13

2.3K 112 15
                                    

Jei

On the phone

"Where are you, Jen? Kanina pa ko naghihintay sayo."

"Jei, sorry. Sige na mauna ka ng mag lunch. Di pa ko makaalis dito."

"Nasaan ka ba kasi?"

"Nandito nga sa mall, kasama mga kaklase ko."

"Nandyan ka pa? Kala ko ba aalis ka na para sabay tayong kakain."

"Eh ayaw pa nga nila bumalik, wala na kasi kaming klase. Mamaya na lang tayo magkita after class mo."

"Wag na, diretso training na ko after class."

"Kala ko ba wala kayong training?"

"Meron na, kakasabi lang ni coach sa gc namin kanina. Sige na, kakain na lang ako mag isa."

"Sorry babe, bawi ako sayo. Text me ha? Bye.."

"Yeah, sige na bye."

Haaayyy.. Kanina pa ko naghihintay dito sa labas ng carpark, gutom na gutom na ko, di naman pala dadating si Jen. Wala tuloy akong kasabay mag lunch pinauna ko na si Aaron kanina.

Where to eat??? Ayoko na dito sa loob ng school, sawang sawa na ko sa mga pagkain dito. Lumakad na lang ako palabas ng school. Sa labas na lang ako maghahanap ng makakainan.

"Kuya Jei..." what? Ako ba yung tinatawag? Pag lingon ko sa likod ko si Elle pala. Huminto ako sa paglalakad.

"Kuya Jei, saan ka pupunta?" tanong niya pag lapit sakin.

"Hi, Elle. Maghahanap ng kakainan, di pa ko kumakain eh."

"Ako din, Kuya Jei. Pwede sumabay? Kanina pa ko naghahanap ng makakainan eh."

"Sure. Pero bakit mag isa ka lang? Delikado dito mag isa."

"Pinalabas ako ng guard kuya eh."

"Grabe yung kuya. Jei na lang please. Tara dun tayo. Sakto may kasabay na ko. Food trip tayo mamaya pa klase ko ulit."

"Yey! Gusto ko yan."

----------

J

"Doc.. Hanap niyo po si Jei?" si Aaron agad ang bumungad sakin sa entrance ng gym.

"Yes, tapos na training niyo?"

"Kanina pa po doc. Wala na si Jei dito, umalis agad. May kasama po."

"Oww, okay. Thanks, Aaron." lumabas agad ako ng gym.

I checked my phone at may message nga si Jei jei sa akin, nasa Starbucks siya. Dun ko na lang siya susunduin, parang gusto ko din magkape.

Pag park ko sa harap ng Starbucks hinanap ko agad si Jei jei sa loob. And to my surprise, kasama niya yung anak ni Adi. Magkatabi pa sila sa upuan at parang may pinapanuod sila sa phone ni Jei jei.

Umorder muna ako ng kape ko bago lumapit sa kanila. Hindi nila ako napansin agad hanggang sa mag angat ng ulo si Jei jei.

"Mommy, you're here na pala." umupo ako sa tapat nila.

"Hello po tita.." bati sakin ni Elle.

"Mommy, kain.." inurong ni Jei sa harap ko yung slice ng cake.

"Sige anak. Elle, nasaan mama mo? Gabi na baka hinahanap ka na niya."

"Mommy, ipinaalam ko na siya kay tita Adi kanina, sabi ko ihahatid natin siya pauwi." si Jei ang sumagot.

"Oh, good, good.. Gusto niyo mag dinner na bago umuwi?" aya ko sa kanila.

"Elle ano? Tara dinner tayo kasama si mommy.." kailan pa naging close tong dalawang to? Ang inaasahan ko pa naman si Jerri ang makakaclose ni Elle.

"Sige, dinner po tayo. Alam naman po ni mommy na kasama ko po kayo." sagot ni Elle.

"Yes! Tara mommyyy! Dinner tayo." ngayon ko lang nakitang ganito kaexcited si Jei.

"Okay, ubusin niyo na yung drinks niyo. Dinner tayo sa labas. Ano bang gusto niyo?"

"Elle, anong gusto mo? Gusto mo ng pizza at pasta? Parang nag ccrave kasi ako non." tanong ni Jei jei kay Elle.

"Sige, Jei yun na lang. Kahit ano naman okay lang sakin." sagot nito.

"Pizza tayo mommy! Mag takeout na din tayo para kina dada."

"Okay anak. Let's go, para di tayo masyadong gabihin."

----------

🙋

Short update.

Bawi next time. 🙂

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon