21

1.1K 36 10
                                    

D

"Ohhh, kasama pala mga inaanak ko ah. Ano to, bantay ba kayo ng dada niyo?" bungad ni Kim pagkakita samin dito sa parking ng site.

Nilapitan agad siya ni Jei jei at Jerri, yumakap agad ang mga to kay Kim.

"Ang laking tao ni Jei, Deanna ah?" sabi ni Kim habang naglalakad kami papasok ng building.

Nauna na kami ni Kim papasok, bumalik yung dalawa sa kotse dahil may naiwan ata tong si Jerri.

"Kanino pa ba magmamana, Kim? Eh di sakin. Pati kapogian sakin nakuha."

"Deanna grabe, di na tayo college hoy! Ipapaalala ko lang sayo."

"Pero mukha pa din akong 22 lang oh hahaha."

"Sira! Haha, sumbong kaya kita kay Jema?"

"To naman! Di na mabiro. Nasaan na ba yung client natin?" nakaakyat na kami 5th floor. Eto kasi yung floor na iikutin namin dahil magiging office at personal space ng may ari tong buong floor.

"Teka, last message sakin malapit na eh." sabay kuha ni Kim ng phone niya sa bulsa.

----------

Jei

"Para phone lang, Jerri. Pwede naman pag balik natin sa kotse. Ang init init oh."

"Arte mo kuya ah. Para kang di nag ttraining sa basketball ah."

"Yun na nga, di ako nag ttraining ngayon. Di ba makakapag antay yang boyfriend mo ha? Sumbong kita kay dada talaga!"

"Kuya naman eh! Nakakainis ka! Anong boyfriend pinagsasabi mo?!"

"Eh bat di makapag antay yang phone mo ha?"

"Hello, kuya Jei jei? Kakabili lang ni mommy non sakin, mamaya mababad un sa loob ng car ni dada masira pa."

What??? New phone?

Kaya pala kanina pa ko nagtataka, akala ko nag palit lang ng case si Jerri, midnight blue na kasi yung phone niya.

Ang dayaaaaaa...

"Hoy! Bakit di mo sinabi na bibili ka?"

"Wala ka kaya sa bahay lagi. Malay ko bang ibibili ako ni mommy, biglaan lang yun eh."

"Sana chinat mo ko, di ba..."

"Busy ka sa training kuya, ewan ko sayo, gulo mo. Eh di magpabili ka kay dada."

Pag open namin ng kotse, kinuha agad ni Jerri yung phone niya.

Bago nga! Eto yung gusto kong kulay eh.

"Patingin nga!" inagaw ko bigla yung phone niya.

Aba! Eto yung pro version ah. Lakas naman nito ni Jerri!

"Kuya naman eh! Pag yan nahulog!"

Hahaha di niya maabot sakin yung phone niya, parang bata! Hahaha..

"Ang daya niyo ni mommy ah. Ako yung nakapasok sa final 4, ako walang new phone."

"Dalasan mo kasi umuwi kuya haha."

"Oh eto na phone mo!"

Haha nakakatawa yung itsura ni Jerri, grabe ah pinunas punasan pa yung phone niya.

----------

D

Ang tagal naman ng dalawang yun, nakababa na kami kasama yung client dito sa ground floor. Tapos na kami, wala pa sila.

"Thank you, sir Arnold." magkasunod naming sabi ni Kim sa client namin. Nakipag kamay din kami.

"Di talaga ako nagkamali na kunin kayo sa project na to. Maayos ang gawa at on time."

"Yun naman ang top priority namin sir." sagot ni Kim.

"Alright, sa mga susunod na buwan magkikita ulit tayo."

Natanaw ko na si Jei jei at Jerri na naglalakad papunta samin, may kasama silang babae.

"Dad... I met them sa Lawson." sabi nito, sila Jei yung tinutukoy niya.

"Ah, sir... This is my son, James and my daughter, Jerri."

"Oh wait, I know you." tukoy ni sir Arnold kay Jei jei at medyo naging seryoso ang mukha nito.

"Engineer, is this your son?" biglang baling sakin ni sir Arnold.

"Ah, yes, sir. He's a varsity player sir, baka kaya pamilyar sa inyo." sabi ko na lang, ewan ko pero bakit parang kinakabahan ako sa patutunguhan ng usapan na to.

"Basketball or boxing, iho?"

Si Jei jei salubong na yung kilay, hindi na maintindihan yung itsura.

"Naku, iho. Ang basketball, basketball ha? Yung bola sa ring yun binabato, hindi sa mukha ng kalaro mo ha?"

"Dad, stop it..." pigil ng anak nito. Ang sarcastic na kasi niya kay Jei jei.

Medyo naiinis na din ako, di ko alam kung saan siya nanggagaling.

"I'm sorry sir, but, is there a problem here po ba with my son?" tanong ko.

Syempre di ako papayag na ganito niya lang pagsasabihan ang anak ko, eh ngayon nga lang namin siya nakita lahat. Palaging yung assistant niya ang namemeet namin.

"Sige na, engineer. Uuna na kami." yun na lang ang sinabi ni sir Arnold tapos sumakay na sila ng anak niya sa kotse na kadadating lang sa harap namin.

"So, ano yun???" tanong agad ni Jerri nung wala na sila sir Arnold.

"Kilala mo ba yun, Jei jei?"

"Hindi po dada."

"Okay, okay, everyone, kumain na lang tayo. Dun natin pag usapan yan." aya ni Kim samin.

"Sige, Kim. Dun tayo sa dati ah, kita na lang tayo don."

"Let's go, Jerri, Jei jei."

Ano kayang meron? Di ko talaga alam yung tinutukoy ni sir Arnold. Client pa naman namin siya.

Kailangan kong malaman kung anong meron, ayokong maapektuhan yung kontrata namin sa kanya.

If It's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon