D
"Dada... What brought you here, da?"
"Namiss ko tong school namin ng mommy mo."
"Dada? I know you. Yung totoo? Bakit nga dada?"
"Busy ka ba?"
"Hmmm, mamayang hapon yung training namin dada. Wala na din akong klase, yayayain mo ba kong mag lunch dada?"
"Sana. Treat ko, okay lang ba anak? O may date ka?"
Umakbay sakin si Jei jei at ngumiti.
"Yes, dada, may date ako! I'll date you. Tara sa labas dada, may alam akong chicken wings, masarap dun! Treat ko na!"
Ayos! Binatang binata na talaga ang datingan nitong si Jei jei. Halos hanggang balikat na lang din niya ko sa tangkad.
Tama talaga na ipursue niya yung basketball pero kailangan ko siyang makausap gaya ng sabi ni Jema, the reason I am here.
Umakyat kami ng overpass at pumasok sa isang building.
Tapos umakyat kami sa parang foodcourt nitong condo, marami palang kainan dito.
"Dada, upo ka muna. Oorder lang ako."
"Sige anak, hintayin kita dito."
Chineck ko muna ang phone ko, may message si Jema. Ang sabi niya lang tawagan ko siya agad pagkabasa ko ng message niya.
Unang ring palang sinagot na niya agad.
"Love, I can't make it to school. May emergency procedure ako. Can you wait for Jei jei? Baka gabihin na ko dito sa ospital eh."
"Sure love. Hintayin ko na si Jei jei."
"Paano si Jerri?"
"Susunduin ko muna siya, tapos babalik na lang kami dito."
"Okay love. Dumaan ka pala sa grocery love ha, I'll send you the list. Then, tawagan mo si nanay ipaalala mo yung vitamins ni Dani, medyo makakalimutin na kasi."
Habang nagbibilin si Jema, iniisa isa ko din sa isip ko lahat ng sinasabi niya.
"Okay love, okay. Ingat ka dyan."
"Kasama mo na ba si Jei jei?"
"Yes po, nag oorder lang siya."
"Kausapin mo love ah, please."
"Yes baby, don't worry na. Mag focus ka na dyan."
"Okay, wait. May nakalimutan ba ko?"
"Hmmm, yung kiss ko hehe."
"Loko ka talaga love. Sige na, mamaya na lang. Ingat kayo. I love you!"
"I love you too, baby ko!"
"Sweet! Hehe.." nandito na pala si Jei jei. Umupo siya sa harap ko at ibinaba yung dalawang baso ng iced tea.
"Si mommy ba yun dada?"
"The one and only. Daming bilin hehe. Aantayin na pala kita pauwi ah. Di na siya makakapunta dito para sunduin ka."
"Sure dada."
"Pero hintayin mo pala ako, kasi susunduin ko muna si Jerri."
"Okay po, dada."
Kumain na muna kami ni Jei jei. Pagkatapos kumain niyaya niya ko sa lobby ng building. May starbucks pala dito. Pati kape nilibre niya ko.
"Jei, kamusta na pag aaral mo?"
BINABASA MO ANG
If It's Love
FanfictionIf it's love And we decide that it's forever No one else could do it better... So, what now? Now that they finally have the family they dreamt of.