24

422 30 15
                                    

D

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa ospital. Halos paliparin ko na ang sasakyan kanina makarating lang agad.

I received a call from Jia at around 2 AM. Naka ilang missed call na pala bago ko ito nasagot. Ang sabi lang niya, pumunta agad ako sa ospital, di na ko nagtanong, alam kong may nangyari sa boses palang niya.

Tumawag agad ako sa mga kaibigan ko dahil hindi ako makaalis dahil walang bantay kina Jerri at Dani. At himala,gising silang lahat. Nag volunteer silang 3 na mag bantay, pero sabi ni Kim siya na lang dahil may meeting nga itong si Trish at Kat bukas.

Pagdating ni Kim, umalis na agad ako. I told her na wala munang sasabihin kina Jerri. Sa ER ako pinadiretso ni Jia.

"What happened, Jia? What happened?"  tanong ko pagkakita kay Jema sa isang bed na walang malay.

"Jema is okay, Deanna." sobrang blanko pa din ng mukha ni Jia.

"Anong okay? Eh bakit walang malay si Jema dito?"

"It-It's Jei jei."

"Jei jei?"

"We had mass casualties, Deanna. Kasama si Jei jei sa aksidente."

Para akong nabingi sa narinig ko. Inulit ulit ko pa to kay Jia itanong kung sigurado ba siya na si Jei jei yun.

"Where is my son, Jia? Nasaan siya?"  hindi ko na alam ang mararamdaman halos hilahin ko na si Jia para dalhin ako kung nasaan si Jei jei.

"Deanna, please, calm down. Nasa OR pa si Jei jei." biglang may lumapit kay Jia.

"Doc, another patient, please, we need your assessment."

Jia looked at me with a blank face.

"I'll keep you updated, Deanna. Stay with Jema." tapos tumakbo na siya  kasama yung doctor na lumapit sa kanya.

Bumalik ako sa tabi ni Jema. Saka ko lang napansin na ang daming tao pala dito sa ER. Sobrang ingay, sobrang gulo.

Biglang nagising si Jema at bumangon, parang di niya ko napansin, umalis siya agad at sinundan ko.

"Jema, wait." napalingon siya sakin at lumapit.

"Love? Deanna? Anong ginagawa mo dito?" niyakap ko lang siya agad.

"Jia called. Pumunta agad ako dito, as fast as I can, Jema. Don't worry, nasa bahay si Kim kasama nila Jerri."

"Love, si Jei jei." and there, umiyak na siya. Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.

"I know. I'm just here, love."

Nang mahimasmasan na si Jema, kumalas siya sa yakap ko at inayos ang sarili niya.

"They need me here. Dyan ka lang, Deanna. Hintayin mo ang update ni Jia."

Parang walang nangyari. Bumalik siya sa nagkakagulong ER. Naiwan ako dito sa waiting area.

Paano nakakaya ni Jema to? Ang hirap pala maging doctor. Hindi ko kaya ang ginagawa ni Jema at Jia. Mag bbreakdown ako, di ko ata kaya na mag asikaso ng pasyente lalo kung alam kong kailangan din ako ng anak ko.

------

"Deanna? Love? Wake up."

Napatayo ako bigla. Nakatulog pala ako.

"Jema, love. How's Jei jei? Nakalabas na ba siya?"

"Hindi pa love. Pero tinawagan na ako ni Jia, nasa recovery room na daw. Lika na, lipat ka na sa room ni Jei jei, nakapag book na ko ng room niya sa taas."

Habang naglalakad kami di ko mapigilan ang sarili ko na tanungin si Jema. Sobrang kalmado niya kasi tapos heto ako di ko maintindihan ang mararamdaman ko.

"Jema?"

"Yes, love?"

"Okay ka lang ba?"

"Oo naman, Deanna. Kung iniisip mo kung bakit ganito ako. I have no choice, kailangan din nila ako. I know Jei jei is in good hands. I know all his doctors, magagaling sila."

Napabuntong hininga na lang ako. Ganito pala sa profession na to. Hindi ko to kaya. Huminto kami sa isang room at unang pumasok si Jema.

"Dito ka muna, love. Rest. I'll check Jei jei, babalik ako." tapos umalis na siya.

Naninibago ako kay Jema. Ganito ba siya dito sa ospital? Ngayon ko lang naman talaga siya nakita na as doctor dito, literally, doing her job. Pag pumupunta ako dito, di ko naman  siya nakikita with a patient o literal na nagwowork tulad ngayon.

Parang wala silang time to attend to their feelings. Like, duguan o agaw buhay yung pasyente kanina biglang okay next patient.

Haaaayyyy...

Please be okay, Jei. Please.

----------
🙋
Hi guys,
Stay safe and dry everyone.
How's the weather in your area?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon