4

2.6K 101 43
                                    

"Hi, Jen. Nandito ka pala."

"Sabi ni Aaron nandito ka daw. Kamusta tryout?"

"Nakuha ako, Jen!"

"Wow, congrats, Jei!" agad yumakap si Jei sa babae.

"Huy, pawis mo naman, Jei."

"Ay, sorry.. Shower lang ako saglit, Jen. Wait for me ah? Celebrate tayo, treat ko!" at ninakawan ng halik sa pisngi si Jen, saka patakbong umalis.

"Hoy! Magnanakaw!"

"Sorry, babe! Hehe.."

"Babe mo mukha mo! Bilisan mo maligo."

"Sure!"
.
.
.
.
.
"Jen, anong gusto mo o ako gusto mo?"

"Ang kapal ah. Grilled burger na lang sakin at chocolate shake please."

"Sure, babe. Upo ka na dun ako na oorder."

"Maka-babe naman. Wait kita dun ah. Dun sa may window side."

"Okie dokie, mwaaahh! Hehe."

"Puro ka biro, sige na."

Pagkatapos umorder sumunod na siya kung saan umupo si Jen.

"Here's our food! Let's eat nakakagutom."

"Jei, buti pinayagan ka na ni doc sa tryout? Di ba sabi mo ayaw niya."

"Well, kinausap siya ni dada. Napapayag naman pero katakot takot na bilin muna ang nangyari."

"Worried lang yun sa studies mo syempre. Wag mong papabayaan yung pag aaral mo naku."

"Syempre naman, pareho kaming lagot ni dada pag nagkataon hehe. Kamusta pala subject mo kay mommy?"

"Okay naman. Magaling siyang magturo kaso ang strikto ni doc. Daming pinapagawa. Saka konting mali lang ganon, kulang ka lang ng isang word sa quiz, mali na agad."

"Mommy talaga. Mag aral ka na lang mabuti sa kanya."

"Pero infairness magaling talaga si doc, dami niyang shini-share samin lalo na yung mga natutunan niya nung resident training niya sa ibang bansa."

"Ah yun, kinuwento din niya sakin yun."

"Galing niya, Jei. Imagine natanggap siya dun, gusto ko din non. Idol ko si doc, gusto kong maging katulad niya in the future."

"Yeah, right... Madami ka ding sacrifices na gagawin para marating yun."

"Wala man lang suporta dyan, Jei? Ayaw mo bang maging tulad ng mommy mo?"

"Wala naman akong balak pumunta ng ibang bansa para lang sa isang training na pwede ko naman makuha din dito di ba?"

"Ano ka ba, iba pa din yung training sa ibang bansa madami kang matututunan. Maganda sa resume mo yun."

"Basta ayoko. Di naman ako katulad ni mommy, kaya niyang iwan lahat para sa pangarap niya non."

"Ang lalim ah, may pinaghuhugutan ka?"

"Wala ano ka ba, sinasabi ko lang na di ako katulad ng mommy ko. Bakit ikaw ba, kayang mong iwan lahat dito ha?"

"Depende. Kung one time opportunity yun, why not di ba? Minsan lang ang mga ganong opportunity."

"Same kayo ni mommy. Di ko siguro kaya yun, yung may iiwan akong tao dito na walang ginawa kundi suportahan ako tapos iiwan ko lang basta basta."

"Teka nga, ang seryoso mo naman. Sinasabi ko lang na idol ko mommy mo lalim na ng mga hugot mo."

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon