8

2.2K 113 46
                                    

J

"Love para kang sira. Kanina pa ko nahihilo sayo, paikot ikot ka."

Kanina pa di mapakali si Deanna, sa kotse pa lang hanggang makauwi kami ng bahay.

"Nag aalala lang ako kay Jerri. Wala siyang kasama dun sa camping, di naman sanay yun ng wala tayo."

"Umupo ka nga dito. Kayang kaya na ng anak mo yun. Kaya nga sila magcacamping, para at least matuto silang maging independent."

"Bakit ba parang di ka nag aalala kay Jerri? Dapat talaga di na ko pumayag eh."

"Upo ka nga sabi dito sa tabi ko." aba ayaw umupo sa tabi ko, gusto pang hilahin ko paupo.

"Love naman eh.. Text mo sila mama sabihin mo tignan si Jerri dun." sabi niya pagkaupo sa tabi ko.

"Ang paranoid mo, Deanna. Hayaan mo na muna anak natin dun lagi mo na ngang kasama."

"Hay ano pa nga bang magagawa ko, nandun na si Jerri."

"Merienda na lang tayo gusto mo?" aya ko sa kanya.

"Sounds good love. Pero nasaan si Dani at Jei? Di ko pa sila nakikita simula ng dumating tayo."

"Wait, I'll ask nanay." oo nga, nasaan na ang panganay at bunso namin. Tulog pa sila pag alis namin, hapon na alangan tulog pa din sila.

Tinawag ko si nanay mula dito sa sala. Dumating naman siya agad.

"Nay, nasaan po si Dani at Jei jei?"

"Si Dani po ma'am nasa room niya po tulog po ulit. Si Jei po nasa room din po niya... May kasama po siya."

"Ha? Sinong kasama?" tanong ko. Tinignan ko si Deanna busy na siya sa phone niya.

"May dumating po na kaibigan niya ma'am. Babae po."

What?! Babae?!

"Ano? Kanina pa sila dun?!" oh, napalakas yung tanong ko. Nagulat ata si nanay. Napatayo na din ako.

"Love, anong meron?" tanong ni Deanna at napatayo na din.

"Kanina pa po ma'am. Sinabi ko naman po na magpaalam sa inyo ma'am pero sabi niya okay na daw po at pinagsarhan na ko ng pinto."

Arrggghhh!

"Okay sige nay, salamat. Deanna halika, samahan mo ko sa kwarto ng anak mo."

"Jema ano ba naman yan, kumalma ka nga." sabi niya habang paakyat kami.

"Kumalma? May kasamang babae ang anak mo sa kwarto, gusto mo kumalma ako?"

"Lalaki yung anak mo, walang mawawala sa kanya."

"Bakit ganyan ka mag isip ha, Deanna?"

"Basta kumalma ka. Mamaya magbuga ka ng apoy pag bukas pa lang ng pinto." nakakainis tong si Deanna.

Kumatok ako ng sunod sunod sa pinto ng kwarto ni Jei jei.

"Jema, ano ba. Ayusin mo."

"Wag mo kong pakialaman. Nakakainis ka na, Deanna."

Di na nakasagot si Deanna. Bumukas na yung pinto.

"M-mommy..."

"Yes, Jei jei. May kasama ka daw dyan sabi ni nanay?"

"Ang bilis niyo naman mommy.."

"Jei jei? Sinong kasama mo dyan."

"Ahhh, wait.. Jen..." agad na may lumapit na babae sa tabi niya.

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon