6

2.2K 110 46
                                    

J

"Mommy sama po ako sa camping namin please..."

"Okay sige anak magpaalam muna tayo kay dada ha."

"Ikaw na lang mommy, pipirma lang naman sa waiver mommy."

"Okay okay, pero need pa din natin sabihin kay dada mo."

"Di naman siya payag mommy. Sinabi ko na kay dada yun sabi niya di daw po pwede."

"Eh ayaw naman pala ng dada mo anak. Sige na, kuha ka na ng mga gusto niyong food, dun lang ako sa meat section."

Si Jerri lagi ang kasama ko pag mag gogrocery. Weekend ngayon pero may work si Deanna, may training si Jei jei. Half day lang naman sila, so, I told them na umuwi na ng before lunch.

"Pero mommy, lahat ng friends ko sasama ako lang hindi."

Anong gagawin ko? Di naman pala pumayag si Deanna, pagdating kay Jerri siya talaga yung may last call, lagi ba naman silang magkasama.

"Saan ba yang camping niyo?"

"Sa Laguna po mommy. Please mommy, papayagin mo si dada."

"Sige, kakausapin ko siya mamaya."

"Yehey! Thank you mommy. I love you!" yumakap at humalik pa sa pisngi ko si Jerri.

"Oh tama na, sige na kuha ka na ng pagkain niyo ng mga kapatid mo. Wag mong kakalimutan yung bilin sayo ng kuya mo ah."

"Yes mommy..."

----------

D

We're on our way home, pagkatapos ko sa opisina sinundo ko naman si Jei jei sa school niya.

"Kamusta naman ang training mo anak?"

"Nakakapagod po dada pero masaya."

"That's good to hear anak. Buti naman at nag eenjoy ka, yung pag aaral mo kamusta? May girlfriend ka na ba ha?"

"Dada naman.. Okay po studies ko."

"Ano nga? May girlfriend ka na ba? O kaya crush hehe. Imposibleng wala."

"Wala akong crush dada, wala din po akong girlfriend. Pero..."

"Sige ano yang pero mo.."

"Magpromise ka muna dada na satin lang to, di mo sasabihin kay mommy."

"Ay naku, parang di ko maipapangako yan ah hehe."

"Dada naman...."

"Oh siya sige, promise satin lang to. May girlfriend ka na no?" naku, naku, napasubo pa ata ako sa promise promise na to ah.

"Wala pa dada."

"Aba aba, wala PA? Ibig sabihin.." natatawa ako sa anak ko parang nahihiya pa siyang magsabi.

"May gusto akong babae dada. I'm courting her pero mukhang ayaw pa niya. Sabi niya mag aral daw muna kami."

"Tama naman siya anak. Mag aral muna kayo, gawin niyo na lang munang inspirasyon ang isa't isa."

"Ano pa nga bang magagawa ko dada." bigla namang tumamlay ang boses nito ni Jei jei.

"Relationship can wait naman anak."

"Parang kayo ni mommy ganon ba yun dada?"

"Parang ganon na nga, Jei jei."

"Inantay mo nga si mommy pero iniwan ka pa din niya non dada."

"Iba naman yung amin anak. Saka bumalik naman mommy mo non."

"Di ka naman hinanap ni mommy non dada. Nagkita lang kayo non."

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon