20

1.5K 48 17
                                    

D

"Good morning, Da..." busy ako mag prepare ng breakfast dito sa kitchen ng dumating si Jei jei.

Umupo siya sa tapat ko.

"Anong niluluto mo dada?"

"Hmm, brunch anak. Kumain ka na?" medyo late na kasi almost 10 am. Kaya naisip ko brunch na lang ang iprepare. Tulog pa sila Jema, wala namang pasok si Jerri.

"Why? Tulog pa sila mommy?"

"Yes. She waited for you last night. Pati yung mga kapatid mo."

"I'm really sorry dada. Di ko namalayan yung oras kagabi."

"It's okay, Jei. Kinain din naman nila Jerri yung food last night. Upo ka lang dyan, mabilis lang tong food."

Toast, pancake at vegetable salad lang naman tong piniprepare ko.

"I'm okay dada, wala din akong gana. Para akong susuka na ewan." tatayo na sana si Jei jei pero pinigilan ko siya.

"Wait. Dyan ka lang. Mukhang napadami ka ng inom ah?"

Yung itsura niya parang takang taka pa.

"Hey, okay lang yan anak. Alam ko yung mga ganyan. Hangover lang yan. Sige na umupo ka dyan. Gagawa ako ng coffee for you."

"Iced dada please. Sobrang dry ng lalamunan ko."

Eh pag bungad pa lang niya sakin kanina dito halatang halata na yung hangover sa mukha niya.

"Okay okay... Kwentuhan mo ako kamusta yung celebration niyo kagabi?" tanong ko habang nakatalikod kay Jei jei. Gumagawa na ako ng iced coffee niya.

Ang pili pa naman ng batang to sa mga inumin, pareho sila ni Jerri. Siguro kay Jema nila namana yun.

"Nag celebrate lang kami dada. You know, food and drinks. Tapos kwentuhan."

"Kayo kayo lang? Parang ang boring naman kung kayo kayo lang."

"Kasama ko si Jen. Tapos may kasama din kaming ibang players from volleyball team."

"Oh si Jen. Your mom called her last night."

Binaba ko na sa harap niya yung iced coffee.

"And she went back to her dorm alone. So?"

"I told her na ihahatid ko na siya dada pero pag balik ko wala na siya. Sabi niya she's okay naman."

"Tinawagan mo ba siya kung nakauwi ba siya ng maayos?"

"I sent her a message. Pero di siya nag reply. Nakatulog na ko dada. Pag gising ko umuwi na agad ako dito."

"Call her..."

"Can I have my iced coffee first?"

"It's up to you son... Gigisingin ko lang sila sa taas."

"Okay, dada."

The truth is... Ako yung sumundo kay Jen last night.

Tawag ng tawag si Jema kagabi kay Jei jei pero di niya sinasagot. So, dahil student ni Jema si Jen mayroon siyang contact number nito, tinawagan na niya.

Dun namin nalaman na nakainom na nga si Jei jei at gusto siya ihatid nito. I told Jen na magkita kami blocks away sa bahay ng teammate ni Jei. Dun ko siya sinundo at hinatid sa dorm niya.

Buti na lang tinawagan siya ni Jema. Baka kung napano pa yung bata kung umuwi siya mag isa ng ganong oras. 

Kahit papaano nasasanay na din naman si Jema na ganito na yung set up sa bahay, hindi na laging nandito si Jei jei. May oras na ulit siya kina Jerri at Dani.

Pag baba namin kumakain na si Jei jei. Sinalubong agad siya ni Dani at Jerri. Yumakap naman agad siya kay Jema.

"Sige na, upo na lahat. Kumain muna tayo."

Inayos muna ni Jema si Dani bago siya umupo.

"Kuya, wala kang pasok?"

"Wala, Jerri."

"Bat parang wasted ka kuya? Naku, nag inom ka no?"

"Ewan ko sayo, kumain ka na nga lang."

Mag aaway pa atang tong dalawang to.

"How's your celebration last night anak?" tanong ni Jema habang inaayos ang pagkain ni Dani.

"Masaya po mommy. I'm sorry po, di ako nakauwi kagabi."

"It's fine anak." sabi lang ni Jema. Akala ko babanggitin niya pa yung kagabi.

"Kuya, kuya! Video greet mo mamaya yung kaibigan ko ah please."

"Ayoko nga, ano na naman yan."

"Sige na kuya, crush ka non eh hehe."

"Alam ko, you know, ganon talaga pag pogi haha."

"Kapal ah! Pero mamaya kuya ha?"

"Oo na... Sige na mamaya na lang."

"Yehey! Thank you kuya!"

Tahimik lang kaming kumain, si Jema busy sa bunso namin. Si Jei jei at Jerri phone ang kaharap habang kumakain.

"Love, aalis pala ako ah?" mag site visit kami ni Kim sa isang project namin.

"Oh? Weekend, love? May work ka?"

"Saglit lang kami. Magsasite visit lang, big project kasi to eh, kasama namin yung client."

"Sama ako dada!" sabi ni Jerri.

"Gusto mo sumama anak?"

"Yes, dada! Please, wala naman akong assignment."

"Sure, mag ayos ka na agad after kumain."

"Yehey! A day with dada again!" tuwang tuwang sabi ni Jerri.

"Sama din ako dada. I wanna see your office again. Ang tagal ko ng di nakakapunta don." Jei jei said.

"Tara, tara kuya! Sama tayo! Tas arcade tayo."

"Sige, tara!" nag apir pa silang dalawa.

"Aba, mukhang may chaperone ka ngayon love ah?" sabi naman ni Jema.

"Sama ka na din kaya love?" aya ko kay Jema.

"Tara mommy, sama ka na, kayo ni Dani." hinawakan pa ni Jerri si Jema para kumbinsihin.

"I'll stay here anak. May mga aasikasuhin ako eh."

"Sure, love? Ayaw mo talaga sumama?" well, kagabi pa nga may ginagawa si Jema, habang inaantay niya si Jei jei may ginagawa siya sa laptop niya eh.

"Sure, love. Kayo na lang, bring home something na lang for me and Dani, okay?"

"Okay mommy, kami ng bahala." sagot ni Jei jei.

Tinignan ko si Dani, di naman siya kumakain. Di ko na alam kung pancake pa ba yung nasa plate niya. Durug durog na to, pinaglaruan na niya.

"Love, si Dani..." turo ko kay Jema.

Napatingin din don sila Jei jei at Jerri.

"Naku anak..." pinunasan siya ni Jema at pilit sinusubuan pero ayaw na nito.

"Ayaw ata ni Dani ng food mommy..." sabi ni Jerri.

Umiyak na lang si Dani...

"Dani, di pwedeng iiyak lagi ah, di ka pa nakakakain oh.." saway ni Jema kay Dani.

"Akin na si Dani, love ako magpapakain..."

"Hindi na, Deanna. Ako na, sige na mag asikaso na kayo. Ako ng bahalang mag ayos dito."

Nagpaalam na sila Jei jei na mag aayos na.

"Baby, what's wrong? Bakit ayaw mo kumain?" tanong ko sa anak ko, umiiyak lang kasi to ng mahina, di siya nag sasalita.

"Sinusumpong lang to, love. Sige na ako ng bahala. Maligo ka na dun." sabi ni Jema sakin.

Parang ayoko tuloy umalis. Di naman ganito si Dani eh. Alam ko pag sinusumpong lang siya, eh ngayon ang tahimik lang niya, umiiyak lang.

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon