa kanya, ganyan na ganyan din.

"Ngayon pa lang proud na ako sayo, Jei jei."

"So, kailan kami manunuod ng game mo, Jei jei?" sabay pa kaming napalingon ni Jei sa harap. Nandito na si Deanna at may dalang takeout food.

"Soon dada. Next season." sagot ni Jei jei.

Umingay na dito, nagkulitan na silang dalawa ni Deanna.

My family. At least, okay na kaming dalawa ni Jei jei. Well, parang naexcite din akong mapanuod siya in a big crowd.

That would be an awesome family bonding para sa amin pag nagkataon. Lahat kami manunuod.

----------

🙋

Back for a little while.

How's life everyone? 🙂

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon