14

2.3K 102 26
                                    

Jei

"Good job, Wong. Pwedeng pwede na talaga kitang isalang next season." bungad agad ni coach pag lapit samin dito sa bleachers. Kakatapos lang ng training namin, nagpapahinga na lang kami.

"Thank you coach."

"Nakausap mo na ba parents mo about sa academics mo?"

"Yes, coach."

"Sige, uwi na agad pagkashower niyo ah, maaga pa ang training bukas."

"Opo, coach." sabay naming sagot ni Aaron at umalis na din si coach.

"Hoy, pati kay doc nagpaalam ka na ba ha?" tanong ni Aaron.

"Hindi pa. Magpapaalam din ako, humahanap lang tyempo. Next season pa naman yun."

"Kahit na, magpaalam ka na agad. Next sem daw lahat ng players sa dorm na mag sstay."

"Alam ko, sinabi na din ni coach sakin yan. May condi unit dito si mommy, ipagpapaalam ko naman yun."

"Sige, basta magpaalam ka na agad para wala ng problema."

"Oo na, tara mag shower na tayo. Baka mainip na sakin si mommy kakahintay sa coffee shop."

"Teka, si Andy yun ohhh.. Palapit dito satin." oo nga, si Andy, wala ng ibang tao dito sa gym kundi kami ni Aaron.

Inantay namin siyang makalapit samin. Player ng volleyball si Andy, 2nd year na siya. Nakilala ko lang siya dahil sa isang teammate namin.

"Hi, Jei. Tapos na training niyo?" kala ko kay Aaron siya lalapit sakin pala.

"Oo, Andy. Mag shower na lang kami tapos uuwi na kami."

"Jei, una na ko mag shower ah. Hi, Andy." paalam ni Aaron. Iniwan pa talaga ako ng mokong na to.

"Sige pre, sunod ako." sabi ko na lang at naiwan na kaming dalawa dito ni Andy.

"Hey, Andy gabi na ah. Bakit wala ka pa sa dorm niyo?"

"Nagdala ako ng food for you, here ohhh." tinaas niya yung dala niyang paper bag.

"Nakakagutom kaya after training, saka healthy to promise." dagdag pa niya.

"Thank you, Andy. Nag abala ka pa."

"Wala yun, basta para sayo."

"Ah, shower lang ako saglit tapos kung gusto mo sa labas natin kainin yung dala mong food?" nakakahiya namang tanggihan yung dala niya, lagi siyang nagdadala nito sa training namin.

"I like that, Jei. Wait kita dito. Take your time."

"Okay, I'll be quick." tumayo na ako at nagmadaling pumunta sa shower room.

Pag pasok ko, nagbibihis na si Aaron.

"Nice one dude. Lakas talaga sa mga chicks. Si Andy na talaga lumalapit sayo ah."

"Gago ka talaga. Alam mo namang may girlfriend ako di ba."

"Di naman malalaman ni Jen. Satin satin lang dude hahaha. Ganda kaya ni Andy, daming naghahabol dyan pero ikaw pa nilalapitan."

"Ewan ko sayo, sige na magshower na ko. Samahan mo muna yun sa labas. Dali na."

"Naku, saan naman kayo pupunta ha? Magdadate na naman kayo!"

"Gago hindi. Kakain lang kami."

"Good luck, wag kang magpapahuli hahaha." babatuhin ko pa sana si Aaron pero tumakbo na siya palabas.

Binilisan ko lang mag shower, nakakahiya naman sa naghihintay sakin. Pag balik ko kay Andy, naabutan ko sila ni Aaron na nag uusap.

"Uy dude, uwi na ko. Ingat kayo ah." paalam ni Aaron.

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon