"Jei, bakit nandito ka?"
"What? Tabi ka dyan, Jen. Nagpapractice ako." tuloy lang sa pag bato ng bola sa ring si Jei jei kahit nasa gilid na niya si Jen, sinusundan siya.
"Bakit wala ka sa room niyo? Pinuntahan kita dun. Di ka daw pumasok sabi ni Aaron."
"Wala talagang kwenta yun si Aaron. Napakasumbungero!"
"Ano ba, Jei?!" tinapik ni Jen ang bolang hawak ni Jei.
"Ang kulit mo, Jen! Sabi ng nagpapractice ako di mo ba nakikita?!"
"Sagutin mo ko. Bakit hindi ka pumasok? Ha?"
"Wala ka ng pakialam dun." lumakad palayo si Jei at kinuha ulit ang bola.
"Jei jei! Ano ba?! May pakialam ako kasi girlfriend mo ko. Tama na yan, akin na yang bola na yan!"
"Ano ba, Jen? Bakit ka ba nandito ha?"
"Magpalit ka ng damit, may pasok ka pa. Bilisan mo, anong oras na."
"Inuutusan mo ba ko?"
"Oo! Kaya magpalit ka na, may pasok ka pa."
"Ayokong pumasok."
"At bakit ha? Lagot ka sa mommy mo."
"I don't care. Hindi naman niya malalaman unless sasabihin mo."
"Pag hindi ka pumasok, isusumbong talaga kita kay doc."
Napahinto si Jei jei sa ginagawang pagpapractice, binato niya ng malakas sa harap ni Jen yung bola.
"Subukan mo talaga, Jen!"
"At anong gagawin mo ha, Jei?"
"Arrrgghhhhh! Pareho lang kayo ni mommy! Masyadong nakikialam sa buhay ko."
"Concern kami sayo, Jei. Ano bang nangyayari sayo, ha?"
"Wag niyo kong pakialaman!"
"Mahal ka namin. Kaya ganito kami sayo."
"Sobra na, Jen. Ginagawa niyo kong parang bata. Hello, hindi ako kasing bata ng bunsong kapatid ko."
"Magbihis ka na please naman, Jei. Pumasok ka please."
Napabuntong hininga na lang si Jei. Niyakap naman siya ni Jen.
"Sorry, Jen. Pressured lang ako. Alam mo namang ang higpit lalo ni mommy sakin nung malaman niyang tayo na. Tapos nappressure pa ko kay coach, gusto kong mapasama sa team A."
" Pero hindi naman ang pag absent mo sa mga klase mo ang sagot dyan, Jei. Tandaan mo nangako ka sa parents mo na di mo pababayaan ang studies mo."
"Alam ko naman. I'm sorry. Sige na, magpapalit na ko."
"Okay, bilisan mo, male-late ka na."
----------
J
Nakiusap sakin yung co-faculty ko kung pwede akong mag sub muna sa klase niya, may emergency lang siya for today. I said yes, of course. Wala naman na akong gagawin kundi hintayin si Jei jei na makauwi.
"Hi, I'll be your substitute professor.. So, I'm Doctor---" napatingin ako sa likod ng bumukas ang pinto nito.
Si Jei jei.. Napahinto pa siya pagkakita sakin sa harap. Klase pala ni Jei to, di ko naman tinignan na yung attendance na binigay sakin.
Tinignan ko pa yung relo ko, late na siya ah. Saan galing to? Yumuko lang siya hanggang sa makaupo siya, nakita kong tumabi siya sa lagi niyang kasama na kaklase niya.
BINABASA MO ANG
If It's Love
FanfictionIf it's love And we decide that it's forever No one else could do it better... So, what now? Now that they finally have the family they dreamt of.