11

2.3K 118 34
                                    

D

"Love, kamusta? Ginabi ata kayo ni Jei?" tanong ni Jema pag higa sa tabi ko.

"Oo nga love eh, natraffic kami pauwi."

Pero ang totoo, umikot pa talaga kami ni Jei jei sa mga lugar kung saan madalas kaming magpunta ni Jema noon.

"Nakausap mo ba ang anak mo?"

"Yes love. Nagka usap na kami."

"Anong sabi niya?"

"Hindi ka pa ba niya kinakausap love?" ang sabi ni Jei kakausapin niya ngayon ang mommy niya. Pero sa mga tanong ni Jema sakin ngayon parang di naman sila nagkakausap pa.

"Hindi pa love. Nag asikaso din ako kay Dani pagkatapos natin mag dinner kanina."

Oo nga pala, sinusumpong ang bunso namin kanina, ayaw na bitawan si Jema.

"Alam mo nagmana sayo ng topak si Dani haha iyakin eh." biro ko kay Jema.

"Sayo lang naman ako naging iyakin." sabi niya at tumalikod sakin.

Oww, nagiging moody tong si Jema, ang bilis na mainis kahit simpleng pang aasar ko lang.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

"Love bakit ba ang bilis mo na mainis ngayon?" lambing ko sa kanya.

"Ang seryoso kasi ng sinasabi ko tapos bigla kang magbibiro. Nakakapagod kaya ang ginagawa ko kung alam mo lang."

"Sorry na love. Nagbibiro lang naman ako."

"Deanna, i-enroll na kaya natin sa school si Dani? Para naman matuto ng makipagkaibigan yung anak mo. Nagiging masyadong dependent. Konting bagay lang iiyak."

Humarap sakin si Jema. Alam ko na pag ganito siya, seryoso talaga ang sinasabi niya. Gusto niya na mag decide kami pareho.

"4 years old pa lang si Dani. Effective pa naman ang homeschooling sa kanya." sagot ko.

"Hay, alam mo ba kung ilang beses na siyang nagpapasok ng pusa dito sa bahay? Ang hirap niyang sawayin, umiiyak agad. Ikaw kasi eh, masyadong spoiled sayo yung bata."

"Ako ng bahala kay Dani, kakausapin ko siya. Nakikinig naman sakin yun."

"Sayo nakikinig, sakin hindi." napabuntong hininga si Jema.

"Ano bang problema, Jema?"

"Nadidisappoint ako sa sarili ko. Nasaan ba ako nung lumalaki sila? Ang alam ko kasi nandito naman ako, kasama nila lagi kahit halos hatiin ko na ang sarili ko sa trabaho at pagiging mama nila. Pero bakit pakiramdam ko palayo ng palayo ang loob nila sakin habang lumalaki sila?"

Malungkot na naman ang mga mata ni Jema, bagay na iniiwasan kong maramdaman niya. Simula nung araw na tinanggap niya ko ulit, pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko na hahayaang maging malungkot siya, pero heto at nakikita ko na naman ang malungkot niyang mga mata.

"Sa akin sila malapit, Jema. Mas sumusunod sila sakin, mas pinapakinggan nila ako. Ako na naman ang dahilan kaya malungkot ka. I'm sorry, Jema. Ano bang gusto mong gawin ko?"

----------

J

Hindi naman ito ang gusto kong iparating kay Deanna. Oo, nalulungkot ako kasi sa kanya malapit ang mga anak namin pero hindi naman ibig sabihin non siya ang may kasalanan.

"Bakit ka ba nag sosorry love? Wala ka namang kasalanan kung sayo sila malapit. Alam ko namang masyado akong mahigpit pero para naman sa ikabubuti nila yun."

"Ayaw ko lang na nalulungkot ka love."

"Gusto ko lang maging malapit din sila sakin. Katulad ng pagiging malapit nila sayo."

"Ang sunget mo kasi love hehe. Ganyan ba pag tumatanda na?" aba, aba tong si Deanna. Nasa mood na naman mang asar.

"Hoy, hindi lang ako ang tumatanda dito, ikaw din!"

"No, no, no, love. I still look young, at syempre young at heart din. Swerte mo love sakin, ang bata ko tignan hehe." yumakap siya sakin at hinalik halikan ako sa pisngi, kiniliti kiliti pa ko.

"Ahhh! Ano ba, Deanna Wong! Tumigil ka na!"

"I miss you love! Love you po." aba ang lambing nito ngayon ah.

"Aba, ang sweet mo ngayon ah, may kasalanan ka, Deanna Wong no?"

"Grabe ka naman sakin love. Pag malambing may kasalanan agad? Di ba pwedeng namiss kita?" di ko mapigilang mapangiti, ang cute lang niya magtampo.

"Cute mo!" pinisil ko ang pisngi niya.

"Awww love.." hinimas himas pa niya yung kinurot kong pisngi niya.

"Kamusta sa trabaho mo pala love?" ang tagal na nung huling beses akong nakapunta sa opisina nila.

"Ayun busy lablab. Oo nga pala love, may conference kami sa Davao next weekend, sama ka please." lambing niya sakin.

"Naku love.. Medyo busy sa school mag pprelims na eh."

"Gawa ka na agad ng mga exams mo, weekend naman yun love please... Para naman masolo kita, ang tagal na nating di nagbabakasyon na tayong dalawa lang. Tawagan natin si Mafe o mama para sila muna magbantay dito."

"Akala mo naman papayag yung bunso natin na pareho tayong wala ha?" si Dani pa naman napaka iyakin, lalo pag gabi na wala pa din si Deanna.

"Sila mama ng bahala dun hehe. Please please, love.."

"I will try love."

"Yes! Try mo love ah!"

"Opo, naku sobrang excited mo ah wala pa nga."

"Alam kong di mo ko matitiis love. Masosolo na kita sa wakas!"

Nagkukulitan pa kami ni Deanna ng may kumatok sa pinto. Bumangon agad ako at binuksan ang pinto.

"Mommyyyy..." si Dani, at parang konti na lang iiyak na. Umupo ako para magpantay kami.

"Yes, baby? What happened?"

"Mommyyy, look.. It's painful.." pinakita nito sakin ang braso niya. Ano to? Bakit ngayon ko lang napansin to? Ako pa nag ayos sa kanya sa higaan niya kanina. Merong mga kalmot yung braso niya, yung isa ang lalim pa.

"Anong nangyari dyan baby?" lumapit na din si Deanna samin.

"I thought kitty was my friend but she did this to me mommyyyy..." tuluyan na ngang umiyak si Dani at yumakap sakin.

Binuhat ko siya at sinubukang patahanin.

"Love, bihis ka. Punta tayo sa ospital." sabi ko kay Deanna.

"Wait, ospital? Kalmot lang naman yung nasa braso niya, Jema. Gamutin mo na lang kaya?"

"Ano ka ba, kinalmot ng pusa si Dani. Di pa naman natin alam kung saan galing yung pusa. Sige na, bilisan mo."

Nagmadali na kami ni Deanna, pag labas namin ng kwarto nasalubong pa namin si Jerri at Jei jei na paakyat.

"Mommy, saan kayo pupunta?" tanong ni Jerri.

"Dyan muna kayo, dalhin lang namin sa ospital si Dani. Nakalmot siya ng pusa." si Dani di na kumikibo habang karga ko, ang tamlay tamlay.

"Sama kami mommy.." sabi naman ni Jei jei.

"Sige na, sige na. Sumama na lahat, bilis na. Sa kotse na lahat." pagmamadali ni Deanna. Tuwang tuwa naman sila Jei jei na tumakbo sa garahe.

May unexpected night visit na naman kami sa ospital. Bakit ba kung kailan gabi saka may emergency ang mga anak namin? Naku, di talaga pwedeng walang maiiwan kahit isa samin ni Deanna sa bahay.

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon